8th Denial: Well, Maybe She's A Bit Cute

790 31 8
                                    

NAPABUGA ng hangin si Kastle habang pinapanood si Fae na kunan ng pictures ang dance floor gamit ang malaki nitong camera. Nasa second floor sila at halos nakaliyad na ang babae sa railing para lang makuha ang anggulo na gusto nito. Sa payat nito, hindi malayong madulas ito at bumagsak sa ibaba.

Saglit lang siyang lumabas para tawagan si Fortress, pagkatapos ay inabutan na niya si Fae na parang bata na pinakawalan sa playground sa unang pagkakataon. Sinabihan naman niya ito kanina na huwag aalis ng cubicle nila dahil baka mapag-trip-an ito ng mga lasing sa bar.

Kahit binabantayan niya lang si Fae dahil sa utos ng kapatid niyang si Fortress, sineseryoso pa rin niya ang 'trabaho' niya kaya ayaw niyang may mangyaring masama sa dalaga, lalo na kung siya ang kasama. Wala naman sigurong masamang mag-alala sa taong nagligtas ng buhay niya.

"Hey, stay away from the railing," saway ni Kastle kay Fae, saka siya sumandal sa railing at ipinatong ang mga braso niya ro'n. Nilingon niya ang babae na wala pa ring tigil sa pagkuha ng mga litrato. "Akala ko ba horror ang sinusulat mo? Ano naman ang nakakatakot sa mga taong nagsasayaw sa dance floor, ha?"

Ngumiti si Fae pagkatapos ay nilayo nito sa mukha ang camera. Hinarap nito sa kanya ang frame niyon na parang gusto nitong tingnan niya ang pinapakita nitong litrato. "Look at this shot."

Sinilip naman ni Kastle ang frame. Blurred ang background ng picture pero malinaw ang subject niyon: isang lalaki na hindi makikita ang mga mata dahil nasa madilim na bahagi ito, pero nakangisi ito kaya kita ang maputi nitong set ng ngipin, pagkatapos ay may naglalarong pulang laser lights sa mukha nito. "What about it?" tanong niya, saka siya nag-angat ng tingin kay Fae na nakatingin pa rin sa frame at nakangiti na parang proud sa ginawa nito. "Well, the shot is pretty good. But is that supposed to be scary?"

Tumango naman si Fae. Saka tinuro ng daliri nito ang pulang laser light. "Hindi kita 'yong face niya dahil madilim sa baba, pero tingnan mo 'yong ngisi niya. 'Tapos saktong red pa 'yong laser light na tumama sa mukha niya. This guy kinda looks like a demon seducing his victim."

Narinig naman ni Kastle si Fae pero hindi niya 'to masyadong naintindihan. Napatitig kasi siya sa daliri nito na nakaturo sa frame ng camera. Mahaba at payat 'yon, parang kandila, sabi nga sa lumang kasabihan. Napansin din niya na malilinis at sakto lang ang haba ng mga kuko ng babae. Hindi gaya ng mga kuko ni Fortress na matutulis na nga, iba-iba pa ang kulay. "Your fingers look nice."

Shit.

Aaminin niya na hindi niya sinasadyang masabi 'yon ng malakas kaya kinabahan siya ng konti. Nang mag-angat siya ng tingin kay Fae, napansin niyang hindi naman 'to mukhang nagulat o na-weirdohan sa mga sinabi niya. Inangat lang nito sa harap nito ang kanang kamay.

"I always trim my nails neatly," sabi ni Fae, nakatingin sa mga kuko nito. "Bad habit na, eh. Nasanay na kasi ako na parating ginugupit ang kuko ko para hindi maputol kapag nag-re-wrestling kami noon ng mga kaibigan ko. Sayang lang ang haba at nail art dahil napuputol lang din naman ang mga kuko kapag naglalaro kami dati. My friends don't treat me like a girl so they hit me really hard when we were young."

Kumunot ang noo ni Kastle. Ibang 'wrestling' ang alam niya. To him, it involved a naked woman and a mattress. But knowing Fae was innocent, he knew she meant it literally. "'Wrestling?' As in 'yong sports?"

Natawa ng mahina si Fae at tumango. Nang tingnan siya nito, nakita niya ang excitement sa mukha nito. Halata rin 'yon sa boses nito nang nagsimula itong magkuwento. "Sobrang liit at payat ko no'ng bata ako. 'Fetus' nga ang tukso sa'kin dati ng mga kakilala ko, eh. Kaya sina Dark Knight at Elf, hinahagis lang ako na parang papel. Hindi kasi babae ang tingin sa'kin ng mga 'yon kaya sineseryoso nila ang pagbugbog sa'kin, lalo na no'ng nasa elementary kami." Tumingala ito at tinuro ang baba nito. "Nakikita mo ba 'yong peklat ko dito? Hindi na yata masyadong visible pero may mahabang hiwa ako dito noon. No'ng Grade 1 kasi kami, binuhat ako ni Dark Knight at hinagis sa kalsada. Ayon, 'tong baba ko ang tumama."

Let's Confess TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon