Chapter 3 - Part 1

14.7K 306 63
                                    


MADALING-ARAW na ay hindi parin dalawin ng antok si Hunter. Hindi na niya mahintay na mag-umaga. Halos buong gabing nagre-replay sa utak niya ang ginawa niyang paghalik kay Brynn. It was the very first time that finally he got the chance to taste her sweet lips. Matagal na niyang pinapangarap na mahalikan ang mga labi ni Brynn at hindi niya akalain na magkakaroon pala iyon ng katuparan at ang kanyang ikinamangha ay tinugon ng dalaga ang mga halik niya. Does it mean something? Ano kaya ang feelings ni Brynn on the kisses they've shared?

Just thinking about her sensual lips makes him really go wild. Na-e-excite na siya sa kung anong mangyayari.

He took a shower early at maagang pumunta at nag-park sa di kalayuan sa bahay nina Brynn. Gusto niya na kapag tumawag sa kanya ang dalaga ay naroon na agad siya.

Halos tumalon ang puso niya nang mag-ring ang kanyang iPhone. It was Brynn, calling him. Sana lang ay hindi nagbago ang isip nito.

"Hello Hunter, anong oras mo ako susunduin?" tanong ng babae sa kabilang linya. Agad na lumuwag ang paghinga ni Hunter. Thank goodness she didn't change her mind. Her sexy innocent voice is like music to his ear at madalas magpatalon sa puso niya.

"I'm already here, waiting for you." Halatang nagulat ito sa kanyang sinabi.

"Huh? Ang bilis mo yata, magbibihis pa ako. Nakaalis na si Kuya at baka gabihin daw siya ng uwi mamaya."

"Well that's good can I go in there?" may pagkapilyong tanong nito. Halatang may binabalak.

"H'wag na patapos na naman ako magbihis. Hintayin mo nalang ako d'yan. Sige bye..."

"Okay sweet---"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Hunter. He heard that she quickly hung up the phone. Kahit kailan talaga ay never naging sweet sa kanya si Brynn gaya ng sweetness nito kay Nathan. But that's fine with him, as long as pinapansin siya nito iyon ang mahalaga sa kanya and one more thing Brynn is very fun to be around with kahit na most of the time suplada ito sa kanya. Gustung-gusto niya itong laging kinukulit hanggang sa mainis o mapikon sa kanya 'cos she still looks so cute kahit na kung minsan ay halos bugahan na siya ng apoy nito sa galit. Which he really found so funny about her.

Si Brynn naman ay halos hindi magkanda-ugaga kung ano ang susuotin. She changed clothes like five times already. She doesn't feel comfortable wearing sexy clothes or dress. Na-pressure tuloy siya sa sinabi ni Hunter kagabi na magsuot dapat siya ng sexy dress. Hindi niya alam kung babagay sa kanya ang ganoong damit. Paano nalang kung hindi niya ito maakit and worst pagtawanan pa siya nito?

Wala pa naman siyang mga dress dahil wala talaga siyang hilig sa mga ganoong damit. Mabuti na lamang at meron siyang nahanap sa kanyang old dresser. Isang dark maroon long sleeve casual swing dress na above the knee at tinernuhan niya ito ng long boots. Medyo naiilang siya dahil hindi siya sanay magsuot ng mga ganoon especially 6 inches above the knees. Siguro naman ay sexy narin itong maituturing. Bahala na kung ano ang kalabasan hindi naman niya kailangang magpa-impress kay Hunter, saka nalang siya magpapa-sexy nang bonggang-bongga if Nathan will be the one to take her out, like in a date. Sana soon wish ko lang.

Pagkalabas niya ay sinalubong agad siya ni Hunter. Halatang bagong ligo ito dahil basa pa ang buhok nitong kulay ginto kapag nasisinagan ng araw. Fresh na fresh at humahalimuyak sa bango ang Armani cologne na gamit nito at mukhang ang sarap-sarap makulong sa mabangong bisig nito. What? I must be crazy, saway niya sa makulit na tinig sa utak niya.


"Uy Hunter ano? Maganda ba? Okay na ba ang suot ko? You like it?" sunud-sunod na tanong niya sa lalaki and give him a cute smile. Hindi talaga siya confident na magsuot ng dress.

Si Hunter naman ay hindi makapagsalita nang makita siya. Daig pa nitong umurong ang dila sa likod ng ngala-ngala.

"Hoy! Ano panget ba? Magpapalit ako," untag niya sa lalaking speechless. She saw him swallowed many times dahil naggalawan ang adams apple nito.

"No. I mean Wow! God you're beautiful."

Bakit parang bigla niyang gustong kiligin sa papuri nito? Hindi nga? Beautiful daw siya? At napa-wow pa ang mokong. Baka naman nambobola lang. "Come." Inilahad pa nito ang kamay na para bang isa siyang prinsesa at ito naman ang kanyang prinsepe sa isang fairytale at nang magdikit ang kanilang kamay ay daig pa niya ang nakuryente. Mainit ang palad nito at pakiramdam niya ay nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa buong katawan.

Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Brynn while they were on their way to Hunter's condo. Kinakabahan siya but she felt excited at the same time. Am I ready for this? Bigla ay tanong niya sa sarili. Yes I am, para sa'yo Nathan ko, magiging dalubhasa ako.



---Next part po ay naka-private due to some SPG scenes pero pwede niyo po mabasa ng aking mga followers... Salamat po...


The Wild InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon