13

29 1 0
                                    

"Ha?! Walang pambayad?" Tanong ni Seungcheol.

"A-ano kasi, naghahanap pa lang ako ng trabaho. Pero sige na, patuluyin mo na ako. Makakapagbayad ako sa oras na makahanap na ako ng trabaho." Sagot naman ni Jeonghan. Sa katunayan, masyadong distracted si Seungcheol sa kagandahan ng lalaking kausap niya kaya hindi niya na masyado iniisip kung may pambayad ba ito o wala.

"Sige," Umayos siya ng upo. "Ako ang magbabayad ng renta, ikaw ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay. Deal?" He smiled playfully. Wala naman talagang kaso sa kanya kung hindi makakabayad si Jeonghan, sanay na siya kay Mingyu pa lang dahil madalas ay hindi ito nakakapagbigay. Pero higit sa lahat, ang gusto niya lang naman talaga kasi ay may kasama siya. He doesn't want to be alone.

Napaisip naman si Jeonghan. Paano yan? Hindi ako marunong.

Oo, nakikita niya kung paano. Simula pa noon, but he never did it himself. Pero wala na siyang magagawa kundi ang pumayag na lang sa kondisyon ni Seungcheol. After all, he wanted to be here.

"Deal." Sagot niya sabay ngiti.

"Good," Tumayo naman si Seungcheol. "Now, let me show you your bedroom." Naglakad naman papunta Cheol sa dating kwarto ni Mingyu at agad na sumunod si Jeonghan.

"'Di mo na nga kailangan ipakita eh, kabisado ko na kahit kasulok-sulukan ng bahay mo." Sambit niya pero hindi sapat para marinig ni Cheol.

"Pasensya na, hindi pa kasi talaga ako nakakapaglinis kaya magulo pa." Sabi ni Cheol nang makarating sila sa kwarto. Jeonghan doesn't really mind. Hindi pa ba siya masasanay kay Seungcheol na simula pagkabata ay kasama na niya? Though Cheol don't know he exists.

"Ayos lang, maglilinis na lang ako." Sagot ni Jeonghan.

"Sige. Maiwan na kita, ha? Nandun lang ako sa kwarto ko. Knock if you need anything." He smiled and left Jeonghan alone in the room.

Jeonghan, he's beyond happy. He's finally here and he'll live with Seungcheol. Hindi siya mahihirapan na bantayan ito at siguraduhing maging okay siya. He knows that behind all those smiles, he's still in pain. He still feels alone. That's why he's here.

"Kakatok pa ba ako kung ang kailangan ko ay ang sumaya ka?"

***

"Shet. Ano yun? Bakit amoy sunog?!" Nagising si Seungcheol sa naamoy niya at agad na hinanap kung saan nanggaling ang amoy.

"Jeonghan!!" He screamed, lumapit siya at agad na pinatay ang kalan. "Anong ginagawa mo?!" He asked him.

"A-ano... magluluto sana ako," Kumamot sa ulo si Jeonghan at tumingin sa ibaba. "Kaso hindi kasi ako marunong."

Hindi naman sumagot si Seungcheol at nakatingin lang ito sa kanya. Galit ba siya?

"P-pasensya na, Seungcheol. 'Di ko sinasadya." Sambit niya, nag-aalala talaga siya dahil baka galit nga ito sa kanya.

"Tss. Ayos ka lang ba? Hindi ka naman ba napaso o ano?" Seungcheol asked. He also scanned Jeonghan's hands to make sure na wala itong paso.

"Ayos lang ako," Binawi naman ni Jeonghan ang kamay niya. "Hindi ka galit?"

"You almost burned my house, Jeonghan," Tumingin si Seungcheol sa kanya na may seryosong tono ng pananalita. "But it's okay, as long as you're fine."

His heart was touched by Seungcheol's words. Ano 'to? Bakit ang bilis ng tibok? He wasn't used to it. Bakit may mabilis na tumitibok sa dibdib niya? He was an Angel. This was a very unusual feeling to him.

"Umupo ka muna sa sala, ako na muna ang magluluto ngayon. I'll teach you how to cook next time." He winked at Jeonghan and gave him a warm smile. Hindi niya alam pero sobrang gaan talaga ng pakiramdam niya rito. Kung si Mingyu 'to ay paniguradong nabatukan niya na yun.

Agad namang tumungo si Jeonghan sa sala, at habang naglalakad ay hindi niya mapigilang ngumiti.

Ito pala ang pakiramdam ng mahawakan siya.

Story of Another Us • jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon