I frowned. "Sinasabi mo bang mabilis akong mapagod 'pag dating sa pag-ibig?"

Nagkibit balikat siya, "I don't know." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan. "You changed after incident happened, Cherry. Hindi na ikaw yung dating ikaw. Hindi ko alam kung hanggang kailan mo ako mamahalin dahil iba kana ngayon. But I'm still waiting for you to comeback. Your old you."

Kumunot ang noo ko, "Ano ba ang nangyari sakin noon?"

Biglang sumulyap ang lungkot at sakit sa mukha ni Luijin. "You—"

"Hoy!" Napatingin kaming dalawa ni Luijin sa biglang sumigaw. Nakita namin si Roxiah na patakbo sa gawi namin. Bigla kaming tumayo ni Luijin at inantay si Roxiah na makalapit sa amin.

"Swimming tayo!" Nakangiting sambit niya at may hawak na salbabida. Napansin ko rin na nakasuot siya ng kulay pulang bikini. She's so gorgeous and sexy. Talagang bumagay sakaniya ang kaniyang suot na bikini dahil sa kaniyang kulay ng balat at magandang pagmumukha.

"Wow! Ang sexy mo naman, Rox!" Nakangiting sabi ko. Nakita kong biglang namula ang kaniyang pisngi kaya kinurot ko 'yon ng marahan.

"Kinilig naman ako bigla!" She exclaimed. Nagtawanan nalang kaming dalawa dahil sa pag uusap na 'yon. Maya maya'y bigla naring dumating si Al at Sue sa harap namin. Namangha ako sa suot ni Sue. Nakasuot siya ng color white na bikini at bumagay rin iyon sakaniya. She's gorgeous and sexy too!

"Woah! Ang sexy mo, Sue!" Puri ko.

She smiled. "I know right."

Natawa nalang ako sa kahanginan nitong si Sue. Ganyan talaga siya noon pa, sanay na ako. Ilang saglit pa ay biglang may tumikhim sa gilid ko at nakita ko si Al pala 'yon. Kinunutan ko siya ng noo.

"Ako? Hindi mo ba pupuriin ang katawan ko?" Sabi niya at pinakita pa ang kaniyang muscles. Napatianod nalang ako ng biglang may humawak ng braso ko at hinila. Napatingin ako kung sino 'yon at nagulat ako ng makitang si Luijin 'yon.

Nag-igting ang panga niya kay Al. "Magbihis ka nga. Ang sakit mo sa mata."

"Chill, bro! 'Wag kang magselos jan dahil hindi ko naman papatulan 'yang si Lyk! Maraming babae ang nagkakandarapa sakin at ayokong mapunta sa isang babaeng dugyot." Mayabang na sabi ni Al at tinaas-baba pa ang dalawang niyang kilay. Sumama ang timpla ng mukha ko sakaniyang sinabi.

"Anong sabi mo? Dugyot?!"

"Oo! Bakit hindi ba?"

Lalapitan ko na sana siya para suntukin pero pinigilan ako ni Luijin. Bwiset. Kumukulo nanaman ang dugo ko sa bwisit na 'to! Ay charot lang. Wala pala akong dugo! Buto meron! Argh!

"Tara, Lyk." Pag-yaya sakin ni Sue. Napatingin ako sakaniya at kinunutan siya ng noo. "May dala akong bikini para sayo. Samahan kitang magpalit para makaligo na tayo sa dagat."

Binitawan na ako ni Luijin at tumango naman ako kay Sue. "Okay."

Sasama na sana ako kay Sue pero bigla namang nagsalita si Luijin. "Teka! Bakit bikini ipapasuot niyo sakaniya?"

Nakitang kong napairap si Roxiah. "Malamang maliligo sa dagat. Ano bang gusto mo? Paliguin mo siyang balot na balot ang katawan? Seriously?"

"Hindi ako papayag."

"Ewan ko sayo, Luijin! Bahala ka jan sa buhay mo basta magsusuot 'tong girlfriend mo ng bikini." Sagot ni Roxiah.

Nagulat ako. "Girlfriend?"

Sarkastikong natawa si Roxiah, "'Wag na kayong mag maang-maangan jan! Nakita namin kayo nag-kiss! Gosh!"

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Sue na nasa ibang direksyon ang tingin at kay Al na nakangising nakatingin saming dalawa ni Luijin. What the fuck. Nakita nila? Oh my gosh. Aaaaaaack!

Dumako naman ang tingin ko kay Luijin na parang hindi man lang nagulat sa sinabi ni Roxiah. Nag-init ang pisngi ko at hinila na si Roxiah at si Sue papalayo kila Luijin at Al. Bigla tuloy akong nahiya!

"Bakit kasi doon kayo nag-kiss eh alam niyo namang maraming tao ang naliligo dito sa beach!" Roxiah said. Hindi ko siya sinagot. Binilisan ko nalang ang paglakad ko papunta sa kwarto namin ni Sue. Nakakahiya talaga!

"Pero anong feeling? Masarap ba?" Napapikit nalang ako dahil sa tanong ni Roxiah. Bakit ba sa dinami dami ng tanong ayun ang tinanong niya?

"Shut up, Roxiah! Ang ingay mo!" I exclaimed.

Natawa siya ng malakas. "Sus! Kunyari ka pa! Alam ko namang nasarapan ka sa halik ni Luijin!"

"Roxiah!" Mas lalo pa siyang natawa sa reaksyon ko pero nanahimik narin. Hay, salamat at nanahimik narin ang madaldal niyang bibig. Baka hindi ako makapagpigil at mapakain ko sakaniya ang buhagin dito sa beach.

Pumasok kaming tatlo sa loob ng kwarto namin ni Sue. Bigla kong nakita ang bikini na nakapatong sa kama ko. Kulay black 'yon at hindi ko alam kung babagay ba sakin. I think hindi babagay sakin ang bikini'ng 'yan. Sa tingin ko lang naman.

"Suotin mo na." Utos ni Sue. Tumango lang ako at kinuha iyon at pumasok sa loob ng CR. Ilang minuto ang tinagal ko sa CR at sa wakas ay natapos narin ako. Lumabas ako ng CR at nakita kong napanganga si Roxiah habang nakatingin sakin. Si Sue naman ay nakangiti ng konti.

"Bumagay sayo, Lyk." Sue said. Hindi ko na naiwasang mapangiti sakaniyang puri.

"Uh, I know right?" Sabi ko sakaniya. Sabay kaming nagtawanan dahil sa sagot ko 'yon. Dumako ang tingin ko kay Roxiah na nakanganga parin hanggang ngayon.

"Uy, Rox!" I called. Napabalik siya sa realidad at tinikom niya ang kaniyang bibig na nakaawang.

"Gosh! Sobrang hot mo!" Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Nakakakilig naman!" Sagot ko sabay tawa. Nagtawanan kaming tatlo dito sa loob ng kwarto. Para kaming mga timang na nagtatawanan dito.

Naisipan naming lumabas na kaya ganun ang ginawa namin. Hinanap namin sina Luijin at Al. At nakita naming naliligo na sila agad. Parehas silang walang saplot pang itaas. Gosh. Kitang kita ko ang abs ni Luijin! Damn it!

Habang naglalakad kami papalapit kila Luijin, hindi maiwasang may mapasulyap samin. Si Sue at Roxiah ay taas noong naglalakad, samantalang ako ay nahihiya. Basta nakakahiya lang.

Nang makalapit na kami kila Luijin, nakita kong natigilan si Al at Luijin habang nakatingin sakin. Wait. Anong problema nilang dalawa?

Lumapit sakin si Luijin at tinignan niya ako mula sa paa hanggang sa mukha ko. Mas lalo akong nahiya dahil sakaniya.

"B-Bakit?" Nauutal na tanong ko.

Nagkasalubong ang kilay niya. "Hindi ka dapat pumayag na suotin mo 'yan! Tinignan mo 'yung mga lalaki dito nakatingin sayo!" Naiinis na sabi niya at tinuro ang ilang kakalakihan na nakatingin sa gawi namin.

"Ha? Eh pangit ba?"

Napapikit siya bigla at napahilot sa noo. "'Wag ka ng magtanong! Hubarin mo na 'yan ngayon din!"

Nanlaki ang mata ko. What the fuck? "Ano? Dito mo ako paghuhubarin?!"

Nakita kong mas lalo siyang nainis sa sinabi ko, "Fuck!" Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat. Yung pang kasal na buhat. Nilayo niya ako doon sa kinatatayuan namin kanina. Mabilis ang lakad niya at hindi ko alam kung saan niya ako sunod na dinala.

Maya maya'y naramdaman ko nalang na nilapag niya ako sa isang.. kama?!

Mabilis kong tinignan ang paligid at laking gulat ko ng makitang hindi ko ito kwarto! What the fuck is the meaning of this Luijin Delacroix?!

The Girl Grim Reaper (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon