11th Denial: Making Friends Is Easy

739 31 0
                                    

IPINATONG ni Fairy Queen ang paperbag na naglalaman ng maraming chocolate bars sa desk ni Jazz na nakasimangot at naka-earphones pa, halatang wala siyang balak pansinin. Pero dahil kilala niya ang kaibigan, alam niyang hindi naman ito nakikinig ng music. Umaarte lang ito ng gano'n para magpasuyo. "Pasalubong 'yan ni Tito Conrad for you, Jazz. Ini-invite ka rin nila para sa dinner date mamaya. Miss ka na nila ni Tita Didith."

Hindi pa rin siya pinansin ni Jazz na nagbukas pa ng reference book para sa thesis nila.

Tumingin si Fairy Queen sa paligid ng classroom nila. Silang dalawa na lang ni Jazz ang nando'n at sarado rin ang mga pinto. Maagang nag-dismiss ang professor nila kanina kaya may oras pa silang tumambay do'n bago dumating ang susunod na magkaklase sa kuwartong 'yon.

Dahil wala namang ibang tao ro'n, makakapag-usap na sila ng maayos at puwede na niyang banggitin ang pangalan na iniiwasan niyang isipin lalo na kapag sina Dark Knight at Elf ang kasama niya.

"Jazz, galit ka pa rin ba dahil iniwan kita sa bar no'ng nakaraang gabi para magpahatid kay Kastle?" nag-aalangang tanong ni Fairy Queen dito. "Sorry na."

Hinila ni Jazz ang mga earphone nito at binigyan siya ng masamang tingin. "Sorry? 'Yon lang ang sasabihin mo pagkatapos ng stress na binigay mo sa'kin no'ng umalis ka ng bar kasama ang Kastle Wilson na 'yon?" Tinuro nito ang nag-iisang tigyawat sa makinis nitong mukha na nagkataong sa tungki pa ng ilong nito tumubo. "Because of you, I got this stupid pimple. Sinira mo ang mala-Koreano kong kutis."

"Dahil lang naman sa gluta kaya ka pumuti at kuminis ng ganyan," katwiran naman ni Fairy Queen. "Saka nakita ko 'yong high school pictures mo. Tadtad ka kaya ng pimples noon kaya 'wag kang umarte na parang hindi ka sanay tubuan ng tigyawat d'yan."

Napasinghap si Jazz sa eksaheradong paraan at sinalo pa ng mga kamay ang dibdib. "How dare you bring back my painful past just to make a point? Ang sakit no'n, Fae. Ibang tao na ko kaya 'wag mo nang ipaalala ang past life ko." Tinuro nito ang mukha nito. "Dito na lang tayo sa present mag-focus, okay?"

Tumango naman si Fairy Queen at ginawang 'binoculars' ang mga kamay niya para titigan si Jazz. "That's one of the most handsome faces I've ever seen in my life, Jazz. Kung hindi ka nga nagta-Tagalog, iisipin kong Koreano ka, eh. Hawig mo nga si Sungjae ng BTOB. Promise."

Napangiti naman si Jazz, halatang nakalimutan agad ang tampo nito. Sumandal ito at hinawi ang side bangs nito. Nag-fe-fade na ang kulay pink nitong buhok at mas nangingibabaw na ang pagiging bleached niyon. Gayunman, aaminin niyang guwapo talaga ang lalaking 'to simula nang natutong mag-ayos. Bagay nga rin dito ang suot nitong pink skinny jeans na inspired daw ng kung sinong Kpop Idol. "Sige, pinapatawad na kita." Nawala ang ngiti nito at binigyan siya ng istriktong tingin. "Pero huwag mo nang uulitin 'yon, okay? Alam mo bang muntik na kong atakihin sa puso no'ng nabasa ko 'yong text mo at sinabi mong si Kastle Wilson ang maghahatid sa'yo pauwi? Kung hindi ka nakauwi ng maayos dahil sa lalaking 'yon, siguradong sasakalin ako nila DK at Elf."

Nangalumbaba si Fae. "Gano'n ba kasama ang tingin mo kay Kastle? He seems fine."

"May matinong lalaki ba ang napapaaway at nasasaksak pa dahil sa gang war?"

"Nakipag-away lang naman siya para ipagtanggol ang sister niya," pagtatanggol ni Fae kay Kastle. "I heard it straight from her."

Halatang may gusto pang sabihin si Jazz sa kanya pero mukhang pinigilan nito ang sarili. Pagkatapos, bumuga na lang ito ng hangin at binago ang usapan. "Pakisabi na lang kay Tito Conrad na salamat sa pasalubong niya. And yes, makakasama ako sa dinner mamaya. Saka kailangan ko rin namang makausap sina DK at Elf." Tumayo na ito bitbit ang backpack nito. "Anyway, I have to go. May lunch date pa kami ni Cybelle." Inangat nito ang reference book na binabasa nito kanina. "Kailangan ko 'tong ibigay sa kanya para alam niya kung ano ang part na naka-assign sa kanya sa thesis natin. Gusto mo bang isabay na kita? Magkikita-kita kayo nina DK ngayon, 'di ba?"

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon