Six

24 1 2
                                    

Heaven

Halos masuka ako sa mga nakita kong nagkalat na duguang katawan sa bahay namin.

"Papa! *sniff" sigaw ko kay Papa ng makita ko sya. Nakita ko na may lalaking nasa harap nya at nakatutok kay Papa ang baril na hawak ng lalaking nasa harap niya.

"Papa! *sniff" this time ay napalingon na sa akin si Papa. Papalapit na sana ako sakanya ng bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril at parang biglang nag-slowmotion ang paligid ng makita ko si Papa na dahan dahang hinahawakan ang mukha ko at naghihingalo. Dugo ang una kpng nakita sa may parte ng puso niya.

"I love you princess and I always do" bigla na lamang tumulo ang mga luha ko ng marinig ang salitang iyon.

"Papa! *sniff" nakarinig ulit ako ng putok ng baril at nakita kong patay na yung lalaking bumaril kay Papa at pinatay sya ni Mama.

"Mama si Papa! *sniff" iyak lang ako ng iyak ng maramdaman kong unti unti na syang bumibigay at unti unti na syang nawawala sa mundong ito.

"PAPA! *sniff"

"PAPA!" 

"Even okay ka lang?" Tanong sa akin ni Kathrine.

Panaginip nanaman. Lagi ko nalang napapaginipan yon.

"Even umiiyak ka ba?" Pupunasan nya sana yung pisngi ko pero pinigilan ko sya. Ako na mismo ang ang nagpunas.

Luha?

Umiiyak siguro ako habang nakatulog. Sariwa pa rin sa puso ko yung sakit ng pakiramdam ng mawala si Papa sa akin. It's fvckin' 13 years ng mangyari yon at hindi pa rin ako makapag-move on.

"Even okay ka lang?"

"Oo okay lang ako" sagot ko.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Tanong nya.

"No need" sagot ko.

"Baka kasi masama pakiram--"

"Okay nga lang ako eh diba?!" Sigaw ko sakanya. Nagulat sya sa pag-sigaw ko pero binawi rin nya kaagad.

"A-Ah Even n-nga pala nakagawa ka na ba ng Assignment?"

"Hindi pa"

"Talaga? Gusto mo gawin ko na para hindi ka na mahirap--"

"How many times do I have to tell you na layuan mo ko ha Kathrine? I dont need your help or your care. I dont need you" sagot ko at kinuha ko na yung bagpack ko at nagsimulang maglakad.

"Pero I just want to be friends with you Even" hay?! Nakasunod nanaman sya sa akin.

"Dont call me Even. Pwede ba?! Layuan mo na ako! Ayaw kitang maging kaibigan dahil maingay at nakakairita ka! Alin ba sa salitang AYOKO SAYO ang di mo maintindihan? Ha?! " Sigaw ko sakanya na ikinatigil naming dalwa. Napayuko naman sya sa sinabi ko. Sya si Kathrine Mangugan. Simula nung tumapak ako sa school na to ay hindi na nya ako tinigilan. Desperado syang maging kaibigan ako.

"S-sorry" sagot nya habang nakayuko.

"Kung yan ang gusto mo lalayuan na kita. Hindi ko naman alam na nagiging sagabal na pala ako sa oras mo" sagot nya.

"Buti naman at alam mo na ngayon ang salitang AYOKO SAYO" pagkatapos kong sabihin yun ay tumakbo na sya paalis. I didn't mean to hurt her feelings. Hindi ko naman ginustong sabihin sakanya yun. Sa totoo lang medyo komportable na ako sakanya at hinahayaan ko nakang sya minsan kaso pag na iisip ko yung nangyari kay Papa ay Itinataboy ko sya. Baka kasi pag naging close na kami ni Kathrine baka hindi ko rin kayanin na mawala sya sa akin katulad nung nangyari kay Papa na hanggang ngayon ay sariwa pa rin yung sakit.

"Sorry Kathrine.." bulong ko nang makita kong malayo na sya sa akin. Bumuga nalang ako ng hangin at dumertso papunta sa canteen.

Tinignan ko muna yung pera ko bago ako pumasok sa canteen. Sa school na to ay may Cafeteria rin kaso ang kadalasang bumibili lang don ay mayayaman kaya dito nalang ako bibili sa canteen. Mura pa at konti lang ang tao.

Bumili na ako ng makakain at pumunta sa gawi kung saan walang naka-upo. Habang kumakain ako ay may dumating na dalwang babae na bibili rin ata dito. Hindi ko naman sadyang marinig ang usapan nila pero malapit kasi sila sa akin eh.

"Oy sis nabalitaan ko sa pinsan ko na papasok na raw si Hell bukas" Girl 1

"Bakit ba kasi ngayon lang sya pumasok? Halos mag-one week na yung start ng class tapos ngayon lang sya papasok?" Girl 2.

"Ewan sabi ng pinsan kong chismosa eh nagkablack eye daw sya. Pinapagaling lang daw nya kaya sya natagalan pumasok" Girl 1

"Ay akala ko hindi pa rin sya makamove on kay Francene kaya hindi sya pumapasok" Girl 2

"Psh kalat na kalat kaya sa buong campus yung 'Marry you? Are you kidding me?' Na sinabi ni Francene kay Hell. Kawawa naman si Papa Hell tska hindi parin sya nakakamove on dun no" Girl 1

"Oh talaga?! Pero Syet gurl. Ang mahalaga makikita ko nanaman ang bebelabs ko bukas! Siguro mas gumwapo sya ngayon. Susunggaban ko kaagad sya pag nakita ko sya bukas. Kyaaahh" Girl 2

"Psh pilingera! Asa ka namang makakalapit ka dun no! Baka nga titigan ka palang nun basag na buto mo" Girl 1

"Yun na nga eh! Titigan nya ako! Okay lang na mabasag buto ko basta ang mahalaga tititigan nya ako!" Girl 2

Who the hell is Hell? Well wala naman akong paki kung sino sya. Tska Hell? Parang narinig ko na kung saan yan? Saan nga ba?

Ah ewan! Basta kung sino mang Hell yan kapangit ng pangalan. Impyerno ha.

---

"Mag-nanakaaaawww!!"

"Oo alam ko! Nakakarindi ka!" Sigaw ko dun sa babae na ninakawan ko ngayon. Naka-cap naman ulit ako kaya hindi nya ako mahahalata. May humabol na saking lalaki ngayon. 'Piling bayani' sabi ko sa isip ko. Madilim dito at walang tao. Pumasok ako sa isang eskinita dahil kahit ano takbo ko ay nandun pa rin yung lalaki.

Huminto muna ako at nag-isip ng paraan kung paano ako makakatakas sa lalaking asungot na yun. Nakita ko naman na may bukas na bintana doon at may hagdanan. Papanik na sana ako ng makaramdam ako ng isang kamay na muntikan ng humawak sa kanang braso ko kaya bago pa nya mahawakan ang braso ko na may tattoo ay hinawakan ko na kaagad ang kamay nya at pinalipit ko ito tska ako bumwelo at sinipa ko ang mukha nya.

Hindi ko alam kung pano ko nagagawa ang mga bagay na to pero kusa nalang gumagalaw ang katawan ko at sinasabing ito ang gawin ko.

Pumunta ako sa likod nya at tinulak ko ng malakas ang mukha nya papunta sa pader. Nauntog sya ng malakas at nakita kong nakatulog sya sa ginawa ko kaya tumakbo na ako at iniwan sya doon.

Nung medyo malayo na ako ay nagtago muna ako. Biglang napagod yung puso ko. Yung para bang nahihirapan akong huminga.l

Hinawakan ko ulit ang kanang braso ko kung nasaan ang tatto ko. Huminga ako ng malalim tska ko ito binitawan.

Second Life in HellWhere stories live. Discover now