"May goodnews kami sayo!!" Sabay sabay nilang sabi.


"Ano?"


"Ikaw na Lester mag sabi." Katsumi.


"Ikaw na Seth." Lester.


"Anong ako! Si Katsumi na kase." Seth.


"Hay nako Kuya di nila yan sasabihin kung puro ganyan." JC.


"Ako na nga." Seth.


"Ako na lang." Lester.


"Ako kase!" Katsumi.


"ANO NA?!?!!!!??" Sigaw ko sa kanila.


"Diba nakapasok na si Kathryn? Alam mo ba yung sino partner niya?" Sa trabaho kasi namin kailangan may katulong kang nagta-trabaho.


"Sino?"


"IKAW!!" Sabay nilang sabi sa'kin.


"Yun na yung goodnews niyo? Yun lang?"


"Oo! Alam mo bang diretso agad kami dito sa bahay niyo para lang masabi yan sayo?! Effort bro! Effort!" Katsumi.


"Oo na. Ano kakain kayo dito ng dinner? Mukhang nakapag luto naman na si manang."


"Oo naman sarap kaya magluto ni Manang diba??" Seth.


Kumain na kami pagkatapos namin kumain umuwi na rin sila agad.

First day ngayon ni Kathryn sa office. At eto namang Katsumi!!! Utos ng utos!!!


"Kath ilagay mo to dun." Utos ni Katsumi sa kanya.


"Ah sige po sir." Kath. Tiningnan ko ng masama si Katsumi at nginitian naman akong nakakaloko alam kong pinipikon lang ako nitong lalakeng toh.


"Pakidalian ayokong babagal bagal dito." Onti na lang Kats onti na lang.


Sila Seth naman tumatawang patago.

Lunch time na at andito kami sa canteen ng building na to.

Nakita ko si Kathryn bumibiling pagkain. Eh wala ng mauupuan kundi dito na lang sa tabi ko. :)))


"Hello can I sit here?" Tanong niya sa'kin.


"Ah oo naman." Ka-table ko rin kasi sila Seth na ngiti ngiti nanaman.


"Hi Kath! Seth nga pala." Sabay shake hands nila.


"Ehem." Tinanggal ko yung kamay ni Seth.


"Lester." Nginitian na lang siya ni Lester.


"Ako? Kilala mo na siguro ako? Ako si Boss Katsumi." Katsumi.


"Wag mong alalahanin yang si Katsumi may pagka-siraulo kasi yan." Sabi ko naman.


"Ah oo Kathryn may pagkasiraulo nga yan. May topak." Seth.


"Hoy andito ako. Baka gusto niyong tanggalin ko kayo sa trabaho." Katsumi.


"Kung kaya mo?" Sabay namin sabi ni Seth.


"Syempre joke lang yon kayo talaga 'di na mabiro oo." Katsumi.


"Ang kukulit niyo." Kathryn.


"Ganito talaga kami Kathryn kaya masanay ka ng makasama kami lalo na pag-wala ka pang ka-close dito kundi si Daniel." Lester.


"Ang saya niyo nga kasama eh. Sana nakilala ko kayo noon pa." Oo naman Kathryn makikilala mo sila kung hindi ka umalis.



"Kaklase kaya namin si Daniel noon. Kabarkada niya kami tapos yun nga best friend niya si Enrique." Seth.


"Oh? Bat di mo sa'kin yun binanggit Dj." Binanggit ko kaya sayo yun. Sabi ko pa nga ipapakilala kita sa kanila.


"Kabarkada ko sila noong college."


"Ah." At pinagpatuloy na ang pagkain niya.


"Nga pala Kathryn musta buhay Canada? Ikaw pala yung kinikwento samin ni Daniel na kaibigan niya from Canada. Masaya ba?" Katsumi.


"Pwede na. Kaya lang pag winter? Mamatay ka sa lamig." Kathryn.


"Oh. Eh kamusta lovelife natin?" Lester.


"Eto laging sawi haha! Joke. Ayoko pa focus muna sa work." Kathryn.


"Sawi? Bakit? Never mo pang naranasan na may kaholding hands while walking? Kissing under the moonlight? Tatanda ka na oh. 25 ka na diba?" Katsumi.


"Ah oo. Pero ayoko pa eh. Kung pwede nga tumanda na akong dalaga eh." Hindi Kathryn. Hindi ka tatandang dalaga kasi mag kasama tayong tatanda. Oo hanggang isip lang ako. -__-


"Mahirap yan Kathryn sino mag aalaga sayo pag-matanda ka na? Edi wala. Hirap kaya 'nun." Lester.


"Ewan kung sino na lang ibigay sa'kin ni God na lalaking para sa'kin yun na siguro." At ako yun Kathryn ako.


"Paano kung nasa tabi tabi lang siya 'di mo lang napapansin." Lester.


"Edi dapat siya unang mag-paramdam. Ang panget naman tignan kung ako diba?" Kathryn.


"Oh. Oo nga PANGET nga naman TIGNAN pag ikaw ang UNANG mag paramdam sa kanya. Diba Daniel?" Sabay tingin sa'kin ni Seth.


"Ah oo nga naman. Tara na tapos na ang lunch break trabaho na ulit." Sabi ko naman.


Naunang sumakay ng elevator yung tatlo kasi kasya na sila dun. Iniwan nga nila ako eh. -__-


Nauna na kaming sumakay puno pa rin kaya siksikan.


Natapos ang araw na toh ng sobrang pagod at masaya na rin.


********

VOTE AND COMMENT PO THANK YOU

Crazy Little Thing Called LoveWhere stories live. Discover now