Chapter Twenty.

65.6K 1.7K 51
                                    

Namiss nyo ba si Kana? Hahaha nagbabalik na sya xD





Kana's POV





"Anong gagawin mo kung ako nga KANA?" Kilala nya ako? Sino ba sya?




"Sino ka ba?" Tanong ko bigla. Nakakagulat naman kasi na kilala nya ako. E ngayon ko nga lang sya nakita.




Ngumisi ito at nagbigay ng nakakakilabot na halakhak. Kasabay nito ang pagtanggal ng hood nya. Doon ko naaninag ng husto ang itsura nya.




Kung papabatain ang itsura nya, pwede kong sabihin na nakita ko na sya. Isa sya sa anim noon. Isa sya sa anim na kasama ng lola ko sa lumang class picture na 52 years ago na ang nakararaan batay sa edad ni lola.




Pero wait! Chosen din si lola noon? Paanong hindi ko alam? Kung sa bagay naman wala akong pakialam noon. Hindi ko nga alam yung Himitsu Academy nung nakita ko yung class picture na 'yon.




"Magkamukha kayo ng lola mo, pero isa lang ang alam ko... Mas magaling si Miyu sayo." Sabi nya, wala naman akong pakialam kung sino ang mas magaling samin ni lola.




Basta ang alam ko hindi ko kailangang ikumpara ang sarili ko sa lola ko. Dahil alam ko, na mapapantayan ko din si Lola balang araw.




"Wala akong pakialam kung sino ang mas magaling samin ni lola." Sabi ko at tumalikod na.




Naalala ko nanaman ang taong matagal ng wala sa mundo. Kakamatay lang ni lola last year at masakit pa din kapag naaalala ko sya. Tsk, kailangan ko na talagang makaalis dito...




"Kailangan mo ng pagkain kaya ka pumasok dito hindi ba?" 




Kung galing lang din sa kanya huwag na.




"Wala ka nang pakialam kung kailangan ko ng pagkain o hindi." Ngayon ko lang narealize na nakakahinga na pala ulit ako ng maayos.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon