"Ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ko. Ramdam na ramdam ko pa din ang mga patak ng pawis sa likuran ko. Ang layo kasi ng tinakbo ko. Nagmadali akong pumunta kung nasaan ang girlfriend ko. Nandito kami sa park.
Sa bench kung saan namin nakilala ang isa't isa.
Ang ganda ng simoy ng hangin at...
Ang ganda niya.
Nakasuot siya ng pastel pink na dress na hindi aabot hanggang tuhod, nakababa ng maayos ang mga buhok niyang itim at nakasuot siya ng light na make-up na tinuro niya pa sa akin kung paano niya 'yun nilalagay sa mukha niyang mala-anghel sa ganda.
"I am breaking up with you."
Out of the blue.
Natigilan ako.
Natulala ako sa pagkakataong ito.
I laughed. Pinilit kong tumawa sa harap niya ng matauhan ako dahil sa ihip ng hangin. Feeling ko din na parang nabuhusan ako ng nagyeyelong tubig. "It's a prank! Hahaha. Nakakatawa ka talaga. Huwag mo ng uulitin 'yang biro mo. Hindi nakakatuwa." Pinipilit kong sabihin ng masaya ang mga salitang 'yun pero...
Hindi niya ako tinignan.
Tumayo siya. "Sorry."
Nakatingin ako sa mga mata niya habang nakaupo. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Natigilan ako dito sa upuan.
Hanggang sa maramdaman kong naglakad na siya.
Hindi pa rin dumadaloy sa utak ko ang mga nangyayari.
Ano bang nangyayari?
'Yung puso ko...
Hindi ko maintindihan...
Ang sakit.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kasakit?
Hindi ko masabi kung gaano kasakit.
Pero...
Bago pa ako tuluyang lamunin ng katangahan kong tanong sa utak ko. Lumingon ako sa direksyon niya. Hindi pa siya nakakalayo. Pwede ko pa siyang suyuin. Baka kasi may nagawa na naman akong ikinagalit niya.
Ano naman kaya 'yun 'diba?
Na kailangang umabot sa ganito.
Tumakbo ako at hinawakan ang kanang kamay niya. "Please, wait." Mahinahon kong sabi. Hinarap ko siya sa akin. Tinignan ko siya sa mata. Nangingilid na din ang mga luha ko. Alam kong namumula na ang tenga ko. "Sorry na."
Kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan kong magsorry.
"Kasalanan ko na." I smiled hanggang sa tumulo na ang luha ko. "Kung ano man ang nagawa ko, hindi ko sinasadya. Sabihin mo lang sa akin. I-explain mo lang sa akin. Babaguhin ko kasi alam kong hindi ka naman magagalit kung hindi naman mali ang nagawa ko."
Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko.
Mahal ko kasi siya.
Torture ba 'to?
Bigla niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero kinuha ko lang ulit at lumuhod sa harap niya. "Sige na." Mas umagos ang mga luha ko. "Huwag ganito please lang. Nasasaktan ako." Pagmamakaawa ko. "Sige na, ano bang nagawa ko?" Tanong ko. "Lanni naman."
Hanggang sa maramdaman kong itinaas niya ako. Tinignan ko siya. Pinipigilan niyang umiyak pero ang pula ng mga mata niya.
"Ayoko ng makita ka."
Hindi na ako nakapalag pa.
Mula sa mga salitang 'yun.
Patay na ba ako?
Masamang panaginip lang 'to.
Huwag ganito.
Hindi ako makasigaw pero gusto kong sumigaw.
Ayoko ng ganito.
Please lang.
Hanggang sa naglakad na ang babaeng nakapastel pink na dress papalayo sa direksyon ko.
Hanggang sa marealize kong wala ng siya at ako.
Wala ng kami.
This is how people started to call me 'dumb'.
Sa tagalog bobo.
♕
Bobo quotes:
"Hindi ko alam na nasaktan na pala kita pero, alam kong alam mo na hindi ko naman sinasadya. Sana man lang pinaliwanag mo kasi wala talaga akong alam."
