10th Denial: Softening Up

716 29 1
                                    

NAKAPALUMBABA si DK sa mesa habang pinapanood ang mommy at daddy niya na parang mga teenager kung maglambingan. Inaayos kasi ng kanyang ina ang necktie ng kanyang ama habang nagngingitian ang mga ito na para bang nagliligawan lang.

Hindi niya alam kung matutuwa o mandidiri siya sa pinapakita ng mga magulang niya.

Yumuko ang daddy niya sa tainga ng mommy niya at bumulong. Pagkatapos, bumungisngis ang kanyang ina na parang kinikilig, saka marahang hinampas sa dibdib ang kanyang ama.

Okay, they're starting to get gross.

"Papasok na ko sa school," deklara ni DK, sabay tayo. Sabay na napatingin sa kanya ang mommy at daddy niya. "Ayokong makita ang preview kung pa'no niyo ko binuo."

Namula ang mukha ng mommy niya pero napangiti rin naman.

Natawa naman ang daddy niya at binigyan siya ng pabirong nagbabantang tingin. "Anak, kapag nagkaro'n ka ng asawa na sing ganda at sing bait ng mommy mo, maiintindihan mo rin ako. Baka nga mas malala ka pang magpakita ng pagmamahal kaysa sa'kin kapag nagkapamilya ka na."

DK scoffed. "Never, Dad. I will never act like a lovestruck teenager in front of my future child."

Bago pa makapagkomento ang mga magulang niya, narinig na nila ang sunud-sunod na pagpintod sa doorbell kasabay ng malakas na boses nina Elf at Fairy Queen habang tinatawag siya.

"My friends are here," sabi ni DK, saka siya nagmamadaling tumakbo palabas ng kusina sa kabila ng pagpigil sa kanya ng mga magulang niya. "Bye, dear parents!"

Pagbukas niya ng pinto, sumalubong agad sa kanya sina Elf at Fairy Queen na gaya ng madalas, magkaangkala ang mga braso. Sabay na ngumiti at kumaway ang mga ito sa kanya, saka sabay na pumasok sa bahay dahilan para matulak siya ng dalawa pabalik sa loob.

"Ano ba," reklamo ni DK nang tuluyan nang nakapasok sina Elf at Fairy Queen. "Hindi niyo ba napansin na gusto ko nang umalis?"

"Mauna ka na kung gusto mo," nang-aasar na sabi sa kanya ni Fairy Queen, pagkatapos ay lumagpas ang tingin nito sa kanya at may kung sinong kinawayan. "Welcome back, Tito Conrad! Sobrang na-miss po namin kayo. Nasa'n na po ang pasalubong namin?"

"Saka po chocolates," nakangiting dagdag naman ni Elf.

Sinimangutan ni DK ang traidor na mga kaibigan bago niya hinarap ang mga magulang niya na sumunod din sa kanya at magkaangkala rin ang mga braso. Well, natural lang siguro 'yon dahil papasok sa opisina ang daddy niya kaya ihahatid ito ng mommy niya sa labas.

"Makakalimutan ko ba naman ang pasalubong niyo kung araw-araw niyo kong china-chat para lang ipaalala 'yon?" natatawang biro ng daddy niya sa mga kaibigan niya na natawa rin. "Mas marami pa nga ang pinamili ko sa inyo kaysa sa pinamili ko para d'yan kay Dark Knight na hindi man lang ako nagawang kumustahin no'ng nasa Singapore ako," paghihinanakit pa nito, saka siya binigyan ng nanunumbat na tingin. "Son, I pay for the electricity and the internet connection anyway. Why didn't you bother to call me via Skype then? Hindi mo ba na-miss ang daddy mo?"

"Parati naman kayong magkausap ni Mommy kaya for sure, naikuwento na niya ang lahat ng puwede kong sabihin sa inyo," katwiran naman ni DK. "Plus, you were only gone for a week, Dad."

Biglang natahimik ang lahat.

Nagkatinginan ang mga magulang niya na parang parehong biglang nalungkot.

Samantalang umiling-iling naman sina Fairy Queen at Elf habang binibigyan siya ng nananaway na tingin na para bang kinokonsensiya siya ng mga ito.

"What?" reklamo ni DK sa mga kaibigan.

"Wala," sabay na sagot nina Fairy Queen at Elf.

Tumikhim naman ang daddy niya. "Anyway, it's time for me to go or else I'll be late in my meeting." Binalingan ng kanyang ama ang mga kaibigan niya. "Kids, clear your schedule for tonight. Mag-di-dinner tayo sa labas. My treat, of course."

Napangiti sina Fairy Queen at Elf, saka sabay na tumango at sumagot. "Okay po."

Nagpaalam na ang daddy niya at hinatid ito ng mommy niya sa labas. Nang makaalis na ang kotse ng kanyang ama, bumalik na sa loob ng bahay ang kanyang ina na inakbayan agad si Fairy Queen.

"Hija, mamaya mo na kunin ang pasalubong sa'yo ng Tito Conrad mo para hindi mo na iuwi at baka ma-late ka pa sa school," sabi ng mommy niya kay Fairy Queen habang papunta ang dalawa sa kusina. "Pero pakidala na ang chocolates na pasalubong ng asawa ko para sa kaklase mong si Jazz. Paki-invite na rin ang batang 'yon sa dinner natin mamaya. Ang tagal na namin siyang hindi nakikita."

Nakangiting tumango naman si Fairy Queen. "Sure, Tita. Ako na pong bahala."

Napatitig si DK sa profile ni Fairy Queen nang dumaan ito sa harap niya. Gaya ng madalas, maaliwas pa rin ang maliit at maganda nitong mukha. Kahit na gusto niyang nakikita itong nagagalit kapag nag-aaway sila, mas gusto pa rin niya kapag nakangiti ito at halatang masaya, gaya ngayon.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sariling mapangiti. Mahirap gawin 'yon dahil nakakahawa ang ngiti ni Fairy Queen.

She looks like she's in a good mood lately. I hope she stays like this all the time.

Tinapik ni DK si Elf sa balikat nang mawala na sa paningin nila ang mommy niya at si Fairy Queen. Baka kung saan na naman siya dalhin ng isipan niya sa pagtitig sa dalaga kaya habang maaga pa, dapat pigilan na niya ang sarili. "Sa kotse na lang natin hintayin si Fairy Queen. Siguradong magkukuwentuhan na naman sila ni Mommy kaya businahan natin para maalala niyang papasok pa tayo sa school."

Tumango lang si Elf, saka ito sumunod sa kanya palabas ng bahay. Nagsalita lang ito no'ng nasa garahe na sila at bubuksan na sana niya ang pinto ng driver's side. "Dark Knight, may sasabihin ako."

Sumandal si Dark Knight sa kotse niya at humalukipkip habang binibigyan ng mapanuring tingin si Elf. Masyadong seryoso ang kaibigan niya at bihira lang itong magseryoso. "Tungkol saan?"

"About Fairy Queen," mahinang sagot ni Elf para siguro siya lang ang makarinig. "I think she's hiding something from us."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon