Chapter 23

70.7K 550 38
                                    

Chapter 23

*lhee*

Sobrang bilis talaga ng mga pangyayari at sobrang nag-uumapaw na din ang saya sa puso ko.

After na maging ok kami sa parents ko, nandito naman kami ngayon sa bahay nila para ipakilala niya ako sa parents niya. Well, kilala naman na ako ng pamilya niya pero bilang bestfriend niya lang.

And yes, ipapakilala niya ako ngayong bilang girlfriend niya.

How was that?

Kinikilig ako!

Goodness.. I never expect this to happen to us! But it's happening now. Nothing's really impossible in love.

Nakita ko nang bumababa si tita Alice sa grand staircase ng mala-mansyon nila bahay. Oh well, mansyon na nga din talagang matatawag itong bahay nila Aaron.

"Oh, Lhee!" galak na sabi ni tita pagkakita sa akin.

Ngumiti naman ako at sinalubong ko na siya. Nagyakap kami at nagbeso.

"Hi, tita. Been a while." bati ko din sa kanya. Naramdaman ko si Aaron sa likod ko.

"oo nga, hija. Bakit kasi ngayon ka lang ulit naisipang dalhin dito ni Aaron." at tumingin pa siya kay Aaron at napalingon na din ako salikod ko.

Tumikhim naman muna si Aaron at lumapit pa sakin saka ako inakbayan.

"ang sabi ko naman sayo Ma nung nakaraan na dadalhin ko lang ulit si Lhee dito kapag girlfriend ko na siya, diba?" sabi ni Aaron at hinapit niya pa ako palapit sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata ni tita at napaawang ang mga labi niya. Nagpabalik balik din ang tingin niya samin ni Aaron na parang hindi pa madigest at makapaniwala sa sinabi ng anak niya.

Habang ako naman ay mejo naguluhan.

Sinabi niya kay Tita na gusto niya akong maging girlfriend?!

"yes Ma, kami na ni Lhee" paglilinaw pa ni Aaron

"oh, my God son! That's a great news! Oh my God! Im so happy for you son. Im so happy for both of you." masayang sabi ni tita nang makabawi at niyakap niya ulit ako

Napangiti naman ako. Nakakatuwa na ok na kami sa mga family namin

Napatingin din ako kay Aaron at nakita kong nakangiti din siya.

Nang bumitaw sakin si tita ay hinawakan niya ko sa magkabilang braso at pinakatitigan

"matutuwa si Raf kapag nalaman din ito" tukoy pa ni tita sa asawa niya.

"thank you tita." nakangiti kong sabi.

"Aaron anak kumuha ka ng makakain at dalhin mo sa garden. Dun muna kami ni Lhee." utos pa ni tita.

"pero Ma--"

"i'll just borrow your girlfriend for a moment, okay?" putol ni tita sa balak na pagprotesta ng anak "matagal kaming di nakapagkwentuhan. Give us quality time, will you?"

Napatango na lang si Aaron habang napapakamot sa ulo at sumunod na lang sa utos ni tita.

Nagpunta na kami ni tita sa garden at pagkaupong pagkaupo namin, nagsimula na kaagd siyang magkwento. And it was all about Aaron's hidden agenda on me ever since!

Ang walang hiyang yun! Ang tagal na gala talagang may pagnanasa sakin! Hahahaha!

Pero natuwa ako sa mga narinig kong sinabi ni tita. Lalo kong napatunayan na mahal nga talaga ako ni Aaron.

Panu ko nasabi? Kung hindi naman niya ako mahal talaga, hindi niya ako ikukwento kay tita! Na kesyo ako yung babaeng gusto niyang pakasalan. Na maging kami lang, hihinto na siya sa kalokohan nya sa mga babae. Na ako yung gusto niyang maging nanay ng mga magiging anak niya. At kung anu-anu pa!

Bestfriends in Bed (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon