Chapter 13

6K 201 25
                                    


MASAYANG-MASAYA ang araw ni Brynn dahil nag-date na naman sila ni Nathan. 

It was their second date at muntik pa siyang atakihin sa kilig, guess what—he already asked her kung pwede ba siyang ligawan. 

Ofcourse she answered him a big YES. Wala sa vocabulary niya ang magpakipot.


Nae-excite na siya sa susunod nilang date ni Nathan. 

It will gonna be their third date, sasagutin na niya agad ang binata and the rest—will gonna be a history. Like Hunter's advice, she could give it on the third date.


Speaking of Hunter, two days nang hindi niya ito nakikita. Siguro ay nakahanap na ng bagong paglilibangan. Sa pagkakaalam niya ay nagkaka-mabutihan na ito at si Amalia. Tuwing sinusundo siya ni Nathan sa school ay naroon din si Hunter biglang nasulpot na parang kabute. 

Kung minsan ay nauuna pa ito kay Nathan, and guess what palagi na itong nakaporma. Akala mo ay Hollywood actor na napadpad sa Pilipinas and as usual ang mga babae, isama narin ang mga beki sa school nila ay mga di-magkamayaw sa kakiligan.


Ikaw ba hindi ka kinikilig kapag nakikita mo si Hunter? Ofcourse not, bakit naman ako kikiligin sa manyak na 'yon hmmmppp!

If I know namimiss mo na siya. No way! Bakit ko naman mamimiss 'yong asungot na kabuteng 'yon?


"Are you waiting for me to open that gate?"

"Ay kabute! Hunter walanghiya ka talaga ginulat mo 'ko!" bigla ay napaghahampas niya ito sa braso halos atakihin kasi siya sa gulat. "Ano'ng ginagawa mo dito? Saan ka nanggaling? Kanina ka pa d'yan?" natatarantang tanong niya dito.

"Easy, easy..." hinapit siya nito at niyakap. "Why? Did you miss me?" nakangiting tanong nito at mabilis pa sa kidlat na dinampian siya ng mga halik nito sa labi. It was a short three smack kisses and then on her forehead, and all over her face. Simpleng halik lang iyon pero matinding sensasyon agad ang dinulot niyon. "I missed you too, sweetheart."

"Hoy kapal mo anong miss you too ka d'yan? Wala akong sinabing na miss kita che!" at sa wakas nabuksan na niya ang gate. Kanina pa pala siyang nakatulala sa labas ng bahay nila buhat nang ihatid siya ni Nathan kanina.

"Did you already sleep with him?"

Nakita siguro nito na hinatid siya ni Nathan.

"Not yet 'di ba sabi mo, wait until the third date."

"When is your third date?"

"Secret," at binigyan niya ito ng tawang pilya.

"Tell me when." He grabbed her shoulder at pilit siyang pinaharap nito.

"Ano ba ang pakialam mo? Ayoko ngang sabihin... mamaya mapurnada pa... asungot ka kasi!"

"Fine, then," at itinaas nito ang kanang kamay sa hangin at sabay talikod at mabilis na naglakad papuntang pickup na naka-park sa di kalayuan sa bahay nila.

"Hoy Hunter saan ka pupunta?" habol niya dito. Halos hiningal siya sa pagsunod dito, paano naman kasi sa laking tao nito ang laki rin ng mga hakbang, sa kanya ay parang takbo na iyon.

Mukhang may topak pa yata ang mokong. Agad nitong binuksan ang pickup. "Tingnan mo 'tong taong 'to bigla-bigla nagwo-walk out di na mabiro. Sige na nga sabihin ko na. Sa Friday ang date namin..."

"Okay," iyon lang ang isinagot nito. At binuhay na ang makina ng sasakyan.

"Aalis ka na?" tanong niya rito.

Obvious naman, hello?

"Yeah I have to go!" pasigaw na sabi nito para marinig niya. Maingay kasi ang sasakyan at buhay pa ang music. "May pupuntahan pa ako... bye," dugtong nito. Ni hindi man lang siya nilingon. At tumingin na ito sa daan habang nagsasara pa lamang ang side window ng sasakyan and then humarurot na ito paalis.


Saan kaya siya pupunta? Kararating lang niya bigla nalang umalis. Bakit parang galit yata si Hunter?





A/N: Sa aking mga minahamal na Readers ng The Wild Innocence. Marami pong salamat sa inyong mga Votes at mga nakakatuwang comments at sa inyong patuloy na pagsubaybay sa kwentong ito...

Sa mga "Team Hunter" hello po sa inyong lahat... At sa mga "Team Nathan" po hello din po sa inyo. Meron po ba dito? Puro yata Team Hunter ah... hahaha... Paano na si Fafa Nathan natin?Hehehe...

Kindly vote po kung nagustuhan niyo ang Update na ito...

Love yah all 😘😘😘   

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now