Chapter 17- Part 1

6.6K 190 15
                                    


MYRTELLE ISLAND...

Paglapag ng eroplano ay dito sila dumiretso ni Hunter. Hindi niya alam kung nasa Pilipinas pa ba sila o nasa ibang bansa na. Mahigit tatlong oras din ang flight. Ayon kay Hunter ay nasa pinakadulong isla na sila ng Pilipinas. At mas malapit pa ang lugar na ito sa mga karatig bansa sa South East Asia gaya ng Malaysia, Thailand etc. Kaya naman dinarayo raw ito ng napakaraming turista sa mga karatig bansa maging malalayong bansa raw ay suki rin ng islang ito.

Masarap ang simoy ng hangin at maaliwalas ang buong paligid. Very peaceful at ang lawak ng buong beach. Parang ang sarap magyapak, maglakad at magtatakbo sa napakapuputi at pinong buhangin. Ang hangin na humahaplos sa balat niya ay nagbibigay kiliti sa buo niyang sistema. Very calm and relaxing at masarap sa pandinig ang tunog ng alon ng asul na asul na dagat.

Noong bata pa siya ay pinangarap na niyang tumira sa ganitong lugar. Iyong malapit sa dagat. Tahimik and very relaxing.

Mabango ang simoy ng paligid. Sa totoo lang ay parang pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Pakiramdam niya ay nakarating na siya dito noon. Hindi niya lang masyadong maalala pero the place looks very familiar although parang marami nang nagbago.


"Do you still remember this place?" muntik na siyang mapatalon habang nagmumuni-muni nang marinig ang boses ni Hunter.

"Huh...parang pamilyar sa'kin. So dito ka nagwowork?"

"Yup..." tatango-tangong sagot nito.

Ngumiti ang gwapong mukha nito at hinawakan ang kamay niya habang naglalakad sila.

"This place was very special to me."

"Talaga... bakit naman?"

"'Cos this is where I saw you the very first time." Bigla siyang nagulat sa revelation nito pero hinayaan niya lang itong magpatuloy sa pagsasalita. "It's your birthday, and you just turned eight at that time and I was twelve. Batang-bata ka pa 'non maybe that's why hindi mo masyadong maalala, but this is where you celebrated your eight birthday together with your family and Nathan's.

"So kilala mo na pala ako noon? Bakit hindi kita nakita dito?"

"Your attention is always with Nathan. You were too infatuated with him at siya lang ang palagi mong nakikita."

Tumikhim ito at nag-alis ng bara sa lalamunan.

"But I promised myself that someday you will be mine...at ako nalang ang palagi mong papansinin."

"Eh bakit palagi mo akong inaasar at ginagalit if you want me to be yours?"

"'Yon lang kasi ang tanging paraan para mapansin mo ako. You're too focus with Nathan. At palagi ay ayaw mo sa'kin."

Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maiiyak? May pagka-emo rin palang tinatago si Hunter. So kung siya pala ay trying hard para mapansin ni Nathan ito namang mokong na ito ay trying hard para mapansin niya? Hindi niya akalaing may gusto pala talaga sa kanya si Hunter noon pa man.

"Why are you laughing?" anito at napakunot ang noo.

"Wala lang. Hindi ko akalaing si Hunter the great ay may tinatago palang ka-cornie-han. So kung matagal ka na palang may gusto sa'kin bakit hindi mo ako niligawan?"

"Dahil gustung-gusto mo si Nathan at alam kong ba-basted-in mo lang ako at lalo mo akong iiwasan.

And when I got the courage to court you and tell you about my feelings, bigla naman nakita ko 'yong mga flowers na binigay sa'yo ni Nathan and you're so happy. I realized na wala na talaga akong chance sa'yo. He's already courting you and he seems pretty serious about you. I knew him very much, 'cos he's my cousin."

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now