Chapter 1

19.4K 303 11
                                    

"WHAT? Dude ayoko ng may sabit. Kaya nga hindi na ako pumapatol sa babaeng birhen, and besides, you know I never get satisfied with a virgin. It's a lot of work and I don't like any emotional attachment. I want a wild and well experienced woman who enjoyed sex and already knows what she's doing."

Pagkarinig sa usapan ng magbabarkda ay agad na nanlumo si Brynn. Paano na 'yan birhen pa siya at allergic si Nathan sa kagaya niyang mga babae. Gustung-gusto pa naman niya si Nathan, buhat pa yata no'ng bago pa siya maging teenager, 'yong bago palang mamulat ang isipan niya sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'crush'.

Paano ba naman ay ubod ito ng gwapo at macho at sobrang bait pati nito sa kanya. Kaya naman noong una pa'y pinangarap na niya itong maging kabiyak balang araw.

Subalit ngayon ay nasa Senior College na siya ay hindi parin niya nakukuha ang pansin nito. Oo pinapansin siya nito pero hindi sa paraang gusto niya.

"Oh siya si Aries nalang daw ang makikipag-date kay Monica tutal medyo matagal narin 'yang tigang ang alaga, si Nathan naman ayaw ng virgin. Si Hunter naman ay fully booked palagi," si Xander na nakabungisngis.

"What! Are you guys crazy! or what?" Aries exclaimed at nanlaki pa ang mga mata nito. "It's a big NO!"

"Tingnan mo 'yang si Aries. Akala mo kung sino nang matino. May nalaman kaya kami ni Hunter. 'Di ba Dude?" si Nathan tinapik si Hunter sa balikat sabay tawa ng dalawa.

"Yup!" at tumawa pa ito ng nakakaloko.

"Ano 'yun? Guys share it with us," si Xander at si Luke na biglang na curious.

"Hoy Nathan ang dumi talaga ng isip niyong dalawa ni Hunter. H'wag niyo nga akong idamay sa pagiging womanizer niyo. Lalo ka na Hunter ikaw ang pinakamalala dito."

"Agree for Hunter!" sabayang kantiyaw ni Luke at ni Xander.

"Wohhh guys I'm not a womanizer. Habulin lang talaga ng mga chicks. And besides, what can I do? I'm every woman's dream-gwapo, mabait, macho, tall and smart-and the ladies come to me and wants me to rolled their eyes in pleasure," pagmamalaki nito at niliyad pa ang dibdib habang tatawa-tawa sa mga sinabi.


Hay ang yabang talaga! Napaikot ang mata ni Brynn nang marinig ang mga sinabi ni Hunter habang nakikinig sa may gilid ng pader.

"But guys good boy na kaya 'to promise," dugtong pa nito and patted his chest.

"Wow pare, every woman's dream hah at good boy? Hanep, taas talaga ng level!" si Luke na ngingisi-ngising binato ito ng unan.

Nakisali rin sina Xander at Aries sa pakikipagbatuhan ng throw pillows. Panay naman ang ilag ni Hunter at gumaganti rin ito at isa-isang pinagbabato ang tatlo. Daig pa nila ang mga totoy na paslit na enjoy na enjoy sa pagrarambulan.

"Prrrrrrrt...Hey guys awat na..." si Nathan na animo'y naging tatay ng apat na paslit. Nagsiupo na ulit ang mga ito sa sofa at mga hinihingal. "O mabalik tayo, ano na Aries? Pagbigyan mo na kasi. Try mo lang kahit one time. Who knows kayo pala para sa isa't isa." Kinukulit parin ito ni Nathan.

"Agree!" panabay na chorus ng apat.

"NO guys! Mga abnormal talaga kayo!" mukhang madaling mapikon si Aries kapag ang pinag-uusapan ay si Monica-ang adopted child sa pamilya ng mga ito.

"Hanggang ngayon kasi ay hoping parin 'yan kay Yoh kaya nagpapaka-celibate man..." si Nathan at nakipag hi-five pa ito kay Hunter sabay bato ng throw pillow kay Aries.

"Wooohhhhh! Si Yohanna na naman ba? Until now we can't believe na hoping ka parin 'dun at obsessed. Wala kang pag-asa 'dun Dude. Why don't you just pay attention with Monica and stop hoping."

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now