Chapter 17 - Part 2

7.5K 225 30
                                    

Continuation...

"Mom!" Agad yumakap si Hunter sa isang napakagandang babae na sa tingin niya ay nasa almost forty lang ang edad o bata lang talagang tingnan dahil ang sexy parin nito at sosyal na sosyal. Humalik si Hunter sa pisngi nito. "Kanina ka pa d'yan? Where's Dad?"

"Naroon sa loob Hijo," sagot ng mom ni Hunter. Parang kinilabutan pa si Brynn sa pagtawag ng ginang na hijo kay Hunter dahil pwede pa itong pagkamalang magkapatid. "By the way Hijo hindi mo ba ipakikilala sa'kin ang napakaganda mong kasama? Why are you hiding Hija?" Sa hiya ni Brynn dahil nahuli sila ng mommy ni Hunter na muntik nang may gawing milagro kanina, ay nagtatago siya sa may gilid ng likod ni Hunter.

"Mom si Brynn ito..."

"Oh my God!" biglang bulalas ng ina nito at inisang hakbang lang siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Pakiramdam niya ay sobrang excited ito na makita siya at biglang nataranta. Matapos siyang yakapin ay hinawakan pa siya nito sa magkabilang pisngi at sinabing, "Ikaw na ba talaga 'yan Brynnleigh, kapatid ni Leighron? Oh my God hija, hindi agad kita nakilala, ang liit-liit mo pa noong huli kitang makita... And now look at you...you already grown up and you are very pretty. Mabuti naman at nakarating ka na ulit dito hija." Pinaghahalikan pa siya nito. Siguro ay sa ina namana ni Hunter ang pagiging malambing.

Siya naman ay hindi parin makapaniwala sa warm welcoming ng mom ni Hunter, para bang matagal na siya nitong hinihintay na makarating muli sa lugar na iyon.

"T-thank you so much po Tita...Kayo rin po napakaganda niyo po..." naiilang siya kung ano ang itatawag dito dahil pwede pa niya itong tawaging Ate dahil ang bata ng hitsura nito.

"Oh thank you Brynn and, No, no, no. Don't call me Tita. Mom or Mommy Myrtelle ang itawag mo sa'kin. Excited na ako sa aking future daughter in law, mabuti nalang at napasagot kana ni Hunter. Bagay na bagay talaga kayo ni Hunter ko. Napakaganda mo talaga hija."

"Mom, masyado mong binobola si Brynn, baka lumaki ulo niyan," singit na biro ni Hunter.

"Ikaw talaga Hunt... H'wag kang maniwala d'yan Hija, hindi kita binobola talagang maganda ka. And I'm so happy and super excited. Na-e-excite na akong magka-apo...bigyan niyo ako ng maraming apo..."

"Did you heard that Brynn?" at kinindatan pa siya ni Hunter. Hindi niya alam kung gaano na kapula ang pisngi niya siguro ay times ten dahil sa pagkamangha sa mga nangyayari.

Nilagay niya ang braso niya sa likod ni Hunter at pasimple niya itong kinurot at hinimas kunwa ang likod nito. Para namang wa-epek ang ginawa niya at nagpatuloy pa si Hunter, "Don't worry Mom we are planning to make atleast a dozen babies..."

"Naku ikaw talaga Hijo, mapipingot talaga kita mamaya. You always loved to tease Brynn. Hija don't be shy, just tell me if Hunt's being a pain in the butt," biro ng mom ni Hunter na nagpahagalpak sa kanilang tatlo.

Mukhang magkakasundo sila ni Mommy Myrtelle. Mahaba-haba rin silang nagkuwentuhan at inilibot siya ng mga ito sa loob ng Redwood Palace. Napaka-elegant at napaka-luxurious ng loob at labas ng palasyo nina Hunter. Pakiramdam niya tuloy ay nasa isa siyang fairy tale. She also met his Dad na kahit may edad na ay ubod pa rin ng gwapo at ang bait pa.

Marami pa siyang nalaman about kay Hunter na i-chinika sa kanya ni Mommy Myrtelle.


"Naku hija sinabi mo pa, hindi ko nga alam kung bakit ganoon ang sinabi ni H—"

"Mom, I think Brynn needs to rest for a little while medyo mahaba rin ang biyahe namin kanina. Mamaya or bukas nalang ulit kayo mag-kuwentuhan." Pinutol na muna ni Hunter ang conversation ng dalawang babae. He knows his mom, kapag gusto nito ang tao kahit pa buong araw magkwentuhan ay hindi ito nagsasawa.

"Tapos na ba ang meetings niyo Hijo?"

"Yes Mom, kaya kukunin ko na muna si Brynn."

"Oh...ganoon ba Hijo?" mukhang nabitin pa ang mommy ni Hunter sa pakikipag-chikahan. "Ok sige...Brynn bukas pasyalan mo ako ulit dito," at niyapos na nito si Brynn at hinalikan sa pisngi pati rin si Hunter.

"Okay sige po thank you po talaga," at inakbayan na siya ni Hunter hanggang sa malakalabas na sila ng Redwood Palace. Sa likod sila dumaan dahil may short cut daw doon papunta sa kanilang magiging bahay ni Hunter.


Kanina ay namangha na si Brynn nang matanawaan ang bahay na itinuturo ni Hunter. Hindi lang pala ito basta bahay. Isa iyong napakaganda at napakalaking mansion. May mga ilang bahay rin siyang natatanawan sa di kalayuan at ang sabi ni Hunter kalimitan doon ay mga rest house ng mga artista, foreigners, at ng iba pang mga sikat at big time na mga pangalan ang binanggit nito.

Walking distance lang ang layo ng bahay ni Hunter sa Redwood Palace and when she enters the house napa-wow siya. Sobrang ganda ng ambiance ng bahay at very relaxing. Magaan agad ang loob niya pagpasok palang. Dito ba talaga siya titira as in? Malaki ang bahay nila sa Manila at matatawag naring mansion but this house, halos malula siya sa lawak. Napakaaliwalas. Maganda ang combination ng mga colors. Very elegant. The furniture and chandeliers were matched. Bumagay sa elegance ng bahay.


"So how do you like the house my princess?" niyakap siya ni Hunter mula sa likuran while sniffing her hair.

"Sobrang ganda Hunter. Wala akong masabi kundi Oh my God wow. Ito na yata ang pinakamagandang bahay na nakita ko sa buong existence ko. Ang bongga. Mas maganda pa sa bahay nina Mommy and Daddy sa Singapore."

Sa dami na yata ng bahay na nakita at napasok ni Brynn dahil sa course niyang Interior Designer, masasabi niyang ito na ang pinaka- perfect. Dahil ito ang taste and concept niya for a perfect house design. The combination of simplicity and elegance at bungad palang bongga na. At kapag nakapasok kana mapapa-wow ka nalang sa ganda. Kung baga sa isang babae maganda na malakas pa ang sex appeal in and out.

"I'm glad you like it sweety. I'm really happy na nakapasa siya sa taste ng ating future Interior Designer. But if you found something you don't want, pwede mong baguhin. You are free to do whatever you want 'cos this is your house."

"B-bahay 'ko 'to?" naguguluhang tanong ni Brynn. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. "Eh 'di ba bahay mo 'to? Kaya paanong—"

"Brynn soon we will get married and what's mine is yours, at dito kana titira after your graduation. Para palagi na kitang kasama." Mas lalong humigpit ang yakap ni Hunter sa kanyang likuran at panay ang halik at singhot nito sa buhok, batok at pisngi niya. Kaya naman walang tigil sa pag-pa-panic ang mga hormones niya.

"Let's go upstairs, I'll show you the other rooms and our bedroom." He softly whispered in her ear and that brought shivers down her spine. Parang makahulugan kasi ang pagkakasabi niyon. Kaya hindi na niya mahintay na makita ang magiging bedroom nila ni Hunter. Matutuloy na ba ang round three nila? She can't wait. Until now everything feels like a dream. 




A/N: Mga minahamal kong Readers ng The Wild Innocence. "Team Hunter" and "Team Nathan" Kumusta na po kayo? Salamat po sa inyong mga comments and votes I really do appreciate it. 

Kindly vote po kung nagustuhan niyo ang Update na ito... and kindly Share na rin po sa inyong mga friends na mahilig magbasa para mas marami pa pong makakilala kina Fafa Hunter, Brynn at Fafa Nathan... The more the merrier... Maraming salamat po sa inyong support!

Love yah all 😘😘😘

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now