Nagbago ang desensyo nito. Kung kanina ay sobrang luma ng libro ngayon naman ay mukha na itong bago. Ito ay naging kulay gitno na may kakaibang desenyo na para bang gumagapang na halaman na kulay pilak. Literal na kumikinang ang libro.

Binuklat ko ito at tumambad sa akin kung tungkol saan ba ang librong hawak-hawak ko.

'The Untold Truth behind the Lies: The Reign of Despicable Emperor'

Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganitong libro. Kung sino man ang sumulat ng librong ito ay masisiguro kong hindi magiging maganda ang kahahantungan niya kapag nalaman ito ng Emperor. Pero sino nga bang Emperor ang nasa librong ito? Maari kasing patay na ang Emperor na pinapatungkulan nito o maaari din naman na buhay pa ito na siyang namumuno ngayon.

Nakuha ng librong ito ang buong pansin ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na basahin ito. Baka hindi ako makatulog kapag hindi ko nalaman kung ano ba ang laman ng librong ito.

--

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang nakalipas. Masyado akong tutok sa aking binabasa kaya naman ng matapos kong basahin ito ay nanlalambot ang aking tuhod na napaupo sa may sahig. Napatulala nalang din ako sa librong nasa aking kandungan.

Hindi ko alam kung totoo ba ang mga nabasa ko o hindi. Hindi ko alam kung bakit parang alam na alam ng sumulat ng aklat na ito ang mga pangyayari sa loob ng palasyo. Kung iisiping mabuti. Ang librong ito ay nasa ilalim ng mahika. Ibig sabihin nagbabalat kaya itong lumang libro upang hindi makapukaw ng atensyon.

Paano ako maniniwala sa bagay na nakasulat lang sa libro at wala pang pangalan ng manunulat. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito nalang ang apekto sa akin ng mga nalaman ko. Para bang sigurado ang katawan ko sa mga nalaman ko ngayon na nakatala sa libro kaya sa sobrang panghihina ay napaupo nalang ako.

Kung totoo man ang lahat ng nalaman ko ay nasa malaking panganib ang buong Entasia at bukod don. Kailangan agad itong malaman ng nakakataas. Hindi ko alam kung kaninong kamay ko ba dapat iabot ang librong ito dahil hindi ako nakakasigurado kung sino ang kakampi o kalaban.

"Huy Seri. Nandito ka lang pala. Akala ko iniwan mo na ako. Anong nangyari sayo at bakit nakasalampak ka sa sahig?"

Nawala ako sa aking malalim na pag-iisip at napatingala kay Narnia. Agad akong tumayo at pinagpagan ang paldang suot ko. Itinago ko sa loob ng coat ang libro at gamit ang isang kamay ay hinagkan ko ito.

"Ano yan?" pagtatanong ni Narnia habang nakatingin sa aking coat kung saan nakatago ang libro.

"Libro" maiksing sagot ko dito. Nagkibit balikat naman siya na ipinagpasalamat ko. Hindi na siya nagtanong pa.

"Alam mo bang wala akong librong nabasa dahil wala akong matipuhan. Puro lang tungkol sa kakayahan at abilidad. Nakakainis wala man lang iba" pagmamaktol ni Narnia. Hindi ko na siya pinansin pa.

Halos takbuhin ko na ang dorm namin para lang maitago ang librong dala ko. Nahihibang na siguro ako dahil naniniwala ako sa sinasabi ng librong ito kahit wala namang patibay kung totoo ba ito.

"Saglit lang naman Seri. Ang bilis mong maglakad" paghabol sa akin ni Narnia. "Ano bang problema mo Seri? Kakaiba na 'yang kinikilos mo"

"Walang kakaiba sa kinikilos ko Narnia. Ang bagal mong maglakad. Bilisan mo nalang"

Nang makarating kami sa dorm ay agad kong inilagay sa aking kabinet ang libro. Nakahinga naman ako ng maluwag. Napaupo nalang ako sa aking kama na nanghihina.

Entasia Akademia: The AbsoluteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon