Stalk 13

351 15 0
                                    

"One step kid and I will blow this woman's head."

Hindi nawala ang masamang tingin ko sa matandang na sa harapan ko, nakatutok pa din ang baril nito kay Luna. Nanginginig ang mga kamay nito at may tilamsik pa ng mga dugo ang suot nitong damit.

Ibinaba ko ang baril na hawak kaya bahagya itong naalarma at mas lalo pang itinutok ang baril sa babae. Napangisi ako dahil kita ko ang panginginig ng labi nito habang masamang nakatingin sa akin. Sige lang, matakot ka.

I crossed my arms over my chest and place a smirk on my face. If I allow him to see na kinakabahan ako, mas lalo lang siyang magiging matapang sa harap ko.

"Go on, old man. Place a bullet on that woman's head. That's what you want right?"

Napangiti ako sa loob loob ko ng makita ang pagkagulat sa mata nito dahil sa sinabi ko.

"Babarilin ko talaga ang babae na 'to!" Sigaw pa nito kaya lalo akong napangisi. Kung babarilin niya si Luna ay dapat na kanina pa, pero hindi niya ginawa. Alam niya na mapapakinabangan niya pa 'to.

Nakarinig ako ng yapak ng mga paa kaya mas lalo akong napangisi. Umaayon ang lahat sa plano.

"Dad! Put the gun down!" Sigaw ni Damian. Bakas naman sa mukha ng matanda ang pagkagulat dito.

"H-How? Pinatay..Pinatay na k-kita!" Nanginginig na sabi ng matanda. Itinaas nito ang baril at nakatutok na iyon kay Damian. Pagkakataon ko na para kumilos.

"D-Dad b-bakit mo iyon ginawa?! Anak mo 'ko!"

Totoo na ang ama nito ang nagpaputok ng baril kay Damian bago pa nila kinuha si Luna sa hospital. Akala siguro nito ay patay na ang anak dahil halos mahina na ang pulso nito ng maabutan namin. Mabuti na lang at hindi napuruhan si Damian kaya nagawa pa itong iligtas ni Leighton. Kung hindi nito naligtas ang binata ay baka wala kaming kaalam-alam sa pwedeng puntahan at taguan ng ama nito.

Sinamantala ko ang pagdadrama ni Damian para kunin ang kutsilyo na nasa hita ko at walang pagaalinlangan na binato iyon sa direksyon ng matanda. Dahil na sa anak ang atensyon nito ay hindi nito nakita ang hinawa kong pagpapalipad ng kutsilyo sa direksyon niya. Hindi na siya nakaiwas at tumama iyon sa leeg niya. Sumirit doon ang masaganang dugo bago niya pinaputok ang baril na hawak. Kung saan-saan tumama ang bala kaya napayuko ako. Hindi iyon tumagal at nawala na lang bigla ang tunog ng baril.

Napatingin ako sa paligid at nakita si Damian na nakahawak sa braso niya habang nakadapa. Mukhang natamaan ito ng balang pinakawalan ng ama.

"Buhay ka pa?" Nakangisi kong tanong dito.

"Shut up." Iritable iyong tumayo at agad kaming napatingin kay Luna ng marinig ang mahina nitong pagungol.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis na lumapit sa dalaga. Nakahubad ang pangitaas nito kaya agad akong napaiwas dito bago hubarin ang suot na leather jacket para ipambalot dito. Itinayo ito ni Damian at isinuot dito ang jacket ko kay Luna. Napaiwas ako ng tingin dahil sa nakikita.

"D-Damian... Ang init..." Mahinang bulong ni Luna kaya napabalik ako dito ng tingin. Mahina itong umuungol kaya hinawakan siya ni Damian sa balikat para alugin.

"Babe, talk to me. What is that?" May pagaalalang tanong nito.

Maya-maya ay may tumawag sa aming dalawa kaya napatingin kami dito.

"Edward take care of everything. We can already leave this place in a minute, there's a chopper coming." Imporma nito bago umalis sa harap ng pader na binuksan ko kanina. Napabalik ako ng tingin sa dalawa.

"Can you lift her? Paano yung tama mo?" Tanong ko dito. Ibinulsa nito ang hawak na kutsilyo bago ako nginisihan.

"I can endure my wound but I can't endure seeing her in this state."

Binuhat nito si Luna sa mga bisig nito bago ngumiti sa akin. Nauna na itong maglakad sa akin at lumabas na ng kwarto. Sinigurado ko muna na patay na talaga ang Ama ni Damian, pinaputukan ko pa ito ng tatlong beses sa ulo bago ito iniwanan. Edward will take care of these.

Sumunod ako sa paglabas at sinundan si Damian na buhat-buhat si Luna sa mga braso nito na parang papel. Naririnig ko pa ang mahina nitong pag-ungol at binabanggit ang pangalan ni Damian na parang bang kailangan na kailangan nito ang lalake. I smiled bitterly at the sight.

I wish you can say my name like the way I need you, I wish I can hold you like the way I want to.

---

Matatapos na siya yieee
@MsCalibear

CS1: The Stalker (COMPLETED) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora