2

40 2 0
                                    

"Ay, may angels ba talaga?"

"Meron." Sagot ko. Hindi naman niya ako maririnig kahit anong gawin ko rito. Hindi rin niya ako nakikita.

Natatawa ako habang tinitignan ko kung paano matakot si Seungcheol dahil mag-isa lang siya. Ganito na siya simula pagkabata, hindi pa rin siya nagbabago.

Hinawi ni Seungcheol ang buhok niya nang muli siyang maupo sa sofa.

"Ang lambot talaga siguro ng buhok mo no?" Sambit ko at marihing tumawa. "Gustong-gusto kong mahawakan yung buhok mo." Tinabihan ko si Seungcheol sa kinauupuan niya.

Malamang ay hindi na naman niya naramdaman at hindi niy ako nakikita. Pero kitang-kita ko kung gaano siya kagandang lalaki. Nasaksihan ko lahat ng pinagdaanan niya simula bata hanggang ngayon.

"... kaso hindi pwede, eh."

Gusto ko siyang mahawakan, kaso hindi ko kaya.

Bakit?

Kasi isa lang akong anghel.

Anghel ni Seungcheol.

Anghel.

Story of Another Us • jeongcheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon