LWMC: CHAPTER 1

1.6K 46 3.1K
                                    

"Miss Salvador!"

Napatayo ako sa kinauupuan ko sa gulat at mabilis na lumapit sa boss kong panot. "Yes, sir?" Malumanay kong tanong dito. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin na para bang may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

"Ano ito? Ano ito?!" Ibinato niya sa akin ang weekly sales record na ipinasa ko sa kaniya kaninang umaga.

Walang takot na sumagot ako, "My analysis report this week, sir." Pilosopo kong sagot at awtomatikong nagdilim ang awra niya.

Akala ba ng panot na ito masisindak niya ako? Never!

Lumayo ako nang tumayo si boss panot, tanda na hindi niya nagustuhan ang sagot ko. "Alam ko, Miss Salvador. Ang ibig kong sabihin bakit kulang ang detalye ng sales report na ipinasa mo?" Mariin niyang saad na may kasamang gigil.

Anong kulang pinagsasabi ng panot na ito?

"Ano ang kulang, sir? Pero wala namang kulang sa report na isinubmit ko, kumpleto iyon. At kung may kulang man, ito ay dahil malabo na ang paningin niyo." Paliwanag ko at biglang sumama ang mukha niya na para bang nainsulto ko siya.

Hindi naman sa iniinsulto ko ang panot na ito, pero totoo naman talagang malabo ang mata niya.

"Pinagloloko mo ba ako, Miss Salvador?" Galit na tanong niya at umiling ako.

"Hindi sir," mahinahong sagot ko sa kaniya. "Itinatama ko lang na walang mali o kulang sa report na ipinasa ko sa inyo." Hindi pa ako nagkamali sa detalye ng report ko, kaya napakaimposible ng ibinibintang sa akin ng panot na ito.

Tumango ang boss ko habang nakapamewang sa harapan ko. "Pulutin mo iyan," senyas niya sa report na ibinato sa akin kanina. Agad ko naman itong kinuha isa-isa at inabot sa kaniya pero hindi niya kinuha. "Basahin mo ang sarili mong report at makikita mo kung ano ang kulang," aniya sa mahinahong boses.

Gaya nga ng sabi ni boss panot, binasa ko ang sarili kong report. Totoo nga ang sabi niya, may kulang sa sales report ko. "Paano nangyaring nawawala 'yung record ko ng friday?" Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kaniya. "Kahit mamatay pa kayo sir, kumpleto ang report ko nang isubmit ko ito sa inyo." May halong biro na paliwanag ko, kahit ang totoo galit ako.

Halata sa mukha ni boss panot na hindi siya naniniwala sa akin. Malamang, hindi talaga siya maniniwala dahil may paborito siya. Ayaw niyang makuha ko ang promotion, gusto niya mapunta ito sa anak-anakan niya. At isang tao lang ang alam kong makakagawa nito sa akin, walang iba kundi ang taong karibal ko sa promotion.

Tch, the bastard!

"Miss Salvador!"

Naputol ang pag-iisip ko sa malakas na sigaw ni boss panot. Inis na tiningan ko siya. "Yes, sir?"

"Tama ba ang narinig ko na may sinabi ka kahit mamatay ako?" Tanong niya at umaakto pang nililinis ang loob ng tainga na para bang sinisiguro na tama nga ang narinig niya.

May sinabi ba akong ganoon? Hindi ko maalala.

Umiling ako. "Parang wala naman akong sinabing ganoon sir." Kahit sinabi ko iyon hindi ako aamin 'no!

"Sigurado ka Miss Salvador?" Diin niyang tanong at tumango naman ako.

Paninindigan ko ang kasinungalingan ko hanggang kamatayan.

"Kung ganoon," pambibitin niya na seryosong tumingin sa akin. "Tanggal ka na sa trabaho mo. You're fired!" Galit na sigaw niya sa mukha ko.

Tanggal sa trabaho?

Fired?

He fired me?

For real?

He fired me for real?

Matagal bago naproseso ng utak ko ang sinabi ni panot. At nanlaki ang mata ko nang marealize ang ibig sabihin niyon.

"Wait, sir!" Hysterical kong sambit. "Aamin na ako, aamin na ako!" Medyo desperadang sabi ko. "Nabigla lang ako kaya ko nasabi iyon. Please sir, huwag niyo naman ako tanggalin sa trabaho ko." Lumapit ako dito, pinagdikit ko ang mga palad ko at yumuko ng tatlong beses sa harapan niya.

Sa ngalan ng trabaho, ibinababa ko na ang pride ko.

"Anong ginagawa mo Miss Salvador? Hindi ako si Buddha para yukuan mo ng tatlong beses!"

Tch, kapal! Mas cute naman tingnan si Buddha kaysa sa kaniya 'no!

"Alam ko namang hindi kayo si Buddha, sir. Kaya ako yumuyuko sa inyo para bigyan niyo pa ako ng second chance sa trabaho ko." Desperada lang ako na hindi mawalan ng trabaho, pero hindi ako magmamakaawa sa panot na ito.

"Pasensyahan tayo Miss Salvador, pero hindi na magbabago ang isip ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya na ako.

Natulala ako ng ilang segundo nang lumabas si boss panot sa opisina ko. Hindi ako makapaniwala na hindi niya talaga ako binigyan ng pangalawang pagkakataon.

Tch, walang puso!

Umupo ako at nagsimula nang magligpit ng mga gamit sa mesa. "May karma ka rin sa ginawa mong hayop ka!" Gigil na sabi ko nang makita ang picture niya. Kinuha ko iyon at tinitigan saglit bago itinapon sa basurahan.

"Well?"

Speak of the devil!

Nilingon ko ang demonyong nagsalita. Nakangisi ito habang nakasandal sa gilid ng opisina ko. "Hi, Mahal!" Bati ko at pekeng ngumiti sa direksyon niya.

"How's your report?" Tanong niya ng makalapit sa akin. Hahalikan niya sana ako nang mabilis kong iniwas ang mukha ko. "Tough day?" Tanong niya ulit dahilan para mapatingin ako sa kaniya ng masama.

"Congrats sa promotion," mapakla kong sabi na tumingin ng diretso sa mata niya.

"Thanks, Mahal."

"Walang anuman," sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Bakit mo ginawa iyon?" Direkta kong tanong dahil gusto kong malaman ang rason niya.

Kumunot ang noo niya, "Ginawa ang ano?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Tayong dalawa lang ang tao dito, kaya wag ka nang magpanggap!" Gigil na singhal ko at bumalatay sa mukha niya ang pagkalito.

"What the hell?!" Bulalas niya na parang hindi makapaniwala sa narinig. "What the hell are you saying?!"

"Don't what the hell me! Alam kong ikaw ang gumawa niyon, kaya tigilan mo na ang pagpapanggap!" Galit na sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng masama. "Talagang pinatunayan mo sa akin na talunan ka!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon pa.

Living With My CrushWhere stories live. Discover now