"Marami." sabi ko.

"Sige, ano-ano pa ang kailangan kong malaman?"

"Three years ka naming hinanap nina Xander at Harold sa mundo nyong mga tao. Gusto na ng katawan kong sumuko pero hindi ako sumuko dahil alam kong mahahanap kita. Kahit ang hirap ginawa ko mahanap ka lang. Hanggang sa isang araw pumunta kami dito sa Kasdeyatopia. May naganap na party dito at dito kita nakita. Kasama mo ang asawa mo." panimula ko.
"Nag tataka ako nung kung bakit nandito ka sa Kasdeyatopia at naging asawa mo si Daze. Yun pala binura nya ang mga ala-ala mo at pinaniwala ka nyang asawa mo sya." dagdag ko pa samantalang sya ay nakikinig lang.
"That time all I want to do is to get you from that vampire but I can't. Hindi ko pa kaya dahil baka kapag kinuha kita ng hindi mo pa naaalala ang lahat ay gamitin nya pa iyon laban sa akin." sabi ko.

"And then after that party nakipag communicate ako sa mga connections namin at dahil doon nalaman ko ang lahat. Ang lahat tungkol sa mga Villaroel." sabi nya.

"Kaya nalaman mo ang number ni Cassandra?" tanong nya.

"Yes, ipinakuha ko talaga yun dahil alam kong matutulungan nya ako." sabi ko naman sa kanya.

"Okayy..." sabi naman nya.

"So matagal na tayong nag kita?" tanong nya na naman.

"Yep, nung bata ka pa at bata din ako syempre hahaha. Ang saya ko nga nun eh kasi naka usap kita at naipag tanggol pa." sabi ko pa sa kanya.

"Nuyyy.. Bakit kaya masaya eh?" tanong nya.

"Naka usap ko kasi ang isang babaeng sobrang ganda. At simula noon wala na akong ibang minahal kundi ikaw." sabi ko sa kanya at namula na naman sya. Bakit ba ang cute ng babaeng ito?

Gusto kong enjoyin ang moment naming dalawa dahil alam kong sa mga susunod na araw mag sisimula na ang totoong labanan. I'll make sure that she will be mine again. ONLY MINE.

"Uhm love, siguro sa mga susunod na araw baka hindi tayo mag kita." sabi ko sa kanya. Malungkot syang tumingin sa akin.

"Bakit?"

"Sisimulan ko na ang plano ko. Operation: Kunin si Love mula kay Daze." sabi ko at natawa naman sya.

"Talagang may pa operation-operation ka pang nalalaman ah." sabi nya at tumawa kami.

"Love, what if may biglang mangyaring masama sa akin, anong gagawin mo?" bigla kong tanong sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin nya. Hindi kami sigurado sa mga sunod na mangyayari.

"Anong klaseng tanong ba yan Ashron? Wag ka ngang mag tanong ng mga ganyang bagay." sabi nya sa akin.

"Nag tatanong lang naman ako eh. Iingatan ko naman ang sarili ko para sayo. Para sa future natin, para sa mga magiging anak natin. Don't worry." sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Sabi mo yan ha. Aasahan ko yan. Please promise me." sabi nya sa akin.

"I promise, my love." sabi ko sa kanya.

Sorry love if after this war.... Mawala ako... Hindi ko hawak ang hinaharap at ang oras. Hindi ko alam kung mag mangyayaring masama o wala. But for you I will stay safe. Pero kung mangyayari man ang bagay na iyon, wag kang malungkot dahil nandito lang ako lagi sa tabi mo.

"Love..." tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"I love you..." sabi ko. Tumingin sya sa akin. Hinawakan nya ang noo ko gamit ang kanyang palad.

"Anong ginagawa mo?" taning ko sa kanya.

"Masyado kang cheesy ngayon, but I love it." sabi nya at bahagyang tumawa ng mahina.

"Ikaw talaga. Syempre ang daming segundo, oras, araw, at taon ang nasayang dahil sa pag kuha sayo ni Daze. Ang daming nasayang na panahon. Siguro kung hindi ka nya nakuha may anak na tayo." sabi ko sa kanya.

"Anong anak ka dyan? Nanliligaw ka pa lang sa akin ah." sabi nya sa akin.

"Kapag ba tinanong kita ngayon kung pwedeng maging tayo papayag ka?" tanong ko sa kanya kaya lumaki ang mata nya.

"...."

Speechless sya ih.

"Okay! Silence means yes!!" sabi ko sa kanya. Pareho na kaming naka upo sa kama. Lumapit ako sa kanya at mabilis syang hinalikan sa labi.

"Yahhh! Mag nanakaw ng halikkkk!" sigaw nya sa akin. Tumakbo ako ng tumakbo samantalang sya ay hinahabol ako.

"Arrgghhh! Wag mong intaying ako ang makalapit ako sayo patay sa akinnnn!" sigaw nya habang nag hahabulan kami sa loob ng tree house. Matibay itong tree house kaya kampante akong tumakbo.

"Patay na patay naman na ako sayoooo!" sigaw ko.

Nag habulan pa kami. At sa huli sya ang panalo.

Hinampas hampas nya ang braso ko.

"Ikaw talaga Ashronnn! Arghhh!"

"Ang sabihin mo nabitin kaa!" sabi ko kaya lalo nya pang nilakasan ang pag hampas. Hindi nag tagal ay napagod din sya kaya tumigil sya.

Nag pahinga muna kami snadali. Nakakapagod!. Nakakapagod pero masaya!

"Ikaw ba nahalikan kana ni Daze?" tanong ko sa kanya.

"Ang alam ko hindi, at sabi rin ni Cassandra ay hindi. Hanggang yakap lang daw yun." sabi nya. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.
"Oh ano akala mo nahalikan ako noh? Hindi noh, sayo lang ako eh. Sayong-sayo lang." sabi nya. Ewan ko ba kinilig akoooo! Waahhhh!

Idinikit ko ang kamay nya sa dibdib ko. Dahil ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ang bilis noh? Ikaw lang ang nakakagawa nyan sa akin. Ikaw lang ang tinitibok nyan." sabi ko sa kanya. Ngumiti ako at niyakap ko sya.

"Ganun din ako Ashron, I love you." sabi nya.

"I love you too...." sabi ko.

Sana hindi pa iyan ang huling beses na sasabihin ko yan sayo Cindy. Dahil marami pa akong dapat patunayan sayo. Na mahal na mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Kaya kahit buhay ko ang kapalit ng kaligtasan mo handa akong mamatay.





•••••••••••••••

A/N:

Ano ba ang meaning ng mga sinasabi ni Ashron kay Cindy? Mawawala ba sya?

Thank you for reading ths story! Lablots!

-DARLINGBABE_22

Forever With The Vampire Where stories live. Discover now