Prologue

1.3K 70 6
                                    

"Ano! Ganito nalang ba tayo lagi? Hah!" Animo ng babae habang umiiyak.

"Ano ba kasi yan! Napakawalang kwentang bagay na pinagseselosan mo" Sigaw ng lalaki sa babae na halos nakaupo na sa sahig habang umiiyak.

"ANO?! WALANG KWENTANG BAGAY?! WALANG KWENTA?! HAH! MAKITA KO KAYONG NAG SISIPING NG BABAE MO DITO PA MISMO SA PAMAMAHAY KO! WALANG KWENTA BA YON?! HA! SABIHIN MO!!!!" Galit na sigaw ni Stephanie sa lalaki na kinakasama niya ngayon.

Galit, hapdi at kirot ang nararamdaman ng babae ngayon. Hindi niya alam kung ano pwedeng gawin pero sa ngayon tanging iyak nalang ang pwede niyang gawin para mahimasmasan sya .

"Putangina naman Steph! Ayon lang ba? Yon lang ba yong pinuputok ng butche mo dyan! Tanginang rason yan!" Padabog ng lalaki sa mesa kaya napayuko si Stephanie sa kanyang tuhod habang umiiyak.

"Makakaalis kana" Tanging yan lang ang nasabi ni Stephanie sa lalaki dahil sa subrang galit.

"Bakit ako aalis?" Takang tanong ng lalaki.

"ANG SABI KO MAKAKAALIS KANA!!!!" Sigaw ni Stephanie. Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa lapag at inayos ang damit at pinunasan niya yong mukha niyang puro luha nalang ang laman.

"Hindi ako aalis" Animo ng lalaki.

"Kung hindi ikaw ang aalis! Sige ako nalang ang aalis! Tapos na tayo!" Malakas na sabi ni Stephanie. Akmang tatalikod na sana sya pero bumalik ulit sya sa pwesto niya na kaharap ni dondon "Ay wait bago ako umalis. One more thing!" Biglang malakas na sampal ang inabot ni dondon sa kamay ni Stephanie. Kaya napahawak agad si dondon sa pisnge niya na napakasakit.

Dumeretsyo si Stephanie sa kwarto nila at nag impake ng damit. Maaalala ng puso pero hinding-hindi mawawala sa isipan ni Stephanie ang mga nangyare sakanila ni dondon. Halos lahat ng araw ganon lagi ang ginagawa ni dondon inuuwi niya sa bahay ni Stephanie ang mga babae ni dondon at doon sila nagsisiping.

Nagtitimpi lang si Stephanie noon pero ngayon nag karoon na sya ng lakas ng loob sa pang gago ni dondon sakanya. Kaya sya nalang mismo ang umalis para wala nang sakit.

Matapos mag impake ni Stephanie ng mga gamit niya may iniwan syang salita para kay dondon na matagal na niyang gustong sabihin.

"Dondon! Magpakasaya ka sana. Minahal kita pero ginago mo ko. Binigay ko sayo lahat pati puri ko para mapaligaya kalang pero putang ina mo mag sama kayo ng babae mo! Tandaan mo to. Hinding-hindi na ako mag hahabol sayo kundi ikaw mismo ang maghahabol sakin" Lakas loob na sabi ni Stephanie. Syaka sya tuluyang umalis ng bahay niya.

Ang kapal ng mukha mo dondon! Sariling bahay ko ako din umalis. Putangina mo magbabago din ang lahat.














[A/N: Thank you sa lahat ng nag support at nag basa ng story ko. Di ko alam kung paano ako magpapasalamat pero salamat sainyo mga hane silent reader ko. Waaaah! Nabuhayan akong mag ud at magsulat para sainyo. Kaya thank you in advance mga hane! Godbless you and I love you mga hane :* ]

Godbless you all mga hane!

Vote
Comment
Share

Our Secret Affair [ON GOING]Where stories live. Discover now