LWMC: CHAPTER 6

1.2K 30 23
                                    

"Past 9 na pala? Ang bilis naman ng oras." Sambit ni Sabrina nang mahagip ng paningin niya ang malaking orasan sa loob ng coffee shop.

Napatingin din ako sa wristwatch ko nang makita kong past 9 na kaya nilingon ko siya. "Uuwi ka na ba?" Tanong ko at tipid siyang tumango.

"Oo eh," sagot niya na kinuha ang mini sling bag na dala sa ibabaw ng mesa.

"Hatid na kita?" Alok ko para hindi na siya sumakay ng jeep.

"Pwede naman kung hindi ako makakaabala sa'yo," aniya na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

Tumayo na rin ako, "Ayos lang wala naman akong gagawin ngayon."

"Sige ikaw bahala."

Lumabas na kami ng coffee shop at dumiretso sa kotse ko na nakaparada sa gilid ng kalsada.

"Wow de kotse si crush.." nakangisi niyang banat. "Thanks gentleman," dagdag niya nang pagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan.

"Yeah," tugon ko bago isinara ang pinto sa backseat at umikot para umupo sa driver's seat. "Home address?" Tanong ko sa kaniya pagkaupo ko sa loob.

"Here ..." Ipinakita niya sa akin ang address niya sa Google map at malapit lang pala siya sa coffee shop.

Tumango ako bilang tugon, kaya pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa address na ibinigay niya sa akin.

Wala pang fifteen minutes ay nakarating na agad kami sa compound kung saan siya nakatira.

"We're here," pagbasag ko sa maikling katahimikan.

"Salamat, crush." Sa boses pa lang ay  alam ko nang nakangiti ito. "Gusto mo bang makita ang apartment ko?"

Nilingon ko siya sa likod at bigla akong nagulat nang makitang napakalapit ng mukha niya sa mukha ko kaya mabilis kong inilayo ang mukha ko sa kaniya. Halos maamoy ko na ang hininga niya at ang floral scent ng pabango niya na sa tingin ko ay hahanapin ko pagdating sa bahay.

"Ano sasama ka ba? Ayos lang naman kung ayaw mo hindi kita pipilitin."

"Yeah I'll come with you." Paos na sagot ko habang nakatitig sa mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa ilong niya hanggang sa huminto ako sa manipis at mapupula niyang labi — dammit I want to kiss her right here and right now. Umiling ako sa isiping iyon at umiwas ng tingin sa kaniya.

This is bad, bad for my poor heart.

"Okay, good." Pagkasabi niya niyon ay agad siyang bumaba ng sasakyan.

Napakunot ang noo ko at sinundan ko siya ng tingin dahil parang hindi siya mapakali. "What's wrong with her?" Nagtataka kong tanong sa sarili ko habang tinatanggal ang seatbelt.

"Nakalimutan kong sabihin na maingay pala sa loob ngayon," mahinang sabi niya sabay buntong hininga.

Bumaling ako sa kaniya. "Why? Anong meron sa loob?"

"Linggo ngayon, kaya nag-iinuman at kantahan ang mga kapitbahay ko."

Nangunot na naman ang noo ko at napansin niya iyon.

"Oo, umiinom sila, pero mabait silang tao. Kaya huwag kang manghusga!"

Biglang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "I haven't said anything yet," depensa ko.

Pumasok na kami ng compound at tama nga siya, maingay na loob ang bumungad sa akin. Other than that, I could hear the music on the other end na parang may kantahan at sayawan na nagaganap. Kahit na ang mga taong nag-iinuman sa magkabilang gilid ng bahay ay hindi nakawala sa paningin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living With My CrushWhere stories live. Discover now