Chapter 7

1.3K 42 1
                                    

Nagisin na ako at nagasikaso na para makakain na kami ni Heaven kahit alam ko naman maaga nagigising ang batang iyon kaysa sa akin.

Bumaba na ako pero may narinig akong kausap siya at iyon ang pinagtataka ko. I always remind my daughter na huwag siya magpapasok ng kung sino at mas lalong hindi niya kilala.

Mukhang napansin ako ng anak ko dahil lumingon siya sa akin.

"Gising na po kayo, daddy."

"Good morning." Ginulo ko ang buhok ni Heaven na palagi ko naman ito ginagawa sa kanya at tumingin ako sa kausap niya. Right. Naghire pala ako ng yaya para kay Heaven at ngayon pala siya magsisimula sa trabaho. Hindi ko naalala dahil masyado na akong maraming problema at occupied na ang isipan ko para maalala pa ang ibang bagay.

"Umupo na rin ho kayo, sir." Tumango ako sa kanya at tumabi na kay Heaven na abala sa kinakain niyang hotdog. As I remember Heaven don't know how to cook hotdog. Pancakes at sunny side up lang ang alam niyang gawin pero minsan ay tinutulungan niya ako magluto.

Napatingin ako sa isang tasa na nilapag ni Hailee sa harapan ko kaya tumingin rin ako sa kanya.

"Sabi ko nga sayo kahapon hindi ako kasama sa trabaho mo. But thank you." Sabi ko at kumuha na ako ng toasted bread saka bacon.

"Daddy, masarap iyan kasi si ate Hailee ang gumawa." Nakangiting sabi ni Heaven.

I glanced at Hailee. Nakatayo siya sa gilid.

"Kumain ka na ba? Kung hindi pa sabayan mo na kami."

"Ah. Tapos na ho, sir. Kumain na ako bago ko hinatid ang kapatid ko sa school niya kanina."

"I see. Mamayang uwian ay sabay mo na sila susunduin na dalawa."

Pagkatapos kumain ay hinatid na ni Hailee si Heaven sa school nito kaya ako na lang ang naiwan dito sa bahay. Pero kailangan ko na rin ang pumasok sa trabaho.

Nang bumaba ako ay doon naman ang balik ni Hailee sa school ng anak ko.

"Hindi pa ba kayo papasok, sir?"

"Papasok na rin ako pero may ibibigay lang ako sayo." Halata sa mukha niya na parang naguguluhan at may inabot ako sa kanyang susi. "Spare key iyan ng bahay. Pero bawal ka magpapasok ng kung sinu-sino dito. Kung may boyfriend ka ay huwag sa oras ng trabaho."

"Wala ho akong boyfriend. Walang oras para pumasok sa isang relasyon."

Tumango ako sa kanya.

"I have to go."

"Sige ho. Ingat kayo sa pagpasok."

Pagpasok ko sa police station ay sinalubong ako ng isang pulis at nag-salute sa akin.

"Chief, dumaan po rito kanina si mr. De Luca at hinahanap kayo."

"Sinong mr. De Luca?" Kunot noo kong tanong. Sa dami pa naman ang kilala kong mr. De Luca.

Si tito Thomas, ang ama ni Red. Si Theo, ang nakakatandang kapatid ni Red. Si Red. At si Blue.

"Si mr. Red De Luca." Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang pinunta niya rito? Kung importante ang pinunta niya ay tatawagan niya ako.

"Sige. Tatawagan ko na lang siya." Lumabas ulit ako sa police station dahil masyadong maingay sa loob at tinawag ko na si Red. Wala pa ngang isang ring ay sinagot na niya. "Pumunta ka daw rito kanina. Bakit?"

"I need to talk with you. Pwede ka ba mamayang lunch?"

"Sure, bro. Saan tayo magkikita?"

"At Albani's restaurant."

Simulang nagkaroon na ng restaurant ang pamilya ni Gael ay doon na kami madalas ni Red tumatambay. Dating detective agency iyon ni Gael.

Marami akong ginagawang trabaho at ang dami rin akong natatanggap na report sa ibang pulis.

Tumingin ako sa orasan and it's almost lunch time kaya kailangan ko na pumunta sa restaurant ni Gael. I know Red, ayaw rin noon ang pinaghihintay ng matagal. Masyado kasi siyang marami ginagawang trabaho sa kumpanya nila at mabuti nga mayroon pa siyang oras sa pamilya niya.

Pagkarating ko sa Albani's restaurant ay hinahanap ko si Red pero mukhang hindi pa dumadating ang lalaking iyon.

"Oh." Tumingin ako sa magsalita. "Bakit nandito ka?"

"Bawal ba? At saka magkikita kami ni Red ngayon. Mukhang may importanteng sasabihin sa akin."

"Knowing Red De Luca. Lahat na bagay ay sineseryoso niya." Natatawang sabi ni Gael na kinailing ko ng ulo. "Umupo ka na at hintayin mo na rin siya. Baka parating na rin iyon mamaya. You know traffic."

Kibit balikat ako sa kaibigan bago umupo sa isang bakanteng upuan.

Nakita ko ang pagpasok ni Red sa restaurant kaya napatayo na ako para makita niya ako.

"Sorry, I'm late. Ang tagal matapos ng meeting ko kanina."

"It's okay, bro. Ano ba iyong sasabihin mo sa akin?"

"Do you remember Gold? Ang traydor kong partner at kaibigan." Tumango ako sa kanya. Paano ko naman makakalimutan si Gold at ang ginawa noon kay Red? Kahit ako ay nagalit noong sinabi ni Red ang ginawa sa kanya.

"What about him? Ilang taon na rin siyang patay."

"Napag alaman ko na may kapatid siya and Fiorentino wasn't his last name." Gulat ako sa narinig ko and napanganga na rin ako.

"Eh, ano ang tunay niyang pangalan?"

"Iyon ang hindi ko pa alam. Inaalam ko pa ang lahat." Kibit balikat na sagot ni Red.

"Saan mo naman nalaman ang tungkol dito?"

"From other investors. Sa kanila ko narinig ang pagkatao ni Gold and I also heard naghiwalay ang mga magulang niya."

"What should I do, then?"

"I need you to find his sister or even his father."

"Red, marami na akong problema at saka hindi ako detective o private investigator para gawin itong pinapagawa mo sa akin. Bakit hindi si Gael ang kausapin mo dahil ang pagkaalam ko ay may kilala siyang private investigator."

"Dave, nakikiusap ako sayo. Hindi pwede si Gael because knowing him, galit siya kay Gold at baka tanggihan niya ako."

"Sa tingin mo ba tatanggapin ko ito? Red, you also know me. Kung galit si Gael sa ginawa ni Gold sayo noon ay mas lalo ako galit sa taong iyon."

"Please, Dave."

"Bakit ba gusto mong mahanap ang pamilya ng tarandatong iyon?"

"Ikaw lang ang sasabihan ko nito. Wala rin alam si Tifa dito. Alam ko naman nagmahal lang rin si Gold kaya niya iyon nagawa sa akin at alam ko rin hindi siya dapat namatay noon kung hindi lang siya lumaban sa inyo. Gusto ko lang bumawi sa pamilya niya."

I sighed.

Hindi ganito ang kilala kong Red De Luca. Dating heartless si Red bago niya nakilala si Tiffany at wala siyang pakialam sa kapwa niya o kung may naapakan na ba siya. Ang laki ng pinagbago niya simulang nagpakasal sila ni Tiffany.

Ganito ba ang epekto sa isang tao kapag na inlove?

Hindi ko alam ang sagot dahil hindi ko pa naranasan ang ma inlove.

Definitely MaybeWhere stories live. Discover now