10TH REALIZATION

152 5 0
                                    

NAKAHIGA si Elf sa kama niya, patalikod kay Dark Knight na tinatapik-tapik siya sa balikat. Inaalo siya ng kaibigan dahil hanggang ngayon, umiiyak pa rin siya. Alam niyang masyado na siyang matanda para umiyak, pero hindi niya mapigilan.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin?" tanong ni Elf sa basag na boses. "Something like, 'I told you so?'"

"Bakit ko naman sasabihin 'yon?"

"Because you were right," mapait na sabi ni Elf. "Dapat nag-confess na tayo kay Fairy Queen no'ng nakaraan. Kung ginawa natin 'yon, baka naguluhan siya at hindi niya sinagot ang Kastle na 'yon."

"Well, hindi ko na kailangang ipamukha sa'yo 'yong bagay na alam mo na. Plus, I don't want you to feel worse. Just look at how gloomy your room is."

Elf's room didn't change. Hindi lang niya binuksan ang mga ilaw pero may liwanag pa rin naman mula sa sinag ng buwan na tumatagos sa mga salaming bintana. Balak niya sanang magsolo lang sa pag-iyak pero itong si Dark Knight in-invade ang kuwarto niya at sinabing dito ito matutulog. Kahit hindi nito sabihin, alam niyang paraan ito ng kaibigan para damayan siya.

"Hindi ka ba galit kasi ako 'yong nagsabing 'wag tayong mag-confess, pero ako pa ang naunang magsabi ng feelings ko para kay Fairy Queen?" nag-aalangan na sabi ni Elf sa boses na puno ng guilt. "I didn't mean to do that. But still, I betrayed you. I'm so sorry, Dark Knight."

"Apology accepted whole-heartedly," sabi naman ni Dark Knight, saka malakas na tinapik ang balikat niya bago siya tuluyang binitawan. "Alam ko namang nadala ka lang ng emosyon kanina. Naiintindihan ko kasi wasak na wasak din ako no'ng nakita kong nag-me-make out sina Fairy Queen at Kastle." Narinig niya 'tong ngumisi ng may kasamang pait. "Sa sobrang engrossed nila sa paghahalikan, hindi nila napansin na dumating ako." Saglit itong natigilan. "O baka naman napansin nila, pero wala lang talaga silang pakialam."

"Why did you run away, Dark Knight?" nagtatakang tanong naman ni Elf, saka siya gumulong hanggang nakatagilid na siya ng higa pero nakaharap na kay Dark Knight sa pagkakataong 'yon. Nakaupo pala ang kaibigan niya habang nakasandal sa headboard ng kama. Deretso lang ang tingin nito. "Bakit hindi mo sila sinita no'ng nakita mo sila? Sinubukan mo pa nga kong paalisin para hindi ko makita, eh."

"Exactly," sagot ni Dark Knight, saka siya nito nilingon. "Hindi ko sila sinita para paalisin ka dahil ayokong makita mong naghahalikan sila."

Bumangon si Elf at nag-indian seat paharap kay Dark Knight. "Bakit ayaw mong makita ko 'yon?"

"Kasi mas mahina ka kesa sa'kin," seryosong sagot ni Dark Knight, saka nito tiningnan ang picture frame na nakadikit sa dingding ng kuwarto niya. Picture nilang tatlo 'yon no'ng eighteenth birthday ni Fairy Queen. "Kita mo 'yong ginawa mo kanina? 'Yon eksakto ang ayoko sanang mangyari. Nagwala ka na, umiyak ka pa. Alam kong hindi mo mapipigilan ang emosyon mo kaya sinubukan kong itago sa'yo 'yon."

"I'm not a child."

"Yet you cried like one," katwiran naman ni Dark Knight, pagkatapos ay tinapik-tapik nito ang ulo niya na parang bata. Tumigil lang ito nang sumimangot na siya. "Elf, you may be the peacemaker among us, but I'm the protector. It's my job to make sure that no one is hurt under my watch."

"Parang Wonder Pets?"

Inambahan siya ni Dark Knight pero halatang nagpigil kaya sinuntok na lang ang kanang kamao sa kaliwang palad. "Sa dami ng cool superheroes sa mundo, talagang sa Wonder Pets mo ko kinumpara? Nagpipigil ako kasi naaawa ako sa'yo kanina pero ngayon, hindi na." Pinitik nito ang noo niya. "I told you so, Elf. Kung nag-confess tayo kay Fairy Queen, hindi mangyayari 'to. O, ano ka ngayon? Luhaan."

Nasaktan si Elf sa mga sinabi ni Dark Knight dahil 'yon din eksakto ang nararamdaman niya. Pero ewan ba niya, bigla siyang natawa. Lumawag ang dibdib niya kahit papa'no.

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon