Chapter 22

69.4K 621 60
                                    

Chapter 22

*lhee*

"I'm here. Di naman kita iiwan. Just trust me."

Mejo kumalma naman ako dahil sa sinabi niya.

Tama siya. Kailangan ko lang magtiwala sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ko pababayaan eh.

Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan niya naman ako sa muka at hinalikan ako sa noo.

"tara na sa baba." sabi niya.

Nakangiting tumango na lang ako.

We went down stairs. Naabutan namin sila mommy na nakaupo sa sala. Seryoso si daddy. Mejo kinabahan na naman ako pero naramdaman ko ang pagpisil ni Aaron sa kamay ko na hawak niya.

Nang tumingin ako sa kanya, he gave me a look na parang sinasabi niyang siya ang bahala.

Nakarating kami sa tapat nila daddy. Nag-stay kaming nakatayo lang.

Nilamon kami ng katahimikan. Natatalo na naman ako ng kaba ko.

Grabe kasi makatingin samin si daddy. Kapag ganyan pa naman siya, hindi ka pwedeng gumawa ng kahit anong mali sa harapan niya, katulad ng pagsisinungaling.

Mabait si daddy pero may pagka istrikto siya.

"Ahh.. Tito.." basag ni Aaron sa katahimikan.

"Maupo kayong dalawa." seryoso pa ding utos ni daddy samin.

Sumunod naman kami kaagad at pagkaupo namin,si daddy naman ang tumayo. Nagpalakad lakad siya sa harapan namin at parang any minute ay sisigawan niya kami kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Aaron. Hindi ko na napansin na nasasaktan pala siya.

Huminto si daddy sa paglakad at tumingin samin tapos naglakad na naman ulit.

Nahihilo na ako kay daddy.

"I never expected this from both of you!" hindi malakas ang pagkakasabi ni daddy pero madiin at bakas ang disappointment sa boses niya. "bestfriend! All this time akala namin mag-bestfriend kayo, but what we've just seen a while ago is so disgusting! In my own house, niloko niyo ako!"

Sobrang higpit na ng hawak ko sa kamay ni Aaron. Bawat salita kasing sinasabi ni daddy, palakas ng palakas ang tono ng boses niya.

"and you!" tinuro ako ni daddy. "kung sinu sino pang lalake ang dinala mo dito sa bahay para ipakilalang boyfriend mo!"

"Lorenzo.." tumayo si mommy at hinawakan si daddy sa braso "please calm down. Pag usapan niyo yan ng maayos ng mga bata."

Medyo kumalma naman si daddy and thanks to mom.

"Tito..." agaw naman ni Aaron sa atensyon ng mga magulang ko. "so-sorry if we disappoint you. Hindi po namin sinasadya. Hindi naman po namin ginustong itago kung anumang meron kami, actually po, gusto ko na agad sabihin sa inyo sa pagdating niyo, hindi ko po alam na ngayon na po pala kayo darating. Hindi din po kami nagsinungaling ni Lhee, mag-bestfriend po talaga kami. And it just happened na lumagpas pa po doon ang nangyari samin. Sorry po, tito."

Napayuko na lang ako dahil nahihiya ako sa mga magulang ko.

"pero tito, handa naman po akong panagutan si Lhee. Mahal ko po si Lhee." dugtong pa ni Aaron.

Hindi sumagot si daddy at mahabang katahimikan na naman ang namagitan samin.

Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako para dagdagan ang paliwanag ni Aaron.

Parang mas gusto ko na lang manahimik. Pero hindi naman pwede un. Kailangan ko din magsalita kahit sorry lang para mabawasan naman ung kasalanan ko sa mga magulang ko.

"dad.." paniwala ko. "i'm sorry.."

Hindi pa din nagsalita si daddy at naiiyak na ako dahil dun. Galit pa din si daddy.

Tumayo ako tapos yumakap ako kay daddy. Di ko kayang galit siya sakin.

"dad, please i'm sorry. Hindi naman po namin sinasadya eh. Naramdaman lang namin na mas higit pa sa magbestfriend ung nararamdaman namin sa isat isa. Sorry dad." umiyak na ako sa dibdib ni daddy.

Si mommy hinaplos ung likod ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni daddy at niyakap niya na din ako.

"i'm not mad, my daughter." hinaplos ni daddy ung buhok ko. "im sorry. nagulat lang si daddy na ung panganay niya mukang mag aasawa na."

Napahiwalay naman ako kay daddy. "dad!"

Mag aasawa? Ibinibigay na ba ko ni daddy kay Aaron agad?!

Tumawa si daddy tapos tumingin kay Aaron na nakatayo na din sa likod ko.

"may magiging apo na ba kami?" tanong ni daddy kay aaron

"daddy!" saway ko ulit kay daddy

Napakamot naman si Aaron sa ulo niya tapos parang nahihiyang ngumiti at umakbay sakin.

"mukang malapit na po, tito." sagot niya kay daddy

Nanlaki naman ang mga mata ko at pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko.

Hindi ba nahihiya si Aaron sa mga sinasabi niya sa mga magulang ko?!

"but dont worry tito, kasal muna bago lumabas si baby." dagdag pa niya na parang proud na proud pa!

"aaron!" sigaw ko. Hiyang hiya na ako.

Natawa lang ulit si daddy. "mas mabuti yan." sabi niya pa at tinapik si aaron sa balikat. "aasahan ko yan."

"yes, tito." tango naman ni aaron.

"good. Halina kayo't mag-almusal na tayo ng sabay-sabay." aya na ni daddy at nauna na sila ni mommy pumunta sa kusina.

Kinurot ko naman si Aaron sa tagiliran pagkaalis nila daddy.

"aray ko!" reklamo niya. "bakit ka nangungurot?"

"anong kasal ang sinasabi mo kila daddy?!" nangdidilat kong tanong sa kanya.

Wala pa naman kasi kaming napag usapang kasal!

"bakit ayaw mo?" tanong din niya.

"siempre gusto!" pagalit kong sagot sabay walk out.

Narinig ko naman ung tawa niya. Napangiti na lang din ako.

I never expected na magiging ganito kabilis ang lahat.

_______

Updates are really slow. I know my priorities kasi guys. Kung kayo inuuna niyo ang wattpad, well ako hindi. Studies first. You're offended? Oh well, hindi ka ma-ooffend kung hindi mo naman gawain --,

Bestfriends in Bed (on-going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن