Tumayo narin si Sue at hinarap ako. "Alam kong galit ka. Ilabas mo 'yang galit mo."

Kumunot ang noo ko, "Hindi nga ako galit. Naiintindihan ko rin kayo dahil alam niyo naman na inlove din ako pero hindi sa isang Grim Reaper. Kundi sa tao."

Hindi nakasagot si Sue.

Nginitian ko siya at niyakap. "Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong magmahal, Sue. Bigyan mo ng chance si Al."

Pagkatapos kong sabihin 'yon ay iniwan ko na sila at pumasok sa loob ng kwarto ko. Nagbihis ako ng damit na susuotin papunta doon kila Luijin. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Luijin. Ilang ring ang narinig ko bago niya ito sinagot.

"Hello?"

Biglang nawala ang ngiti ko ng marinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Who's this freakin' woman?

"Hello? Sino 'to?"

"Hello." Walang emosyon na bati ko. "Nasaan si Luijin?"

"He's with me."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinigilang sumabog. "Oh, okay. Pwede ko ba siyang makausap?"

"Naliligo pa eh."

Natigilan ako dahil sa sinabi niyang 'yon. What the fuck?

"W-Who are you?"

Narinig ko ang nakakairitang tawa sa kabilang linya. "You guess."

Napapikit ako sa inis. Mabilis kong pinatay ang tawag at sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri ko. Naiirita ako! Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit siya ang sumagot ng tawag imbis na si Luijin?

Malalim akong napabuntong hininga tsaka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos nun ay nagpaalam ako kila Al at Sue na pupunta kay Luijin. Hindi naman ako nahirapang magpaalam sakanila dahil kilala na nila si Luijin.

Nag-taxi ako papunta kila Luijin hanggang sa makarating na ako sa bahay niya. Dire-diretso akong pumasok at natigilan ako ng makitang nakapatay ang ilaw.

Nagkasalubong ang dalawang kilay ko at nangangapa sa dadaanan. Geez, ang dilim! Nasaan ba ang switch para sa ilaw dito? Iginala ko ang paningin sa buong lugar ngunit parang naduduling lang ako sa dilim. Kahit wala akong makita ay naglakad parin ako. Ngunit bigla akong napatalon sa gulat ng may yumakap sa aking bewang. Sa amoy palang niya ay alam ko ng siya 'yon. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw.

"Honey," Malambing na bulong niya sa aking tenga. Napalunok ako ng bigla niyang isuksok ang kaniyang mukha sa leeg ko at suminghot singhot dun.

"Ang bango mo." Tumindig ang balahibo ko sakaniyang sinabi. Oh gosh.

"Luijin.." Tawag ko sakaniyang pangalan. "Bakit nakapatay ang ilaw?"

"Secret." Mahinang sambit niya habang nakayakap parin sakin. Naramdaman ko ang malamig niyang hininga sa aking leeg. Kakatapos palang siguro niyang magsipilyo.

"He's with me." "Naliligo pa eh."

Bigla akong nakaramdam ng inis ng bigla kong maalala ang babae kanina. Kumalas ako sa yakap ni Luijin at hinampas siya ng hinampas.

"Wait—Why?" Nagtatakang tanong niya kung bakit hinahampas ko siya.

"Nasaan 'yong babae mo!"

"Teka—aray!" Daing niya. Hininto ko ang paghampas sakaniya at tinignan siya ng masama. Kahit madilim alam kong kita niya ang mukha ko.

"Sino 'yung sumagot ng tawag kanina? Sino 'yung babaeng 'yon?" Tanong ko.

Narinig kong natawa siya. "She's Zealyn. My cousin."

The Girl Grim Reaper (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ