6

30 2 0
                                    

Seungcheol's phone died already. Umuulan na nang malakas pero ayaw niya pa rin umalis. He knows. Alam niya na kaya wala si Jihoon ay dahil kasama niya si Soonyoung. Pero mas pinili niya pa rin mag-intay doon kasi desidido talaga siya sa pag-amin sa binata.

It's almost 9pm when the rain stopped and he's still there, waiting.

"Seungcheol, umuwi na tayo." Someone beside him is begging already. "Magkakasakit ka pag 'di ka pa nagpalit ng damit. Tara na. Pagod ka na alam ko kasi nadadamay ako." He said. Kasi 'di ba? Kung ano nararamdaman ni Cheol ay nararamdaman niya rin. At sobrang pagod na siya.

Seungcheol sighed. Ang lalim nga eh. "Haaaaay, Jihoon." He smiled weakly.

"Nakuha mo pang ngumiti kahit pagod at malungkot ka na?" Sabi nito at umupo sa tabi ng binata. "Uwi na tayo, kailangan mo nang magpahinga."

Syempre walang nangyayari sa pangungulit ng anghel kay Cheol. Hindi naman siya naririnig nito o nararamdaman.

The angel keeps on trying to touch Seungcheol's shirt, sa may bandang balikat. "Cheooooool, tara naaaaaa." Ganun pa rin, tumatagos lang kamay niya sa tela.

"Ang kulit mo naman kasi, umuwi na tayo. Sige n—"

"Shet..." Nagulat si Seungcheol nang may maramdaman siyang humila sa damit niya. Tumingin siya sa paligid. Wala naman siyang nakitang kahit sino.

"Pakshet. Ano yun? Minumulto na ba ako? AAAAHHH!" Sigaw niya at sabay tumakbo papalabas ng field.

"MAMAAAAAA!!!!!"

His angel is still sitting there na gulat na gulat. Hindi siya makapaniwalang nahawakan niya yung damit ni Seungcheol. Sigurado siya roon dahil maging si Seungcheol ay naramdaman na may humila sa damit niya.

"P-paano ko nagawa yun?" Tanong niya sa sarili. "Posible ba talaga yun?"

***

Nakauwi na si Seungcheol at sobrang hingal siya dahil sa pagtakbo. Halos natuyuan na nga siya mula sa pagkabasa sa ulan.

"Oh, Hyung! Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Mingyu nang makita ang kaibigan.

"A-ano.. wala." Sagot niya, nakakalma naman na siya dahil may kasama na siya sa apartment.

"Nga pala, nakita ko yung Jihoon kanina sa mall. Kasama niya si Soonyoung. Akala ko ba—"

"Wala na yun, huwag mo nang isipin. Talo na, I accept my defeat." Putol niya sa sinasabi ni Mingyu at sabay pasok sa kwarto.

He changed his clothes at agad na bumagsak sa kanyang higaan.

Ayaw niya man aminin pero pagod na pagod siya. Sino ba namang hindi mapagod mag-intay sa wala 'di ba?

Sino ba namang 'di mapapagod umasa sa wala?

"Ayan ka na naman, umiiyak ka na naman. Alam mo bang nasasaktan din ako pag nasasaktan ka?"

Seungcheol burried his face into his pillow. He cried until he fell asleep.

"Hay, sa wakas." Umupo ang anghel sa tabi ni higaan. "Napagod din ako ngayon ah." He chuckled. Pero malungkot siya. Kasing lungkot ng nararamdaman ni Seungcheol. Wala naman siyang magawa dahil ang trabaho niya lang ay bantayan ito.


"Sasabihan ko nga si kupido na sa susunod itama niya naman yung pagpana niya sa puso mo. Tropa naman kami eh."

Story of Another Us • jeongcheolWhere stories live. Discover now