Chapter Fifteen.

80.6K 2.2K 119
                                    

Kana's POV





Bumalik na kami sa logical thinking room matapos naming kausapin si Mel. Madaldal siguro yun halata naman sa kanya e, pero yung kapuna-puna sa kanya kanina ay yung pagtingin nya ng makahulugan kay Sasuke. Parang marami syang alam tungkol kay Sasuke na hindi namin alam. Hindi na ako magdududa doon, sya ang story teller sya ang pinakaimportante sa buong Himitsu dahil kung wala sya wala din kami.




"Lalim ng iniisip a?" - Kyoya. Hindi ko namalayan na tumabi pala sya sa akin.




"Ha? Oo haha." Sabi ko na lang. Ang tagal namang mag-CR ni Ms. Ayumi. "Goodluck senyo." Pagkasabi ko nun bumukas na ang pinto at iniluwa si Ms. Ayumi may hawak syang round aquarium at may mga papel sa loob.




"Ready guys?" Nagnod kami at ngumisi sya. "Now start thinking." Umupo sya sa upuan habang nakangising nakatingin sa amin. 




Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Anong gagawin namin dito e wala naman syang pinapagawa sa amin "Start thinking." daw e ano namang  iisipin namin?




Nakakabored naman 'to o!




"GUUYYYSSSS, think. You need to think para makalabas kayo. Nasa labas ang challenge nyo wala dito sa loob." Sabi nya pa. So ganun all this time? "Okay I'll give you hint, but no more hint next time." Ginanahan naman kami sa sinabi ni ma'am. "Think of something that is running pero hindi nyo namamalayan." Niloloko nya ba kami? Wala namang umaandar dito.




"Seriously ma'am Ayumi, umaandar ang oras and our time is very important. Palabasin mo na kami para makapag-umpisa na kami." Sabi ni Ken at humikab sya. Seriously din. Paano nya nagagawang humikab sa tapat ng teacher?




Ngumiti ng malapad si Ms. Ayumi at nagsalita. "Hmm, kahit ganyan yung pagkakasabi mo nakuha mo naman yung sagot kaya guys stand up and let your challenge begin. First bumunot muna kayo dito at make sure na alam nyo na yung sagot bago kayo lumabas." Tumayo na kami at bumunot si Misaka, napagdesisyunan kasi namin kanina na sya na lang yung leader namin.




"I look at you, you look at me I raise my right, you raise your left. What am I?" Mahinang basa ni Misaka sabay ngumiti sya at hinila na kami palabas. "The answer is Mirror. And I think mirror can give us some clues pa for the other logics. Tara sa reflection room?" Tumango kami at sumunod lang ako sa kanila hindi ko naman kasi alam kung saan yung reflection room na yun. Remember bago lang ako dito.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon