LWMC: CHAPTER 4

1.2K 37 32
                                    

Hindi napapansin ni Sabrina na kanina ko pa siya pinagmamasdan. Nakangiti ito na para bang may naalalang masayang bagay.

"You're smiling." Wala sa sariling sambit ko habang tinititigan ang mukha niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na naging crush niya ako. Kung alam niya lang na higit pa sa paghanga ang nararamdaman ko sa kaniya noon. Pero hindi na niya kailangan pang malaman ang bagay na iyon.

"Hindi 'no!" Pagtanggi niya. "Oh, magkape ka." Nilapag niya iyon sa harap ko. "Huwag kang mag-alala wala pang bawas yan."

"Thanks," ani ko saka kinuha ang kape. Sumimsim ako at napangiwi sa sobrang pait.

"No problem. Aww hindi bet ni crush ang hard coffee," Nakangisi niyang tukso na sinuklian ko nang matamis na ngiti. "Damn, don't do that!" Sita niya na ipinagtaka ko.

"What do you mean don't do that that?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. "What did I do this time?"

"Basta!"

Basta na naman? Minsan talaga ang hirap intindihin ng mga babae.

"Ah, okay. May hinihintay ka?"

"Umalis na iniwan ako," nakasimangot niyang reklamo.

"Boyfriend mo?" Curious na tanong ko. Maganda si Sabrina, kaya napakaimposible kung sasabihin niyang wala siyang boyfriend.

Nakakapanghinayang lang na hindi ko sinunod ang payo ng mga kaibigan ko na ligawan siya noon. Akala ko kasi iyong Judel na nasa ibang section ang gusto niya, at huli na nang malaman kong tinanggihan niya ang panliligaw nito.

"Tch, hindi!" Singhal niya na ikinagulat ko. "Pero bakit kailangan mo pang ipaalala?!" May halong inis na asik niya sa akin.

"Ang ano?" Nalilito kong tanong at inismiran niya ako.

"Yang boyfriend thing na yan," singhal niya ulit. "Naalala ko na naman 'yung ginawa sa akin ng kinginang hudas na iyon!"

Biglang kinilabutan ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Nakakapanibago pakinggan ang pagmumura niya ngayon dahil hindi naman siya nagmumura noon. Pero kung sa bagay, maraming taon na ang lumipas kaya hindi na ako magtataka sa laki ng pagbabago ng ugali niya.

"Sorry sa bad words," sabi niya na halatang hindi naman bukal sa loob.

"Ayos lang," paniniguro ko. "Anong ginawa niya?" Tukoy ko sa boyfriend niya.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, ang kaninang naiinis ay unti-unting napalitan ng nakakalokong ngisi, isang nakakaalarmang ngisi.

Nangalumbaba siya sa harap ko, "Kailan pa naging chismoso si crush?" Nakangisi niyang tanong na animo'y nang-aakit ang tono ng boses.

Napalunok ako at natawa naman siya.

"Masyado kang seryoso. Sige ka tatanda ka ng maaga niyan," pabirong niyang dagdag bago sumeryoso ang mukha.

"Ayos lang," pag sang-ayon ko at saglit na tinitigan ang mukha niya. Tipid na ngumiti siya sa akin saka malungkot na tumingin sa labas ng coffee shop.

"Dahil sa kaniya kaya nawalan ako ng trabaho!" Panimula niya habang nakatingin pa rin sa labas ng coffee shop.

Ramdam ko ang lungkot at galit nang sabihin niya iyon.

"Dahil sa kaniya mawawalan ako ng tirahan!"

Oh..

"Dahil sa kaniya nasayang ang pinaghirapan at pinagsikapan ko sa trabaho!"

That's bad..

"Dahil sa kaniya naglahong parang bula ang magandang kinabukasan ko!"

That's tragic..

"At lahat ng kamalasan na nangyayari sa akin ngayon iyon ay dahil sa kasalanan ng demonyong iyon! Kaya huwag siyang magkakamaling magpakita sa akin dahil ililibing ko siya ng buhay!"

That's homicide..

"So anong masasabi — uy anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? Humihinga ka pa ba? Magsalita ka!" Sunod-sunod niyang tanong na may pag-aalala sa tono ng boses.

"Relax, walang nangyari sa akin, okay lang ako." Ngumiti ako para ipakita na wala siyang dapat ipag-alala. "Pero sa dami ng sinabi mo at nalaman ko, halos muntik na akong hindi makahinga." Pabirong sagot ko habang pinoproseso pa ng utak ko ang mga sinabi niya tungkol sa boyfriend niya.

Hindi ko man alam ang buong kwento pero malakas ang kutob ko na may ginawang hindi maganda ang boyfriend niya dahilan para matanggal siya sa trabaho.

"Ang oa mo! Para 'yun lang hindi agad makahinga? Ayaw mo niyan may nalaman kang bago tungkol sa akin."

"Wow.." namamangha kunwaring sagot ko. "Wala na akong masabi pa." Umiling-iling ako na naging dahilan ng malutong niyang tawa.

Marami pa kaming napag-usapang dalawa, lalo na noong college days niya. Palagi daw siyang late kapag pumapasok at ang palusot niya sa professor ay puyat siya. Hindi rin niya pinalampas na ikuwento sa akin ang tungkol sa tatlong karelasyon niya nang sabay-sabay, at ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa ay dahil sa naiinip siya. Inaamin ko nagulat ako sa sinabi niya, hindi kasi ako makapaniwala na kaya niyang paglaruan ang damdamin ng mga lalaki.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now