Eighteen

16 1 0
                                    

Heaven

"Oy Even! San ka pupunta?!" Sigaw ni Kathrine pero di ko sya pinansin at binilisan ko nalang yung takbo ko para maabutan ko pa si Hell.

"Hell!" Sigaw ko ng makita ko syang naglalakad paalis.. Hinihingal na ako kakahabol sakanya.

"Hell hintayin mo ko!" Sigaw ko ulit. Takte bingi ba sya o nagbibingi bingihan?!

Hinawakan ko sya sa braso nya nung maabutan ko sya na ikinahinto nya. Para naman akomg kinabahan nung tumitig sya sa akin.

Yung mga matang yon..

Parang hinihigop ako ng mga mata nya.

Napalingon sya sa kamay kong nakakapit sakanya..

"S-sorry" sabi ko tska ako yumuko at inayos ang suot kong cap. Nakita ko naman na nakatayo pa rin sya sa harap ko at nakatitig lang sya sa akin. Ang lalim ng mga tingin nya na halos matatakot ka.

"Ahm a-ano.."

"What?!" Irita at pokerface nyang tanong..

"Ah partner p-pala tayo sa music no? A-Ano bang k-kantahin nat---"

"Do it yourself" madiing sagot nya tska nya ako binangga. Tatlong words lang yon pero kinilabutan ako nung sinabi nya yon. Huminga ako ng malalim at hinabol ko ulit sya.

"Ah H-Hell! Wait kas---Aww" angal ko ng bigla nya akong hawakan ulit ng madiin sa braso. Buti nalang wala yung tattoo don baka mag-sakalan nanaman kaming dalwa.

"Diba sabi ko layuan mo ko?" Cold na sabi nya. Kinagat ko yung ilalim kong labi dahil diniinan pa nya yung hawak nya. Konti nalang ay tutulo na yung luha ko sa sobrang sakit. Napatitig nalang ako sa mga mata nya.. Mata nyang nakakatakot titigan pero magandang pagmasdan. Padabog nyang binitawan yung braso ko pagkatapos kong tumango.

"Hoy Even!" Winawagayway ni Kathrine yung kamay nya sa harap ko. Hindi ko alam na napatulala ako ng ganun katagal.

"Oh?" Patay malisya kong tanong sakanya.

"Ano bang ginagawa mo dito? Kanina pa tapos yung music class. Tara ng bumili ng gamit para sa arts bukas!~" masaya nyang sabi.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Bakit kasi hindi ka nakikinig sa klase kanina? Iniisip mo si Hell no?" Da eff?! Hindi no!

"Hindi no!" Sabat ko. Hindi naman talaga.

"Okay sabi mo eh! Bumili na tayo~" pag-aaya nya.

"Wala akong pera" malungkot na sagot ko.

"Ililibre kita~ Tara na!" Tska nya ako hinila palabas ng campus.

---

"Kadami naman ata neto? Tsaka kamamahal naman nyan Kathrine. Wala akong pambayad nyan" pano puro mahal yung kinukuhang items.

"Ililibre nga kita diba?" Hinayaan ko nalang sya at binayaran na namin sa counter lahat ng kinuha nya.

"Dami naman nito tapos kabigat-bigat pa" angal ko. Mabigat naman kasi talaga. Akala ko nga puro art material lang bibilhin namin pero ewan ko sa babaeng to at bumili pa ng mga school materials. Wala daw kasi akong mga gamit kaya binili nya ako.

"What?!" Irita kong tanong nang makita ko syang tumatawa sa tabi ko.

"Madiwara ka rin pala Even!" Natatawa nyang sabi. I just rolled my eyes in annoyance.

"Eto na tatawagan ko nalang si Shy" takang lumingon ako sakanya. Who the heck is Shy?

"Sinong Shy?" Tanong ko.

Second Life in HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon