34

103 5 4
                                    

We spent the next few weeks promoting our movie. Sanay na din kami sa set-up namin because of her left and right commitments. Mula noon, hangang ngayon. She's always busy.

During night time, kung hindi pa naman masyadong late and we don't have early commitment the following day, umuuwi siya sakin. Its either aabutan ko siyang tulog sa kwarto ko or di kaya makakatulog agad siya pagkauwi niya dito.

I am not complaining but there are time na naiisip ko how I badly missed her. Pero sa tuwing aabutan ko siyang natutulog, I can't help but to worry about her. Napansin ko ring medyo namamayat siya. We even joked about it, na kasalanan ko kung bakit daig pa raw niya ang everyday workout sa ginagawa namin. Well, nabawasan na nga e.

May mga oras din na magkayakap lang kami, talking about some random things or kapag medyo lumalalim na ang usapan, we try to discuss our future together. Our future plans. What are the things na gusto pa naming gawin. Together man or individually.

I took a deep breath bago kinuha ang phone ko. Kanina pa ako nagiisip kung tatawagan ko ang number na nasa business card na kanina ko pa rin hawak-hawak. Hindi ko rin alam kung tamang oras ba ito para pagbigyan ang isa ko pang nakahiligan simula bata pa ako. But sabi nga ni Babe, its never too late to do the things that I really love.


"Hello?"

Yes, hello. May I know who's calling?

"Gerald— I mean, I'm Gerald Anderson."

Wow! Thank you, thank you for calling. I'm guessing you wanted to give it a shot? You want me to set-up a meeting?

"Yeah. I am actually available today—"












Our ride back to my house seems very quiet. Hindi rin ako masyadong kinakausap ni Ate Nhila. And I think alam ko na kung bakit. After pulling the handbreak of my car and putting it in a parking mode, nilingon ko si Ate Nhila sa tabi ko. I never noticed na umiiyak siya.



"Ate Nhils naman. Wag ka namang ganyan."

"Hindi ko kasi maintindihan, Gerald. Nakakapaglaro ka naman ng basketball. Sa mga All-Star games, di ba? Sa mga charity events. Bakit kailangan mo pang pumasok sa Pro league?"


I sighed.


"It was my childhood dream, Ate."

"Pero malaki kinikita mo for being an actor. Eh dun, haay naku."

"Sus— Mamimiss mo lang ako e. Ayaw mo non mababawasan stress mo sakin? Tsaka Ate, hindi naman ako titigil sa pagaartista. Lie low lang. Ikaw na din nagsabi, yung movie lang namin ni Sarah ang gagawin ko for this year. Yung iba sa mga sponsors and endorsements ko na lang. Few guestings. I just want to maximize my time."



Tiningnan niya ako at inirapan.



"Anong sabi ni Sars?"

"Wala pa. Hindi ko pa nasasabi. Pero free day niya bukas. And I'm taking her to Tagaytay."

"Haay naku, Gerald. I guess masyado lang akong nagulat sa meeting na yun kanina. Ginulat mo ako ng sobra."

"Sorry na, Ate Nhila. And thank you in advance."


I hugged her at nagpunas na naman siya ng luha.


EVERYTHINGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz