Fifteen

18 2 0
                                    

Heaven

"Sinabi ko na kasi sayo na wag mong hawakan ang braso ko" bulong ko sakanya. Wala na akong ibang makita kundi sya lang..

Blanko ang isipan ko..

At natatanging laman nito ay ang patayin ko ang lalaking nasa harapan ko.

Maraming pumipigil sa akin pero wala akong magawa..

Ayaw tumigil ng kamay ko sa pag-sakal sakanya.

"A-Ack" tinutulak nya ako pero hindi sya makawala.

Bakit ganito?

Lagi nalang ganito..

Lagi nalang akong natutuwa tuwing may nasasaktan at napapatay akong tao..

'Princess..' rinig kong bulong ng kung sino sa utak ko..

Si Mama..

Naaalala ko nanaman ang pag-iwan sa akin ni Mama.

Unti-Unting lumuwag ang pag-kakasakal ko sakanya at nagkaroon sya ng lakas para itulak ako ng malakas. Napa-upo ako sa pagtulak nya kasabay rin ng pag-tulo ng luha ko..

Tinawag ako ni Kathrine at napatingin lang ako sakanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Natakot ko ba sya? Sana wag nya akong layuan dahil sa ginawa ko..

Tama na..

Sobrang sakit na ng nararamdaman ko..

Sumasakit nanaman ang puso ko..

Nanginginig kong tinitigan ang mga kamay ko. Nakapatay nanaman ba ako?  Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko tuwing hinahawakan nila ang braso kong may tattoo. Nakita kong tumayo yung lalaking kanina ay sinasakal ko. Buti naman at hindi sya namatay.

Unti-unti syang lumalapit sa akin at nakita ko na lamang ang sarili kong naka-angat sa lupa at ako na ngayon ang sinasakal ng lalaki..

Sya yung lalaking nasa palengke noon na may kasamang babae. Ganon pa rin ang mga mata nya. Cold na ocean blue. Nakakatakot pero mas nakakatakot ang titig nya ngayon.

Kitang-kita ko kung paano magalit ang kanyang mata. Kung gaano nya kagustong saktan ako dahil sa ginawa ko sakanya..

Ganto pala yung feeling na nasasakal ka..

Unti-Unti kang mawawalan ng hininga. Nanghihina na ang katawan ko. Sumisikip nanaman ang dibdib ko.

"Hell! Tama na!" Rinig kong sigaw ni Kathrine.

Parang sasabog ang utak ko sa pag-sakal nya. Konti nalang ay bibigay ba ang katawan ko.

Dahan-dahan akong lumingon kay Kathrine at nakita kong lumapit sya sa amin at marahas nyang itinulak ang lalaking sumasakal sa akin.

Masakit ang pag-kakabagasak ko sa lupa at hihinga-hinga ako. Nanginginig ako sa sobrang pagod..

Naramdaman ko ang pag-yakap sa akin ni Kathrine.

Nahihirapan nanaman akong huminga..

Sumisikip nanaman ang dibdib ko..

Gusto ko nang mag-pahinga..

---

Dinilat ko ang mga mata ko at puting kisame ang nakikita ko. Nasan ba ako?

"Okay ka na Even?" Narinig kong tanong sa akin ni Kathrine?

"Nasan ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Nandito tayo sa clinic nang school" tumango na lang ako sakanya dahil feeling ko ang sakit sakit ng katawan ko.

"Ah--Even yung kanina. P-pano mo yun nagawa?" Tanong nya sa akin.

"Alin?"

"Yung halos mapatay mo na si Hell kanina dahil sa pag-kakasakal mo tapos--tapos nung tinawag kita kanina.. yung.. yung mga mata mo.. Nabalot ng kulay black?" Tanong nya.

"Hindi ko alam. Natakit ba kita?" Tanong ko.

"Ha?! Anong natakot!? Ang astig nga eh!" Masaya nyang sabi. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya? Anong kina astig ng muntikan na akong makapatay?

"Anong sabi mo?"

"Ah-Este Oo natakot ako" yumuko sya at nag-pout. Minsan ang hirap nya intindihin.

"Saan ka pupunta?" Bigla kasi akong tumayo at lumakad palabas.

"Gusto kong mapag-isa" sagot ko sakanya.

"Alam mo Even.. Tanggapin mo nalang na wala na ang Mama mo. Iwanan mo na yang lungkot na nararamdaman mo. Wag kang huminto kung saan sa tingin mo ay huminto rin ang saya ng buhay mo. Kumawala na sa lungkot na nararamdaman mo kasi malay mo sa pag-move on mo ay darating ang mga taong magpapakita sayo ng totoong saya na mararamdaman mo" napahinto ako sa sinabi niya.

"Alam kong pupunta ka ulit sa puntod ng mga magulang mo. Araw-araw kitang sinusundan dahil nag-aalala ako sayo" malungkot na sabi niya. Lumingon ako sakanya.

"Salamat sa pag-aalala" umalis na ako doon.

Habang nag-lalakad ako ay nag-titinginan sa akin ang mga taong madadaanan ko. Para bang takot na takot silang madikitan ako. Wala naman sana akong AIDS o kaya HIV para layuan nila ng ganon.

"M-Ms. Es--Estrada" lumingon ako sa babaeng nanginginig sa takot habang kinakausap ako. Tinitigan ko lang sya.

"P-Punta ka d-daw sa Office ng--ng Principal" sinunod ko naman ang sinabi nya at pumunta ako sa Office ng Principal.

Kumatok muna ako bago pumasok. Baka sabihin bastos ako.

"GoodAfternoon Ms. Estrada" bati sa akin ng Principal.

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina" madiin nyang sabi.

"Sorry po" sagot ko habang nakayuko. Hindi ko naman ginustong mangyari yon.

"Alam kong mali rin si Mr. Streixand sa ginawa nya sayo kanina pero gusto ko sanang humingi ka ng tawad sa anak ng may ari ng school na nag-papaaral sayo" Tinanguan ko lang sya.

"By the way kamusta na ang pag-papahinga mo?" Tanong nya habang inaayos ang mga papeles sa harapan niya.

"Ok na po ako" sabi ko sakanya at inayos ko ang cap na suot ko.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa magulang mo.. Condolence iha" huminto sya sa pag-aayos nya at tumingin sa akin.

"Salamat po" sagot ko..

"Iha gusto ko ang sanang sabihin sayo na.. oo mahirap mawalan ng ina lalo na at wala ka na ring tatay pero sana yang hirap at lungkot na nararamdaman mo ay wag mong pasanin buong buhay mo. Gawin mong isang pag-subok ito iha para mas tumatag ka at mas maging masaya ka" payo niya tska niya hinawakan ang kamay ko.. Tumingin ako sakanya at nakita kong nginitian niya ako..

'Tama nga siguro si Kathrine.. Dapat nga sigurong kumawala na ako sa lungkot at sakit na nararamdaman ko para makita ko ang mga taong magppapakita sa akin ang tunay na sa ng buhay'

----

Second Life in HellWhere stories live. Discover now