Chapter 30

50.1K 363 23
                                    

Chapter 30

Lhee's POV

I felt Aaron kissed my forehead and he tightened his embrace. We're just done making little Aaron and little Lhee.

After our so-called date, we headed here in his condo. Pinagpaalam niya ako kila mommy na dito matulog at pumayag naman sila agad nang walang pag-aalinlangan.

Ang laki ng tiwala nila sa future "son-in-law" nila!

Tumingala ako sa mukha niya at nakita kong nakapikit na siya.

"Ron..." I called him.

"Yeah?" he answered without opening his eyes.

"Matutulog ka na?" I asked.

Dinilat niya ang isang mata niya at kasabay niyon ay ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya.

"Yeah. Why? You want another round?" nakakaloko niyang tanong.

Pinitik ko yung tenga niya.

"Aray! What?" natatawa niyang tanong.

"Hay naku..." Inirapan ko siya at tumihaya ako para sa kisame tumitig.

Hay... nasa ibang level na talaga kami ni Aaron ngayon. And somehow, I am afraid and I don't know why. I'm afraid of unknown.

Naramdaman kong niyakap pa ako ni Aaron ng mas mahigpit.

"Ano ba yun?" tanong niya.

"Wala." And I sighed.

"Wala ba yan? Eh, kung makabuntong hininga ka, kala mo pasan mo ang mundo."

Tumingin ulit ako sa kanya na seryoso na ang mukha and I thought of something.

What if, we are not really meant for each other and this is only just for a moment?

Iniisip ko pa lang, ayaw ko nang isipin. Dahil ngayon pa lang, hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling ganun nga ang mangyari.

"Lhee..."

"Y-yeah?"

"Ano bang iniisip mo?" Hinawi niya yung buhok ko na tumabing sa mukha ko.

I just looked at him for seconds bago ako napabuntong hininga ulit at tumingin sa kisame.

"What if, dumating yung time na hindi tayo magkaintindihan?" tanong ko at saka ulit ako tumingin sa kanya.

"What do you mean?" balik tanong naman niya.

"You know? Struggles... di ba, dumarating sa ganun lahat ng relationship?"

Tumahimik siya at mukhang napaisip din ng malalim. And whatever it is that is running in his head, I can't tell and I don't even have a hint.

"We'll work it out, Lhee." After sometime, yan ang isinagot niya na parang pinag-isipan niya talaga.

"But how?" tanong ko pa.

"In anyhow..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Will you, please, stop thinking negatively? Whatever comes our way, we'll get through with it as long as we trust each other. Do you understand?"

I could feel the sincerity in his eyes and I think, it's enough for me not to worry about tomorrow.

I smiled and I hugged him. "I'm sorry. I didn't mean to ruin our night."

"No, it's fine. Alam ko namang pareho pa tayong nangangapa sa bagong relasyon na pinasok natin, eh. It's normal to have doubts at mas okay kung sasabihin mo kung ano yung mga gumugulo sa isip mo. I'm still your best friend after all, right? You can still tell me everything."

Tumango ako ng sunud-sunod habang nakayakap pa din sa kanya habang hinahagod niya ang likod ko.

I feel better.

Humiwalay ulit ako sa kanya at nakangiti ko siyang tinignan.

"You're still my best friend, so kapag niloko mo ko, bubugbugin mo sarili mo katulad ng ginawa sa mga ex kong manloloko dati?" pabiro kong tanong.

Natawa naman siya. "Oh, I will leave it to you, baby. Tutal, kayang-kaya mo naman akong bugbugin, eh. I will just promise you na hindi ako papalag."

"Ah, ganun? So may balak ka talagang lokohin ako?!" natatawa ko na ding tanong.

"Hey! Of course not!" mabilis naman niyang bawi. "That cannot be, borrow one!"

Natawa na talaga ako at nagpaikot ikot na lang doon yung conversation namin hanggang sa nakatulog kami.

Bestfriends in Bed (on-going)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt