Chapter 23 *My girl.*

Start from the beginning
                                    

Naglakad na kami papalayo at sumakay ng taxi. Naiwan naman yung mga tao dun na nasa state of shock ng dahil sa paglapit ko kay Kath. Gusto ko sabihin sa lahat sakanila kung gano ko kagusto yung babaeng to. Kahit pa amazona pa to! Kaya lang hindi ko pwedeng gawin yun ng dahil sa mapapahamak lang si Kath. Kung nung una, sugat sa noo yung nakuha niya, ngayon sa tuhod. Natatakot ako sa pwedeng kasunod. Gusto ko rin naman na private parin yung buhay niya kahit anong manyari.

----------------------------------------------

Kath's POV

Nakaka pagod. Whole day kaming nag mall ni Dj, tapos nasugatan pa yung tuhod ko. Dinala niya muna ako sa bahay nila para gamutin yung sugat. Tapos hinatid niya na ko dito sa apartment ko. Nakaka takot din pala noh. Pano nalang kung maging boyfriend ko sya? Baka mamaya nyan, hindi lang to yung abutin ko. 

Nevermind.  

Binuksan ko nalang yung computer ko. Actually, hindi akin to. Sa land lady ko lang to. Pinahiram niya sakin dahil sa naaawa siya pag gabi na at lumalabas pa ako para lang mag research sa mga computer shop na malapit dito. Buti nalang mabait siya. (◠‿◠)

Nag log in muna ako sa twitter. oo, may twitter ako. Kala niyo kayo lang meron ah. Mwahaha! Eh kasi dito lang ako nakaka sagap ng mga chismis o balita tungkol sa mga paborito kong artista eh. 

Trending topic: Daniel has a girlfriend

What the fuuu?! Binuksan ko yung trending topic na yun, at nakita ko yung samo't saring tweets dun. As usual, hate comments! Pero ayos lang. Hindi naman nila ko kilala eh. Bwahaha! XD Halos pag sakluban naman ako ng may makita akong pictures dun, may picture dun na inaalalayan ako ni Dj. Buti naman hindi kita yung mukha ko. Phew!

 ♫ ♬"You, by the light is the greatest find. In the world, full of wrong.. You're the only thing that's right. ♫ ♬



Binuksan ko yung phone ko na nag riring. May unknown number na tumatawag. Huhu! Pano nalaman ng mga bashers yung number ko? T__T

Sinagot ko naman yun.

"HINDI KITA KILALA, KAYA WAG MO KONG TAWAGAN. BYE." sabay baba ng cellphone. Ayoko ngang malait ng hindi oras.

 ♫ ♬"You, by the light is the greatest find. In the world, full of wrong.. You're the only thing that's right. ♫ ♬



UWAAAAAAAA!

Sinagot ko ulit yun ng hindi ko alam kung bakit.

"AN--"


"Hello Kath! This is Jillianne!" bigla naman akong natauhan dun.

"Hehe! Sorry sa pag sigaw ko kanina, akala ko hater eh."


"I've seen the trending topics on twitter. Someone tweeted a photo of you with Dj."

"Ah yeah? Nakita ko rin eh. Ang bilis ng balita!"

"May twitter ka? hihi. Anong username mo? follow kita." nyee? sabay ganun? pero ayos to ah! Ifofollow ako ng sikat na celebrity.

"kath_superganda ayan. Tweet tweet tayo. Anong username mo?"

"Jillianne_supersexy sige. I'll follow you. Anyways, nevermind those intrigues! Basta ako, boto ako sainyo ni DJ! Haha! byie!" tapos binaba niya na yung cellphone.

I'm in love with a heartthrob. ♥ (COMPLETED)Where stories live. Discover now