Chapter 8.1

8.5K 175 23
                                    


***

Gaya ng dati habang naglalakad si Brynn sa hallway ay may mga babae na naman na akala mo mga sinisilihan ang mga puwet.

Halos parang mga kiti-kiti sa sobrang kilig.

At hindi na ito bago sa kanya.

Alam na niya kung bakit.

Nandito na naman si Hunter at sinusundo na siya.

Kaya naman agad siyang nagmadali sa paglalakad.


Pero laking gulat niya nang mapagsino ang naghihintay sa harapan niya

hindi si Hunter kung hindi ay-si Nathan!

With his faded blue long sleeve polo shirt na bahagyang nakafold and a dirty white colored pants.

He looks like-a very handsome, na ubod bangong negosyante.

Kung si Hunter ay simple lang kung manamit kabaliktaran naman si Nathan na kung manamit akala mo ay palaging aakyat ng ligaw.

He always wear sexy semi-formal attire.

A very hot businessman.


Nang matanawan siya nitong palabas na ay agad itong ngumiti sa kanya at lumakad papunta sa kanyang direksyon upang siya ay salubungin.


"Brynn..." nagulat nalang siya pagkabanggit nito sa pangalan niya ay bigla siya nitong niyakap.

Dahil malaking tao rin ito ay halos madurog ang katawan ni Brynn sa higpit ng yakap nito.


"N-Nathan?" yumakap rin siya sa lalaki. Naamoy niya ang sexy masculine cologne nito.

Gamit nito mismo ang Men's Cologne na produkto ng kompanya nitong Nathan & Nathalie.


"I missed you," bulong nito.

Hindi siya halos makahinga sa higpit ng yakap nito at parang biglang sumikip ang dibdib niya.

First time in the history na niyakap siya nang ganito ng lalaking pinapangarap niya lang noon.


Nauntog kaya ito sa France and he already realized how much she likes and wants him?


Binilang pa ni Brynn kung gaano katagal siyang nakakulong sa mga bisig ni Nathan.

Almost three minutes sila sa ganoong ayos.

Para silang nasa isang pelikula.

Ang muling pagtatagpo ng bidang lalaki at bidang babae sa isang love story.


Kung paanong bigla nalang nag-iba ang ihip ng hangin ay hindi niya alam.

Hindi pa nga sila nagkikita ni Nathan since he came back.

At hindi niya ito expected.

Pero ang mahalaga ngayon ay masaya siya.

Mukhang umaayon na sa kanya ang tandahana ngayon.

Teka lang ito na ba 'yong sinasabi ni Hunter na first move?



"So how are you beautiful?"

Omg totoo ba ito? Tinawag niya akong beautiful?

Parang may mga paruparo sa paligid at pakiramdam niya siya ay dinuduyan sa isang paraiso.

The Wild InnocenceWhere stories live. Discover now