Runaway : Chapter 6

Start from the beginning
                                    

"Asus, para yun lang, wagas na makatawa." 

Nagkulitan sila habang kumakain at unti unti silang naging kumportable sa isa't isa. Pakiramdam nila ay parang first date ulet nila. Panay tawanan, kwentuhan at asaran ang tanghalian nila. Inabot sila ng tatlong oras sa tanghalian nila dahil na rin sa kakulitan at sa dami ng pagkain na pinilit nilang ubusin.

Dahil sa kabusugan at kalagitnaan na ng hapon ay napagkasunduan na lang nilang umuwi at magpahinga sa babaying dagat. Masaya silang nagkwentuhan habang nilalanghap ang sariwang hangin at pinagmamasdan ang alon sa dagat. Napaka-kalmado at payapa ang pakiramdam nila pareho. Natigil lamang sila sa pag-uusap nang makitang papalubog na ang araw. Sabay nilang pinapanood ang paglubog nito, kasabay ang pag-alala sa pangyayari mahigit dalawang taon na ang nakakalipas...

“Babe, asan tayo?” masuyong tanong ni Sarah.

“Sa Laiya, babe.” Nakangiting sagot ni Gerald.

“Magbebeach tayo?” galak na tanong ni Sarah.

“Better than that babe.” Misteryosong sagot ni Gerald. ”Come, I have a surprise for you…”

Huminto sila sa harap ng isang bahay. Hindi siya ganun kalaki, simple lang ito, isang tipikong beach house. Kinuha ni Gerald ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan. Pumasok sila sa loob at inikot ni Sarah ang paningin sa paligid. Fully furnished ang bahay, simple lang ang mga gamit, angkop sa simpleng bahay ngunit homey ito at comforting. Pumunta sa may balkonahe ng bahay at tinanaw ang dagat.

"You like it babe?" tanong ni Gerald na tila gumising sa diwa ni Sarah.

Nakasandal sa may pintuan si Gerald at nakangiting pinagmamasdan ang kasintahan. Lumingon si Sarah sa kanya at ngumiti.

"Yes babe, it feels nice and peaceful. This is yours?" tanong nito bago ibinaling muli ang atensyon sa dagat.

Lumapit sa kanya si Gerald at hinapit ang beywang nito. Niyakap niya ito mula sa kanyang likod at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat nito. At sabay nilang pinagmasdan ang mga alon.

"Yup. I asked Fred to look for a beach house, nearby your place. Para at least, habang nandito ka, meron tayong safe house." biro nito.

Napatingin sa kanya si Sarah at kumawala sa pagkakayakap nito upang mahawakan nito ang mga pisngi nito. 

"Babe, you know, you don't have to do that. Dadating naman yung time na magiging okay rin ang lahat." malambing na sinabi nito habang dahan-dahang hinaplos ang pisngi ng kasintahan.

Hinawakan ni Gerald ang kamay nito na nasa mukha niya at dinala ito sa kanyang mga labi at masuyong hinagkan ito. Dahan-dahan naman niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga, at unti-unti niyang inalapat ang mga labi nito sa mga labi ng kasintahan. Ang dapat na isang maigkling halik ay lumalim at unti-unti itong naging mapusok at mainit. Naramdaman ni Sarah ang dila ng binata sa kanyang labi na tila nagpapaalam, agad naman itong pinagbigyan ng dalaga at nagbigay ng sapat na puwang upang makapasok ito. Tila naglalaro at nagsasayaw ang mga dila nila sa tugtog ng simoy ng hangin. Halos masunog ang kanilang mga baga at namaga ang kanilang mga labi nang maghiwalay sa kawalan ng hangin. 

Nahihiyang nagtinginan ang dalawa matapos Hinagkan muli nito ang mga kamay ng dalaga bago niya ito bitawan at humarap sa dalampasigan. Hindi niya mapigilang magbuntong-hininga habang pinagmamasdan niya na halos palubog na ang araw..

"What is it babe?" tanong ni Sarah ng mapansing may gumugulo sa isipan ng binata.

"What if hindi maging okay ang lahat? What if hindi matanggap ng family mo yung relationship natin?"  malungkot na tanong nito.

Inabot muli ni Sarah ang kamay ng binata at hinaplos ito upang magtawag pansin. Nagtagumpay naman siya at nakuha muli ang atensyon ng kasintahan at humarap ito sa kanya. Gamit ang isa pa nyang kamay at hinawakan nito ang mukha ng binata.

"Babe, I may not be a perfect girlfriend, pero whatever happens, I want you to know that I love you so much and I will fight for that love in the ways that I know. Unconventional ways man, at hindi man ako ganun ka-vocal at kaactive sa pakikipaglaban, pero di basta-basta matitinag ang pagmamahal ko dahil sa mga pagsubok na dinadaanan natin ngayon. My love is too strong for that. I know your love is that strong as well. Diba babe?" nakangiting tanong nito.

"Yes, babe. That's why I'm here, and that's why I wanted to ask you one important question."  tila kinakabahang sagot nito.

"What is it babe?"

"I love you too much that I can't imagine myself  living without you. Okay lang sakin na ganito tayo ngayon, and I understand.. Pero I can't help myself thinking about the 'what ifs...' So babe, can you erase those doubts?" napalunok siya at dahan-dahang lumuhod habang nilalabas ang isang maliit na kahon. "Runway with me and be my wife?" tanong nito at binuksan ang kahon upang makita ang isang simple ngunit eleganteng singsing na may maliit na diyamanteng bato.

Hindi makapaniwala si Sarah sa narinig at umagos ang mga luha mula sa kanyang mga mata sa sobrang emosyon na nararamdam niya. Natatakot siya ngunit sobrang natutuwa siya dahil ang taong pinakamamahal siya ay nais siyang makasama habang buhay.

"Babe?" tanong ni Gerald na nagpabalik sa diwa ni Sarah. 

"Yes." mahina ngunit tama lang ito upang marinig ni Gerald.

Napatayo si Gerald at napayakap ng mahigpit sa fiance nya. "I love you, I love you.." paulit ulit na sambit nito sa sobrang tuwa.

"I love you too babe, I love you too." masayang sagot naman ni Sarah sa matatamis na salita ng nobyo.

Tila isang magandang panaginip na lamang ang mga pangyayari na yun matapos ang mga naganap sa kanilang buhay. Hindi maiwasan mapaluha ni Sarah ng maalala ang pangakong ipaglalaban ang pagmamahalan nila. Tuluyan na nga bang napako ang pangako na yun? tanong niya sa sarili. Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig sa pagiisip niyang iyon at hindi niyang napigilang manginig.

Naramdaman ni Gerald ang pagkanginig ni Sarah at napagkamalang giniginaw ito kaya inaya niya ito na pumasok na sa loob. Napagkasunduan nilang hindi na maghapunan dahil na rin sa dami ng nakain nila noong tanghali. Naupo sila sa may sala at magkayakap na nanood ng telebisyon habang nagpapalipas ng oras. Sa kalagitnaan ng palabas ay naramdaman ni Gerald na nakatulog na ang asawa. Hindi naman niya ito masisi dahil miski siya ay napagod sa dami ng nilakad nila at sa samut-saring emosyon na nararamdaman nila. 

Dahan-dahang binuhat ni Gerald si Sarah patungo sa kwarto at iniayos ito sa higaan. Matapos maihiga ito ng maayos ay hindi niya maiwasang tumitig sa asawa. Kanina pa niya ito gustong gustong gawin. Hindi niya lang magawa dahil alam niyang maiilang lang ito. Marami pa siyang gustong gawin sa asawa. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit, halikan magdamag at higit sa lahat gusto niya itong angkinin.

Halos maubos ang lakas niya sa pagpipigil sa sarili upang gawin sa asawa ito. Nanaig parin ang pagka-gentleman nito, ang matinding respeto at pagmamahal nito sa asawa. 

"I'm not going to force you to something. But whatever you say, I'm still holding on to your promise that you're fighting for our love in the ways you know.." bulong nito bago hinalikan ang noo ng asawa at nagtungo sa banyo upang maligo ang mabawasan ang init na nararamdaman nito. Pagkatapos nitong maligo ay sinulyapan niya muli ang asawa bago tuluyang nagtungo sa sala  upang inayos sofa bed at doon natulog. 

++++++++++++++++++++

A/N:

Thank you for making "Runaway" number 2 sa "What's Hot FF" :) It's overwhelming :) Dahil dyan update agad agad haha. Sorry, paunti-unti sa pagstep outside ng wholesome image :)) Di pa kaya ng powers at mahirap kasi tagalog hahaha. Anyway, hope you enjoyed this chapter :) God bless :)

Runaway...Where stories live. Discover now