One

31 2 2
                                    

"MAG-NANAKAW! TULONG! TULONG!"

Takbo lang ako ng takbo hindi dahil sa hinahabol ko yung magnanakaw dahil ako ang nag-nakaw.

"SORRY ATE! HINDI KO GINUSTONG NAKAWAN KA! TANGA MO KASI!" sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis. Sumulyap ako sa ninakawan ko. Malayo na ako sakanya. Buti naman! Kaso may humahabol saking security gaurd kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Para na rin akong nasa isang movie. Hinahabol ako ng mga kampon ni dugong!!

"Ouch/What the?!" sabay naming sabi nung nabunggo ko. Masakit yun ah!

"Tabi nga! Haharang-harang sa daan nagtatrabaho yung tao eh!" sigaw ko. Hanep tong epal nato!

Tinitigan nya lang ako. Ah ganon?

"Sorry sa gagawin ko" sabi ko tska ko sya sinuntok sa mukha tska ako tumakbo kaagad pano malapit na akong mahuli nung security guard. Nahilo ata yung lalaki sa pagsuntok ko. Napa-sigaw pa nga sya ng fv*k eh.

Sa pag-hinto kung yon ay nahabol ako ng isang guard. Biglang uminit ang dugo ko ng hawakan nya ang kanang braso ko. Ayoko sa lahat ay hinahawakan ako sa kanang braso ko. Biglang nandilim ang paningin ko sa ginawa nya kaya hindi na ako nag-isip pa at tinabig ang braso nya at sinakal sya ng madiin. Sa sobrang diin hindi na sya makahinga.

"A-ck!" Hinahawakan niya ang kamay ko. Nakatingin sya sa akin na para bang nagmamakaawa sya na tama na. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at ikinataka ko kung bakit natutuwa pa ako sa ginagawa ko sakanya.

Mali to.

Sabi ng isip ko kaya bigla akong bumitaw sa pagkakasakal ko sakanya at nanginginig na tumakbo para hindi na rin pa ako mahabol ng iba pang body guard.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Anong nangyari?

Oo, nagnanakaw ako pero hindi ko kayang manakit ng tao. Laging nangyayari sa akin yon tuwing hinahawakan nila ang kanang braso ko na may tattoo na padiamond at may mata sa loob. Yung mata na yon ay parang may tumutulong luha. Pero imbis na luha ay dugo ang tumutulo. Hinawakan ko ang kanang braso ko tska huminto muna ako saglit sa pag-takbo at huminga ng malalim. Okay lang naman na huminto ako dahil wala na yung humahabol sa akin at siguradong hindi nila ako namukhaan dahil naka-cap ako. Napagod ako sa ginawa ko. Ang layo pa ng tinakbo ko. Pag nga magnanakaw ako sa malapit nalang. Pag-kayari ko magpahinga umuwi na ako kaagad.

"Ma nandito na ho ako" sabi ko.

"Oh anak? Heaven? Bakit ngayon ka lang? San ka nanggaling? Alam mo namang bawal *cough ka mapagod diba? *cough" sabi ni mama. Hay inuubo nanaman sya.

Tinanggal ko na yung cap ko at hinayaan kong lumadlad yung mahaba kong buhok.

"Galing po ako sa trabaho ma, okay lang po ako ma. Okay lang po na mapagod ako as long as hindi ikaw ang napapagod. Inumin niyo na po itong gamot nyo" sabi ko sakanya. Pag-katapos nya inumin yung gamot inabot ko sakanya yung perang nakuha ko.

"Ano yan?" tanong ni mama.

"pera po" sabi ko

"Ang ibig kong sabihin san galing yan tska ano gagawin ko dyan?" tanong ni nanay.

"Sweldo ko po yan ma tska para sainyo po yan" sabi ko.

"Nako wag na anak. May kinita naman ako sa pag-titinda *cough ng tinapa" sabi nya.

"Ano ba naman ho kayo? Diba po sabi ko itigil nyo nayang pag-titinda ng tinapa dahil inaatake kayo ng sakit nyo dahil dyan?" sabi ko sakanya habang hinahagod ko yung likod nya.

"Hindi pwede. Pano nalang ang pag-aaral mo? Hindi pwede. Kolehiyo ka na at hindi mo kayang sustetuhan ang sarili mo sa pag-aaral kaylangan mo ng tulong"

"Pero po--"

"Sige na matulog ka na at may pasok ka na bukas"

Natulog nalang ako katabi ng nanay ko. Hindi naman kami dati ganito kahirap eh. Hindi ganito kahirap ang buhay ko. Hindi ganito kahirap ang buhay namin ni mama nung buhay pa si papa. Masaya pa kami. Wala pang problema. Hindi kami mayaman. Hindi rin kami mahirap dati pero ngayon halos makipag-habulan na ako kay kamatayan para lang mabuhay. Ginagawa ko naman amg lahat pero di ko magawang maging masaya. Kung pwede ko lang ibalik yung time na buhay pa si Papa at nailigtas ko sya noon.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko.

Ano ba yan?!

Nagiging madrama nanaman ako!!

-----

[A/N: salamat sa pagbabasa!! ^_^]

Second Life in HellWhere stories live. Discover now