Chapter 12

88.5K 661 84
                                    

dedicated sa BABE ko! wahahaha!

Chapter 12

*Lhee*

Pagdating naming sa bahay, nakita kong naka-park na ung car ni Aaron sa labas ng bahay naming. Nauna pa siya samin.

Magkasabay kaming pumasok ni Wayne sa bahay at ang sumalubong samin ay ang ingay ng kapatid ko at ni Aaron.

“Idol!” tumatakbong bumaba ung kapatid ko sa hagdan. He’s pertaining to Aaron.

“uy, utol!” sinalubong naman siya ni Aaron at nagsanggang dibdib sila.

Yeah, they are that close at ‘idol’ pa daw nitong ugok kong kapatid itong BESTFRIEND ko.

“Musta? Laki mo na ah.” Ginulo pa ni Aaron ung buhok ng kapatid ko.

“Syempre, humahabol na ko sayo, idol.”

Tsss! Akala mo naman ang tagal nilang hindi nagkita.

“Lenard, ayusin mo nga yang mga kalat mo. May bisita tayo.” I interrupted para matigil na ang walang kwenta nilang usapan.

Ang kalat kasi ng mga gamit niya sa sala. Ung play station set niya nakasaksak pa din. Ang sarap tanggalin sa saksakan at sa kanya ko isasaksak!

Sumunod naman siya agad sa inutos ko. Takot lang nyan sakin.

“Hon, upo ka na muna.” Sabi ko kay Wayne. “punta muna ako sa kitchen para tulungan si Mommy. Hindi pa ata tapos magluto.”

“Sure, hon.”

Iniwan ko na silang tatlo don. Close din naman si Wayne sa kapatid ko pero mas close nga lang siya kay Aaron. Madami kasing tinuturong kalokohan si Aaron sa kanya.

Kaya hindi na ako magtataka kapag naging katulad ni Aaron ung kapatid ko.

“Mom, can I help?” tanong ko kay Mommy na nakatalikod pa sakin.

Lumingon siya. “hindi ka pa nagbibihis. Magbihis ka muna then help me prepare the table.”

“Ok po.”

Lumabas ulit ako ng kitchen at dumaan sa sala para umakyat sa taas. Parang okay naman silang tatlo doon. Si Lenard pareho naman silang kinakausap. Ewan ko lang kung nag uusap si Wayne at Aaron.

Pero sana hindi. Baka makahalata ung kapaid ko that there’s something wrong with them.. with us. Malakas pa naman yan makiramdam.

Tsaka baka din magkainitan silang dalawa. Ditto pa sila gumawa ng gulo sa loob ng bahay naming.

Mabilis na akong nagbihis at bumaba ulit para matulungan ko na si Mommy.

Bestfriends in Bed (on-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin