Chapter 34

56K 763 186
                                    

Chapter 34

Lhee's POV

"Inayos mo na ba ang mga gamit mo anak?" tanong ni Mommy.

Napatingin ako sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag agad sila ni Daddy na tumira ako sa condo ni Aaron at halos ipagtabuyan pa nila ako ngayon matapos naming malaman na may dinadala nga ako.

Hindi naman sila galit kaya parang pinagtatabuyan nila ako. Natuwa pa nga sila na magkakaapo na sila. Pero ewan ko talaga kung ano ang pagpapaalam na ginawa ni Aaron para tumira nga ako sa condo niya. Siya lang kasi ang nagpaalam kila Daddy.

Hindi ko sinagot si Mommy at ninamnam ko lang yung gatas na iniinom ko--gatas na pangbuntis.

Masarap naman pero nakakasawa yung lasa. Siguro magta-try din ako ng ibang gatas. Baka sakaling may mas magustuhan akong iba.

"Lhee, tapos mo na ba ayusin yung gamit mo?" ulit ni Mommy sa tanong niya.

Sumimangot ako. Feeling ko talaga pinagtatabuyan na ako dito sa bahay.

"Si Aaron na lang pagdating niya." nakasimangot ko pa ding sagot.

"Anong si Aaron na lang? Gabi ka na niya masusundo. Alam mo namang Sabado ngayon at maghapon yun sa opisina para tapusin lahat ng hindi niya natapos ng weekdays." sermon niya pa na lalong nagpasimangot sakin.

"Eh, siya naman may gusto nito. Edi siya mag-asikaso sakin."

"Hay naku.. ikaw talagang bata ka."

"Mommy naman eh!" maktol ko na na parang bata. "Parang pinapalayas niyo na talaga ako."

Tumingin sakin si Mommy at napapabuntong-hiningang lumapit sa pwesto ko. Hinaplos niya ang buhok nang makalapit siya.

"Hindi kita pinapaalis, anak." simula niya na may kasama ulit na buntong-hininga. "Kung pwede nga lang na hanggang sa pagtanda mo din nasa poder ka pa din namin ng Daddy mo, bakit hindi? Pero alam naming ito ang makakabuti. Hindi ka matututo--o hindi kayo matututo--tumayo sa sariling paa niyo kung hindi namin kayo hahayaan magsarili. At sa nakikita ko naman kay Aaron, pinaghahandaan niya talaga 'to."

Tinitigan ako ni Mommy ng ilang saglit. Hindi naman ako nakapagsalita.

Medyo na-guilty ako. Na-guilty kasi feeling ko, ang aga kong nabuntis. Hindi ko man lang tinapos yung pag-aaral ko na alam naman nating pangarap ng lahat ng magulang para sa anak nila.

Hinawakan ko ang kamay ni Mommy na nakapatong sa balikat ko.

"Mom, I'm sorry."

Mataman niya pa din akong tinitigan at saka siya ngumiti. "Don't be, my daughter. I'm happy for you. We are happy for you--me and your Dad. Because you've found the one that will make you happy forever. I know, you love Aaron and he loves you so much."

Niyakap ako ni Mommy at ganun din ang ginawa ko sa kanya.

Naiiyak ako. Kasi kahit ganito ang nangyari, kaligayahan ko pa din ang iniisip nila. At nandyan pa din sila para sakin--samin.

Hindi ko kinukunsiderang pagkakamali ang ginawa namin ni Aaron. Dahil kaya naman namin panindigan pareho ang resulta ng mga ginawa namin. At higit sa lahat, masaya kami pareho dito. Kahit pa alam namin pareho na hindi biro ang pagiging magulang.

"Thank you, Mom." napaka speechless ko na hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

Humiwalay sakin si Mommy at ngumiti ulit. "Tandaan mo palagi, hindi porket hindi mo kami kasama ay wala na kami. We're always here for you, anak."

I know, Mom.

Mangiyak-ngiyak na talaga ako kaya niyakap ko na lang ulit si Mommy. Hinaplos haplos niya naman ang ulo ko.

"O sige na," sabi niya after sometime. "Ayusin mo na ang mga gamit mo."

This time ako naman ang humiwalay kay Mommy at ipinakita ko sa kanya ang nakasimangot ko na namang mukha.

"Si Aaron na kasi, Ma. Tinatamad kami ni baby." dahilan ko pa.

Napailing naman si Mommy pero nakangiti. "O sige na, magluluto na muna ako. Baka gutom na ang apo ko."

Napangiti na lang ako at napahawak sa impis ko pang tyan.

Dumating ang gabi. Naghihintay ako kay Aaron sa loob ng kwarto ko. Medyo naiinip na nga ako. Tumawag na siya kanina na papunta na siya dito kaya medyo malapit na din siguro siya.

Hindi pa din talaga ako nag-aayos ng gamit kasi siya talaga ang pag-aayusin ko. :D

Hindi na din naman nagtagal at dumating na siya. Pumasok na lang ng kwarto ko nang hindi kumakatok.

"Baby..." sabay yakap sakin at halik sa labi.

I kissed him back pero pinutol ko din agad.

"How are you? At si baby?" tanong niya pa at hinawakan ang tyan ko.

"We're fine. Ikaw? Pagod ka ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Kanina medyo, pero ngayon hindi na." At hinalikan niya ulit ako.

Mas demanding kesa sa kanina at wala akong nagawa kundi kumapit sa leeg niya at halikan din siya.

Lumalalim na ang halik namin nang biglang may kumatok sa pinto. Naghiwalay kami at ngayon lang namin na-realize na hindi pala nakasara ang pinto.

Si Lenard at ang kanyang mapang-asar na ngiti ang nakita namin.

Goodness... buti hindi si Mommy o Daddy! Pero pang-ilang beses na ba kaming nakita ni Lenard sa ganitong sitwasyon? Kahiya!

"Tsk!" napailing-iling pa ang kapatid ko habang nakangiti pa din. "Mukhag ihahabol ng kambal, Idol, ah?" kausap niya kay Aaron.

Natawa si Aaron habang ako, gusto ko na namang mawala na parang bula sa kahihiyan. Parang pati yung anak ko nagba-blush na sa loob ng tyan ko sa pagkapahiya ko.

"Oo ita-try naming gawing kambal pa pamangkin mo." sakay naman nitong siraulo kong best friend na boyfriend.

Tumawa din yung kapatid ko. "Ayos yan! Pero sa bahay niyo na lang ituloy. Baka daw masyado na kayong gabihin sa daan."

"Yes, boss!" tatawa-tawa pa ding sabi ni Aaron sabay saludo sa kapatid ko.

Humahalakhak pang umalis yung kapatid ko at sa pag-alis niya, nakurot ko kaagad si Aaron sa tagiliran na nagpatigil sa tawa niya.

"Aray!" napatalon pa siya. "What?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi ko pa naayos yung gamit ko. Ikaw ang mag-ayos. Magsho-shower muna ako."

"Sure, Mommy." nakangisi niya namang sagot. "Para mamaya diretso na tayo sa paghabol ng kakambal ni baby pagdating sa bahay."

"Ewan ko sayo!" kunurot ko ulit siya at tinalikuran na siya.

Tumawa naman siya ulit nang tumawa hanggang sa makapasok ako sa banyo.

Bestfriends in Bed (on-going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum