"Ahhh so...sorry po."sabi ko at tumalon na at nag ala Dyesabel na sa swimming pool.

Pagka-ahon ko,tumawa na naman ang halos lahat ng mga kaklase ko lalo na ang higad na iyun.Bakit kaya?Ano kayang problema nila sa akin?Sungalngalin ko mga bunganga nila eh.

"Hahaha butas yung trunks niya nakakahiya."bulong bulongan nung isang babae

"Ayyyy kita ang panty ni ate."pang-aasar naman nung lalaki

"Hahahaha butas ang trunks !"sabi nila lahat sa akin habang tumatawa

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi napapaligiran nila ako,tawa lang sila ng tawa.Nakakarindi,nakakainis,nakaka-iyak.Bakit ?Bakit kailangan pa nila akong pagtawanan ?Pwede naman nilang sabihin ng maayos.

"Hahahahaha kawawa naman !"tawa lang sila ng tawa habang ako naman ay napaupo na sa may sahig at nakayuko doon at halatang takot na takot

"Tama na !"sigaw ko sa kanila

"Hahahahaha butas !"sigawan pa nila.Tinakpan ko ang tenga ko para hindi na madinig ang panglalait nila.

"Tama na !Parang awa niyo na."sabi ko habang umiiyak at nakaupo

"Hahahaha baklang butas !"sigaw nila habang tumatawa

Hindi na ako nagsalita at umiyak na lang nang umiyak.Hindi ko alam ang gagawin ko noon,kung tatakbo ba ako o hindi.Iyak lang ako ng iyak at iniisip na panaginip lang lahat ito,isang masamang panaginip,isang bangungot.

Maya maya,may naramdaman na lang akong naglalagay ng towel sa may likudan ko at pagtingin ko,hindi ako nagkamali,si Kim nga.Inakay niya ako patayo at dinala sa may clinic kasi iyak pa din ako ng iyak.

"Ki...ki...Kim salamat ha."sabi ko sa kanya habang umiiyak

"Okay lang yun,tama na nga yun.Diba sabi ko sayo kapag umiiyak ka mas nagmumukha kabng bakla ?Hahaha."sabi niya kaya natawa na din ako

"Nakakainis ka !Hahaha."sabi ko at hinampas siya sa braso.Sus chansing lang ako doon para mahawakan ang muscle niya hihihi.

"Bat ba kasi butas yang ginamit mo?"tanong niya sa akin

"Hindi naman to butas eh,ayos nga to kanina eh kasi bagong bili ko lang to."sabi ko sa kanya

"Eh anong nangyari dyan?Yan tuloy pinagtawanan ka pa ng mga tao."sabi niya sa akin

"Hindi ko nga alam eh parang halatang sinira to.Halatang binutas ng kung sino man."sabi ko sa kanya "Isa lang ang hinala ko."sabi ko sa kanya at tumingin ng seryoso

"Sino?"tanong niya sa akin "Si Misty na naman?"tanong niya sa akin

"Oo."sabi ko sa kanya

"Ilang ulit ko bang sinabi sayo Patrick na huwag mo na siyang siraan sa akin?Kilala ko siya at masasabi kong mabait siya."sabi niya sa akin

"At ako ano Kim?Hindi?"seryoso kong tanong sa kanya

"Hindi sa ganun ay basta.Huwag mo na ulit siyang sisiraan sa akin kasi hindi ko alam ang magagawa ko."sabi niya sa akin

Tumango na lang ako at nagsabing magpapahinga muna ako dito sa clinic.Hindi na ako nalulungkot dahil sa nangyari,nalulungkot na ako kasi ayaw niya akong paniwalaan.Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa kanya na nagsasabi ako ng totoo?Hanggang kailan ba sya magbubulag-bulagan?

Nahiga muna ako sa kama sa may clinic at natulog.Medyo napagod din ako ngayon kailangan ko munang magpahinga.

----------------------

May nadidinig akong paparating.Unti-unting bumukas ang pinto ng clinic.Dahan dahan siyang pumasok.Sa tingin ko nurse lang ito pero bakit ganun ?Kakaiba yung amoy ng pabango niya kaya tiningnan ko agad kung sinong pumasok at nagulat ako sa nakita ko.

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon