1

215 5 2
                                    



Welcome back, Ashralds! Here's another Ashrald Fanfiction Story. Enjoy at walang basagan ng trip.




**********

"EVERYTHING turns to nothing. I have waited and waited, but it never happens. What happened to our everything?"




Those words na paulit-ulit sa isipan ko. Tang-inang Fred yun! All I thought, tapos na yung send to many na quotes nung highschool days ko. Gago talaga!

Its been what? Five years! Five long years when I ruined everything. Everyone might forget about EVERYTHING! Naka-move on na lahat. Masaya na ang lahat. Si Fred na lang yata ang natitira.

Or ako lang talaga ang nagiisip non?








"Last set tayo, Ge!"



I looked at JV who's handling the ball to Ronnie. Malalim na yata ang iniisip ko kaya nakalimutan ko kung sinong nanalo. At kung kanino na ang ball possesion.


"May naka-shoot na ba?"


Mukhang walang balak sagutin ni JV so I looked at Ronnie's teamates.


"You made a basket, Gerald!", si Marco.


I did what? Ganon na ba ko ka-lutang para hindi ko matandaang ako pala yung naka-shoot? I looked at JV na iiling-iling. Seriously?


"Gago ka, Bro! Ginagawa mo?"



Nagtawanan sila Rayver saka ako pabirong tinulak papunta sa three-point line.


"Ayan. Diyan ka sa paborito mo!"

























Tinitigan ko ang kakalagay ko lang na duffle bag sa kotse ko. I had a good game with friends pero mas pinili kong wag nang sumama kila Rayver tonight. Mahabang pilitan ang nangyari pero nang nakita nila ang seryoso kong mukha, they gave in. I think, kailangan ko munang isipin kung ano bang kanina pa gumugulo sa buong sistema ko. Kailangan ko ng kausap.

I took my phone from my bag saka nagsend ng mensahe sa isa sa mga taong may alam nang lahat. I went to my car saka nagsimulang magdrive.







Kanina pa ko kumakatok sa pintuan ng unit ni Fred pero kanina pa ring walang nagbubukas. I dialed his number again, but still no answer. I know he's here. Saturday ngayon,kaya alam kong andito lang siya. Mas lalo ko pang nilakasan ang katok hangang sa may tumulak sa likod ko.



"What the fuck— FRED!? I thought you're—"

"Sisirain mo ba pinto ng unit ko!?"



Tinabig niya ko saka niya nilabas ang susi.



"Syempre hindi. I just thought you're just sleeping, kaya para marinig mo lang. Akala ko talaga nasa loob ka. Its Saturday! So—"

"Oo, Saturday ngayon. Kaya bakit andito ka?"

"Grabe, bro! Ang sungit mo, alam mo yun?"

"Gerald, bakit nga?"



I put my keys on the island counter saka dumiretso sa kitchen. I was about to open the fridge when Fred stopped me.



EVERYTHINGWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu