Ch.32

4K 61 9
                                    

Ang bigat ng pakiramdam ko habang inaayos ang bagong kwarto ko.Makakatagal pa kaya ako dito?Kahit anong gawin niya o kalokohan,maghahanap parin ako ng isang dahilan para manatili sa tabi niya.

Nakaramdam ako ng gutom.
Nagpapalipas na naman ako ng gutom.

Kaya nagpasya akong bumaba para makakain at makainom.

Pagkababa ko,bukas yung ilaw sa sala,gising pa si Rahum.Nakita ko namang nakainom ito ng tubig."R-Rahum,gusto mo ba kumain ulit?"tanong ko.

"The hell you care bitch"malamig niyang turan at nilagpasan ako.

Napayuko naman ako.Nagpasya akong kumain bago mawalan ng gana,through parang di ko naman gusto yung pagkain.

Maya-maya ay bumaliktad bigla ang sikmura ko at dali daling pumasok sa Cr.Puro laway lang yung sinusuka ko.

Kinakabahan ako sa iniisip ko,no hindi maaari tuh.Hinawakan ko naman ang tiyan ko,may bata na ba sa loob ng tiyan ko?

Kinilabutan naman ako,kailangan kong magpacheck up.

Kinabukasan,maagang pumasok si Rahum sa kanyang opisina.Binilinan niya akong wag lumabas kundi ay paparusahan niya ako.

Lagi akong nasusuka o may hinahanap at palakas ng palakas ang hinala ko.

"Congratulations,Ms.Javier dahil 3 weeks pregnant ka na"masayang turan sakin ng isang OB-gyne.

Kung hindi lang panget ang sitwasyon namin ni Rahum ay baka ikasaya ko pa pero natatakot ako dahil kunting pagkakamali ay baka mawala ang anak ko.

Tulala akong umuwi sa bahay,di ko alam kung ano ang gagawin.Paano kapag saktan niya ako baka mapahamak si baby.Sasabihin ko ba?Tanga ka Stella,kukunin niya ang anak mo.Naalala ko bigla yung contract,nako baka nag-iba yung isipan niya dahil.magkasama na sila ni Josephine.

Kumirot naman ang puso ko."Baby,let me take care of you kahit wala si daddy"sabi ko pa habang himas himas ang tiyan ko.

Kumain ako,hindi dapat ako nagpapalipas ng gutom.Dahil may buhay sa loob ng sinapupunan ko.

Naglinis muna ako ng bahay,baka kasi pagalitan niya ako.Naiisip ko pa rin si kuya,sana safe siya lagi pati na yung asawa niya.

Biglang nagring yung phone ko.Naisip kong si Carlos yung tumawag kaso si Andrew pala.Kinabahan naman ako,baka magalit si Rahum pag nalaman niyang nag-uusap kami.Paano naman kung importante yung sasabihin niya.

May nag-uudyok sakin na sagotin ang tawag niya.Naalala ko naman yung sinabi niyang magkalaban ang organisasyon nila Rahum,ano bang klaseng illegal na pinapatakbo ni Rahum.

"H-hello?"nauutal ko pang saas ng marinig ko ang barako niyang boses.

"Hon,please bumalik ka na sakin.I know he's hurting you.You want me to kill him?"
bungad ni Andrew at nanlaki  naman ang dalawa kong mata.

"you're crazy drew,please wag mo na—"

"Hon listen,he'll kill both of you"

"Andrew listen,hindi magagawa iyun ni Rahum and he will never be"sigaw ko pa sa kanya.

"Hon,isang killer si Rahum.I found out na magkasama pala sila Kyla noong halos napatay ang kuya mo.Magkaanib sila Stella lahat gagawin niya para ipaghigante ang ate niya"

"No it can't be Andrew,wala siyang alam noon"nanginginig ko pang sambit.

"Wala?Listen hon he'll do anything at ngayon alam niyang buhay ang kuya mo ay sisiguraduhin niyang papatayin niya kayo"

Nalilito na ako dahil na tama si Andrew.Mapapahamak kami ng anak ko pag tatagal pa kami.

"Narcotics(Drug) distribution ang gawain nila hon.Umalis ka na pakiusap"sabi niya at naghina naman ang tuhod ko sa narinig niya.

Rahum is not a drug seller.No...noooo

"You're wrong"sigaw ko at pinatay ang tawag ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.Uunahin ko ba ang sarili kong kaligayahan o ang yung anak namin na kailangan pahalagahan at alagaan.

Sa sobra kong depressed ay pumunta ako sa plaza at umupo.Ninamnam  ang simoy ng hangin at naalala ko noon nung nandito kami ni Rahum.Masaya at masungit na Rahum noon,napatawa naman ako sa ideyang iyun.

Inilibot ko naman ang aking paningin sa mga batang naglalaro.Paano kapag nailuwal ko siya,kukunin ba siya ni Rahum?Natakot naman ako sa posibilidad na iyun.

Napagpasiyahan kong umuwi dahil makulimlim ang langit.Pagdating ko ay madilim na ang paligid.

Di ko namamalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin,nagpasya na akong pumasok,ngunit ay akala ko na walang tao,
well I was wrong nandito siya nakaupo,masama ang tingin sakin.

Nabigla ako ng hinablot niya ang braso ko."San ka galing?Ilang beses ba kitang pagsasabihang malandi ka"sigaw niya at nanginginig naman ako.

"P-please wag mo kong saktan Rahum."nagmamakaawa ko pa baka mapano ang anak namin.

Hindi ko alam at napapadalas ang pag-uwi niya ng maaga.Tinitingnan at pinagmamasid niya talagang saan ako pupunta.

Sobrang gulat ko ng ikinulong niya ako sa basement ng bahay namin.Sobrang lakas niya na halos madapa ako sa kakahila niya.

Di ako mapakali at nagsisigaw pa ako kanina hanggang sa nanghina ako.

"B-baby,s-sorry dahil pinapahirapan tayo ni daddy ha"sabi ko,hindi dapat ako umiiyak dahil makakasama tuh sa kanya.

Nakatulog ako habang naglalandas ang mga luhang laging lumalabas.Rahum mahal na mahal talaga kita.

Vote and Comment

Bought & Sold to Mr.LunaticWhere stories live. Discover now