Bumuntong hininga si Lola. Kung hindi ko lang alam na matanda na siya ay aakalain ko talaga isa lang siyang 7 years old na batang babae.

"Kung iisipin ang bagay na iyon. Malabong isa kang maharlika. Ang ama mo ay isang Manhara lamang at--" natigilan si Lola sa pagsasalita at parang may malalim na iniisip.

Maya-maya ay pumitik ito sa hangin na para bang may naisip bigla.

"Sumama ka sa akin sa loob" nagtatakbo ito na parang isang bata pagkatapos iyonh sabihin. Bumuntong hininga naman ako. Anong problema ng isang yon?

Napansin ko naman si Roar na mukhang naguguluhan sa nangyayari kaya naman napangiti ako. Ang cute talaga ng isang ito.

"Huwag mo nalang pansinin si Lola. Minsan talaga ay sinasapian siya ng maligno. Hindo mo alam kung ano yung maligno? Basta isa iyong masamang nilalang sa mundo ng mortal"

Naglakad ako papasok sa loob habang dala-dala si Roar. Napatingin naman ako kay Lola na nakaupo sa sofa at mukhang malalim ang iniisip. Minsan talaga hindi ko siya maintindihan.

"Bilisan mo" singhal nito sa akin kaya naman napasimangot ako. Mabilis kong umupo sa isang one-seater na sofa sa kaniyang gilid.

"Ano bang meron La?" may pagtatakang tanong ko dito. Ang weird kasi ng ikinikilos niya. May problema pa ba? Nasolusyunan na namin diba?

"Sigurado akong mga piling Maharlika lang ay mayroong Guardian"

Napataas ang kilay ko. Ano namang kinalaman ko don? Kung saakin gusto ni Roar ay wala na siyang magagawa.

"Hay nako La. Huwag mong gawing bigdeal ang maliit na bagay. Pati iyon ay pinoproblema mo" wika ko habang nilalaro ni Roar ang aking daliri na nakalapag sa lamesang nasa gitna namin. Medyo nakayuko ako dahil dito.

"Hindi ito maliit na bagay lamang. Maliit na bagay ba ang pagkamatay ng magulang mo?"

Napatigil ako sa sinabi ni Lola. Umayos ako ng upo kaya naman nagtama ang paningin namin ng batang si Lola. Anong gusto niyang sabihin?

"Ano ba kasi yon La? Deretsuhin niyo na ako" seryoso kong wika. Huminga naman ng malalim si Lola.

"Diba tinatanong mo kung anong kasalanan ang nagawa ng magulang mo?"

Tumango naman ako. Hindi naman niya sinasagot kapag tinatanong ko.

"Treason" maikling sabi nito kaya naman kumunot ang noo ko.

"Ibig sabihin ay may kasalanan silang ginawa sa buong mundo kaya ganon? That's sound hilarious" mapakla akong tumawa. Dalawang tao? Kayang pabagsakin ang buong mundo? Ano sila nahihibang? Dalawa laban sa buong mundo?

"Hindi mo naiintindihan"

"Then ipaintindi mo La. Deretsuhin mo na ako. Mahirap ba iyon?" naiinis kong turan. Ang tagal ko ng gustong malaman ang kasalanan ng mga magulang ko. Tanggap ko naman na lahat ng tao ay nagkakasala at nagkakamali. Hindi ko kailan man itatakwil sila bilang magulang ko.

"Nakilala ni Ures ang iyong ina na si Freya dahil pinadala itong kawal sa palasyo ng Emperor sa Kontinente ng Entayos. Ang kawal sa Entayos ay galing sa iba't ibang Kontinente. Iyon ay dahil sa kautusan din ng Mahal na Emperor ang pinakamataas sa lahat. Nagkaroon ng relasyon si Ures at si Freya sa mga oras na iyon."

"Minsan ng bumisita sa amin si Ures kasama ang iyong ina na si Freya. Kutulad mo ay walang katumbas ang kagandahan nito. Mabait at busilak ang puso ng iyong ina. Nasaksihan yon ng dalawang mata ko."

"Tatlong beses sa isang buwan silang nadalaw sa Aeryos. Iyon din ang dahilan kung bakit nakilala ang pamilya namin. Masyadong maganda ang iyong ina para baliwalain ng karamihan"

Entasia Akademia: The AbsoluteWhere stories live. Discover now