Four

26 2 1
                                    

Heaven

"Ms. Heaven Estrada remove your cap. Hindi ka magtatanim sa klase ko" sabi ng terror teacher namin while not looking at me. Tumawa naman yung mga kaklase ko.

"I said remove your cap!" She said firmly habang nakatingin pa rin sa papers na hawak nya kaya tinanggal ko na yung cap ko.

"Ms. Heaven Estrada!"

"What?! I already remove my cap ma'am" inis na sabi ko.

"Good job Ms. Estrada because you got the high score in our quiz in Calculus" pinalakpakan naman ako ng mga kaklase ko. Lumingon nalang ako sa labas ng bintana at ngumiti ng tipid.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagsimulang lumabas ng school ng maalala kong uwian na nga pala.

"What the?!" Sigaw ko ng biglang may humila sa akin at kinaladkad ako papasok ng kotse nya.

Tinitigan ko yung kumaladkad sa akin. May kamukha sya. Gwapo tska kaso..

"Bakla ka ba?" Tanong ko.

"O-Ofcourse NOT!" Bakla talaga to. Defensive eh.

"K" sagot ko. I-istart na sana nya yung sasakyan nya ng maalala ko.

"WALANGYA KA! SAAN MO KO DADALHIN?! At SINO KA?!" Sigaw ko habng sinusuntok sya. Pano ba naman manghihitak nalang bigla. Piling close. Hindi ko naman sya kilala mamaya isa na pala sya sa nanakawan ko tapos ipapasalvage niya ako. Wag naman sana.

"Aray--Ouch! First of all. Hindi ako sinuka or inire ng nanay ko dahil hinukay ako sa tyan ng mommy ko. And second just call me Hann. Double N at Ano ba?! Stop it! Oa ka te! Ano ba?! Piling mo naman rereypin kita. Kaimbyerna ka ha!" Sagot nya at inihinto nya yung sasakyan sa isang parlor.

"Dude hindi nga kita kilala tapos kung san-san mo naman ako dadalhin. At Anong gagawin natin dyan?" Tanong ko.

"Malamang aayusan ka. Look at your hair. Do you even know how to use a comb?" Tanong nya with arte tone.

"Bakla" sagot ko.

"Yeah righ--HINDI NGA AKO BAKLA SABI EH!" sigaw nya at kinaladkad ako. May kamukha talaga sya hindi ko lang maalala kung sino.

"Shiela!" Sigaw nya pagpasok namin sa parlor.

"Yes young master?" Tanong nung shiela.

"Get her dressed and ayusan niyo yan alien na yan. Gusto ko yung simple lang and make it faster" sabi nya at tinulak ako papunta dun sa Shiela.

"Hoy anong get her dressed na kabugukan?! Uuwi na ako. Ano ba?!" Hinawakan nya ako ng madiin sa braso ko na ikinangiwi ko. Syet kasakit non.

"Susunod ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo" madiin na sabi niya. Sa totoo lang natakot ako sa titig nya kaya sumunod nalang ako bigla.

---

"Hoy bakla!" Napalingon naman sa akin si Hann. Hann nga ba pangalan non? Sinamaan nya muna ako ng tingin bago tumitig sa akin.

"You look....... Plain" inis nyang sabi tapos tinawag nya si Shiela.

"I said make her look simple not plain! She looks so plain! Ugh! Damn it. Just forget about it! Tara na!" Hinila nanaman ulit nya ako sa sasakyan nya.

"Saan mo ba ako dadalhin ha? Ang kati-kati ng suot ko. Ang sakit pa sa paa ng lecheng sapatos na to! Tska piling close ka alam mo yon?!" Angal ko. Hindi naman nagsalita pa si Hann.

"Hoy bakla!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi nga sabi ako bakla eh----"

"AY MAY PUSA!" Sigaw ko na kunwari na may pusa sa daan para madistract sya.

"AY GAGABELS!" Sigaw nya dahil akala nya nga may pusa. Psh. Uto-uto

"Haha. Hindi pala bakla ha" bulong ko sakanya.

"Ugh--I hate you na te. I'll amin na nga to you. Okay. Bakla ako. Gay. Dyosa. Sirena. Balyena. Lady Gaga. Chuchuchu Anak ni Mamasita! Ako yon. Babaeng isda na naliligaw sa katawan ng isang machong lalaki. Kulang na nga lang pag-nasaan ko ang sarili ko" napa-facepalm nalang ako sa sinabi nya.

"Wa ka ma-say?"

"You want me to say anything pag-katapos mo kong kaladkarin pasakay ng kotse mo at dalhin kung saan saan? I cant believe you" angal ko.

"Im sorry talaga gurl. Just go with the flow. Promise pagkayari nito kahit anong hiling mo ibibigay ko sayo. Kahit katawan ko pa" nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.

"Yuck ka!" Sigaw ko sakanya tska ko sya sinuntok.

"Yung totoo gurl babae ka ba? Kung maka-suntok ka para kang yung kapatid ko ah" sabi ni Hann.

"May kapatid ka? I assume na bakla rin yon" sagot ko.

"Jeez gurl baka pag narinig ka non. Isang salita palang non. Durog na buto mo. Andito na tayo. Remember gurl. Just go with the flow" sagot nya

"Yay! Takot ako" sagot ko. Note the sarcasm guys.

Pag-pasok namin sa loob ng bahay niya ay nag-bow at bumati sa kanya yung mga maids nya.

"Butler Shin!" Tawag ni Bakla sa lalaking naka-suit na black.

"Nandito na po ang Dad niyo young master pati na rin po ang Chua family with your fiance"

"Psh that b*tch. Wish me luck butler shin" pag aarte ni bakla.

"Goodluck po young master" Siguro alam nito na bakla sya.

Pumasok kami sa isang malaking dining area. Nakita ko na may isang lalaking naka-upo sa harap ng lamesa na puro pagkain at may parang eto ata yung Chua family na sinasabi nung butler shin.

"Si butler shin lang nakakaalam na bakla ako. Hindi nila alam na bakla ako dito kaya makisakay ka nalang" bulong ni Hann. Bakit parang bigla akong kinabahan sa mangyayari?

"Youre late iho" malumanay na sabi ng Papa nya siguro to.

"I'm sorry Dad. Nga pala Dad meet my girlfriend.."

----

[A/N: thanks for reading my story. Oh! Bago nanamang character ang pumasok sa istorya ni Heaven. Ano kayang magiging reaksyon ni Heaven sa sasabihin ni Hann sa Dad nya? Abangan! ^_^]

Second Life in HellWo Geschichten leben. Entdecke jetzt