Chapter Fourteen.

74.7K 2.1K 85
                                    

Kana's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto namin. Maayos naman yung naging pagtulog ko, kaso nga lang feeling ko anumang oras magtatanggalan yung buto ko. Ang sakit ng katawan ko!

"Oh! gising ka na pala Kana. Maligo ka na. Pagkatapos punta na tayo sa new classroom natin." Sabi ni Yuna na kakagaling lang sa banyo. Si Misaka naman hindi ko napansin na bihis na pala at kasalukuyang nagsusuklay at nakangiti sa akin.

"Ikaw ah. Tsk tsk." Sabi ni Misaka sa akin at ngumiti pa ng mas makabuluhang ngiti.

"Anong meron?" Sabay naming sabi ni Yuna. Pero mas lalo pang lumapad yung ngiti ni Misaka. Naka-drugs ba sya?

"Wala wala! Maligo ka na Kana!" Sabi nya at ginawa ko na nga, kahit masakit ang buong katawan ko. "Ikaw naman! Napakatsismaker mo! Tagal mo kasi sa banyo kaya wala ka nanamang alam." Narinig ko pang sabi nya bago ko maisarado yung banyo. After nun wala na akong narinig.

Binilisan ko na lang yung pagligo ko. Napansin ko na lang na wala ng galos yung kamay ko. Ni bahid ng sugat na nakuha ko kahapon wala na din. Pano nangyari yon?

Matapos ko gawin lahat ng kailangan kong gawin nagbihis na ako sa loob ng banyo. Nasa labas pa din naman sina Yuna kahit papaano. Nakakahiya kung sa labas ako magbibihis. Yung ordinaryong uniform lang yung suot ko kasi yun yung nakita kong suot nila.

"halika nga dito." Pinalapit ako ni Yuna at may hawak syang suklay. Susuklayan nya ba ako?

"Marunong akong magsuklay." Sabi ko at inagaw ko sa kanya yung suklay na hawak nya. Bigla naman syang nagpout. Kaya ibinalik ko sa kanya yung suklay at naupo sa upuan.

Himitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon