Chapter 16

1.3K 46 0
                                    

After work ay dumeretso na ako sa club na madalas namin tinatambayan noon. Ayaw ko malate dahil ayaw ko manglibre sa dalawa, dapat ako ang nililibre para bumawi sila dahil hindi natuloy ang plano kahapon.

Pagdating ko sa club ay si Red pa lang ang nakita ko. Mukhang hindi pa dumadating si Gael ah.

"Hey." Nilingon ako ni Red noong binati ko siya.

"Mukhang si Gael ang manglilibre sa atin ng inumin ah."

"Yeah. I'm glad to know that. Ayaw ko manglibre sa inyong dalawa." Umupo na ako sa stool na katabi ni Red at umorder na rin ng maiinom.

"Maiba tayo galing ako sa bahay mo kanina para personal kitang imbitahin dito pero may nakita ako dalawang bata at isang babae. Who are they?"

"Those two kids are my children."

"May anak ka na? Eh, yung babae? Fuck, huwag mong sabihin asawa mo?!" Bakas sa mukha ni Red ang pagkagulat. Gusto ko matawa sa reaksyon niya.

"Si Hailee iyon, bro. But I wish she is my wife dahil siya ang ina ng kambal."

"Fuck. Twins? Tibay mo, Dave. Kailan nangyari ito?"

"4 years ago. Kaming dalawa lang ni Gael ang pumunta rito para uminom dahil hindi ka namin mayaya kasi sobrang busy mo. Noong araw ng kasal ni Gael ay may isang sanggol sa labas ng bahay ko kaya inampon ko siya. I was about to tell her the truth but I found out everything yesterday."

"Sa tulong ni Gael?"

"Yes. Gael helped me to find who is Heaven's mother."

"Heaven?"

"My daughter's name."

"Oh. How about the little guy?"

"Danny but his name is Daniel."

"Hindi ako makapaniwala sa ating tatlo ay ikaw ang magkakaroon ng kambal. Anyway, matanong ko lang may lahi ba kayo ng kambal?"

"Yes. Have you forgotten?"

"Holy shit." Lumingon kami pareho ni Red dahil narinig na namin ang boses ni Gael. "Late na pala ako."

"Ewan ko sayo, dude. Medyo malapit na nga ng restaurant niyo sa club ay nahuli ka pa ng dating kumpara sa amin ni Red."

"Ugh. Hindi ko naman kasalanan na ang daming customer at saka ayaw ako paalisin kaagad ni dad sa restaurant. Bwesit." Umupo na rin sa isang bakatenteng stool si Gael. "Malalagot ako kay Eina kapag nalaman niyang gumastos ako ngayon. Dapat pala hindi na lang ako tumuloy dito."

"Hindi pwede. Hindi na nga natuloy ang inuman natin kahapon." Sabi ko sa kanya.

"Sorry, busy kasi ako kahapon at ang dami ko ring meeting sa investors tapos dumagdag pa si Theo."

"Ano meron kay Theo?" Takang tanong ko.

"Lumuwas din ng Manila kahapon para sabihin sa akin na hindi siya makakapunta sa Japan para kausapin ang investor namin doon kaya inutusan niya ako. Hindi na lang kasi tinawag sa assistant ko."

"Pupunta ka? I mean, alam kong importante ang investor niyo sa ibang bansa pero may trauma ka sa nangyari, diba?" Binaling naman ni Red ang tingin kay Gael.

"It's already 8 years, Gael. Ilang beses na rin ako pumupunta sa ibang bansa para kausapin ang mga investors doon at sa deal din na kailangan makuha namin."

"That's good, bro." Sabi ko sabay inom ng vodka.

"Gael, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may anak na pala itong si Dave?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo? At saka wala naman akong karapatan na sabihin sayo. Privacy ni Dave iyon."

"Pero sinabi naman niya na may anak ka noon."

"Ayos lang sa akin dahil hindi ko naman tinatago na kahit sino sa inyo ang tungkol kay Isaac noon."

"Wala rin naman akong balak itago sa inyo. Hindi ko lang alam kung paano sabihin sa inyo ang lahat. Ayaw ko naman magisip kayo na anak ko si Heaven tapos iyon pala hindi."

"So, hindi ikaw ang ama?" Tanong ni Gael sa akin.

"Anak ko ang dalawang bata."

"Aba, ang tibay mo naman, Dave. Kambal agad ang anak niyong dalawa. How to be like you? Balak na kasi namin ni Eina na sundan si Isaac."

"Gago." Napapailing ako habang umiinom.

"Gago ka talaga, Gael. Apat na taon na rin pero wala pa rin magbago sayo."

"Meron naman. Hindi na ako babaero ngayon dahil ayaw ko isang araw ay gayahin ako ng mga anak ko."

"Pero ito lang sasabihin ko sa inyong dalawa. Ang hirap magalaga ng isang sanggol kung magisa ka lang."

"Hindi naman ako magisa nagalaga ng sanggol." Sabay nilang sagot.

"Siguro wala ako noong inaalagaan ni Tifa si Mason noong sanggol pa siya pero kay Gaia ay tinulungan ko siya."

"Dahil wala pang kapatid si Isaac ngayon kaya pinipilit ko pa si Eina na pumayag na sundan namin si Isaac. Gusto ko rin maranas na magalaga ng baby."

"Anyway, Dave." Binaling ko ang tingin kay Red habang nakatingin ito sa inumin niya. "Magkasama kayo sa isang bahay?"

"Yeah, I hired her to be Heaven's yaya. Pinasama ko na rin si Danny sa kanya para hindi na sila mahirapan umuwi sa dati nilang bahay lalo na nasa kulungan ang ama ni Hailee ngayon."

"Anong kaso?"

"May kindinap na isang bata noon. At inuunahan na kita may balak akong ligawan si Hailee kahit kapatid siya ni Gold."

"Fuck. Are you kidding me?" Gulat na tanong ni Gael.

"Yes, siya yung pinapahanap sa akin ni Red noon."

"May alam ka, Red?"

"Yeah, nakausap ko na rin siya noong isang araw. Gusto ko nga bumawi sa kanya pero hindi siya pumayag. Papayag lang daw siya kung maibabalik ko ang buhay ni Gold."

"That's creepy. Ibabalik ang buhay ng isang bangkay."

Ganoon na ganoon nga ang sabi ni Hailee sa akin noong kinausap ko siya tungkol doon. Close siguro sila magkapatid pero dahil naghiwalay ang mga magulang nila ay kailangan rin nila maghiwalay. Naging mayaman si Gold dahil nagpakasal pala ang ina nito habang naghihirap naman sila Hailee.

Nagkasiyahan kaming tatlo pero may mga babae ang lumalapit sa amin at tinaggihan namin silang lahat lalo na may may asawa na ang dalawa ito. Kaya pinipilit ng dalawa na patulan ko daw yung babaeng lumalapit sa akin dahil ako na lang ang single. Mga gago talaga. Ginaya pa ako kay Gael noon na isang babaero. Wala pa ako kinama na babae noon dahil lahat na kababaihan ay nirerespeto ko.

"Congrats na pala dahil hindi ka na virgin." Natatawang sabi ni Red saka nakipag apiran kay Gael.

"Gago. Nahawa ka na sa kalokohan ni Gael."

"Anong ako? Wala akong sinasabi kay Red ah. Kusa niyang sinabi iyon." Sinapok niya si Red na kinalingon nito habang tumatawa. "Bwesit ka. Nadamay pa ako sayo."

Paano ko nga pala naging kaibigan ang dalawang ito?

Si Gael ang lumapit sa akin dahil magisa lang ako sa canteen habang kumakain. Doon rin namin nakilala si Red nasa isang sulok kumakain rin at doon nagsimula ang pagkakaibigana naming tatlo. Si Red na sobrang seryoso sa kahit anong bagay. Si Gael na friendly pero kahit mga bata pa lang kami ay halatang babaero na. At ako naman hindi ako mahiyain na tao pero tahimik lang talaga ako noon. Nahawa lang ako sa kaingayan ni Gael. Ang laki ng pagkaiba naming tatlo pero hindi inakala na magiging magkaibigan kami at tatagal ng ganito ang samahan naming tatlo.

Definitely MaybeWhere stories live. Discover now