Chapter 10: Ready

74 45 0
                                    

PEONY's POV

Pagtapos namin kumain, gaya ng sinabi ni Luigi, namili kami ng mga gamit na gagamitin ko para bukas. Sa totoo lang, pwede ko naman suotin ang mga luma kong damit pero mas pinagpilitan ni Luigi na bumili ng bago. Pero sabagay, mayaman ang pamilya niya kaya mas mabuti kung magmumukha akong desente sa harapan nila.

Kasama namin mamili si Russell. Ayaw nga siya isama ni Luigi, nagpumilit lang din siya. Hinayaan na namin siya sumama since kaibigan naman siya ni Luigi at mukhang makatutulong siya sa'min pumili ng mga damit.

Pag-uwi, nakahanda na agad ang mga pagkain at kakain na lamang kami. Ang sarap ng ganitong buhay, 'yong pag-uwi mo may nakahanda na agad na pagkain para sa'yo. Kung pagod kang uuwi, hindi mo na kailangan paghandaan pa ang sarili mo dahil may nakahain na sa lamesa at isusubo mo na lang ang mga 'yon.

Kinabukasan, nagising ako nang marinig na may kumakatok sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto, isang katulong ang bumungad sa'kin at sinabi na pinasusundo ako sa kaniya ni Luigi.

"Okay, mag-aayos lang ako ng sarili," sabi ko bago isarado ang pinto.

Ayon sa aking pagkaka-alala, ang babae na kumausap sa'kin ay isa sa mga katulong na pinag-usapan ako sa kitchen. Malamang ay hindi niya alam na narinig ko ang pag-uusap nila kaya kaya niya pa akong tignan sa mata. Ako tuloy ang nahihiya na humarap sa kanila kahit na wala naman akong ginawa na masama.

Sigh. Napailing na lamang ako bago pumasok sa banyo upang maligo. Alam ko naman kung bakit ako pinapatawag ni Luigi, gusto niya akong mag-ayos para sa dinner mamayang gabi kasama ang family niya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, para akong natatae na ewan. May pinaghalong kaba at excitement sa dibdib ko.

Matapos maligo ay bumaba na ako. Nang makita sa sala sina Luigi at Russell ay lumapit ako sa kanila. May iba pa silang kasama pero hindi ko kilala ang mga 'yon. Nang mapansin nila akong papalapit, sinalubong ako ni Luigi at hinawakan ako sa baywang habang naglalakad kami papalapit kila Russell.

Nabigla ako sa ginawa niya pero hindi ako nagprotesta. Marahil ginawa niya iyon dahil hindi pwede malaman ng mga taong kasama niya na peke ang relasyon naming dalawa. Kahit kay Russell ay hindi pa namin nasasabi ang totoo. Huwag lang sana siya magtampo kapag nalaman niya.

"She's my fiancé, Peony," pagpapakilala sa'kin ni Luigi.

May dalawang babae at may tatlong bakla, lahat sila ay ngumiti sa'kin at binati ako na tinugunan ko rin ng pagbati at pagngiti. Kapag hindi ko iyon ginawa, baka sabihan pa ako na masama ang ugali ko.

"Ito ang mga makeup artist na kinuha ko para sa'yo, si Jane at Era," sabi ni Russell at tinuro ang dalawang babae. Ngumiti lamang ako at nagpatuloy naman si Russell sa pagsasalita. "Itong tatlo naman ay ang mamimili ng susuotin mo at mag-aayos ng buhok mo, sina Chris, Carl, at Gian."

Pagtapos ng introduction, kumain na muna kami lahat. Mukhang kaibigan ni Russell ang mga kinuha niya na mag-aayos sa'kin mamaya, dahil halatang komportable na sila makipag-usap sa isa't-isa. Nag-aasaran din sila habang kumakain kami. Samantalang tahimik lamang kami ni Luigi na nakikinig sa kanila, pero may time na nakikitawa ako sa kanila unlike Luigi, poker face lang talaga.

Pagtapos kumain ng almusal, nagsimula na ang operation na pagandahin ako.

"I'll go to work, let me know once you're finished. I just have to check something," sabi sa'kin ni Luigi, pagtapos ay bumaling siya kay Russell. "Russell, you're coming with me."

"Oh, right!" Mukhang nagulat si Russell pero agad din niyang kinuha ang jacket niya at sinuot iyon.

"Please, take good care of my fiancé," ani Luigi sa mga mag-aayos sa'kin.

Owned By The Mob BossWhere stories live. Discover now