7

4.5K 218 17
                                    

Isang lingo na nag lumipas ngunit patuloy pa rin si Gab sa pangungulit sa kanya at kung saan ito magpunta ay nandoon siya.

Nakasubsob ang mukha ni Andrea sa kanyang kama nang pumasok si Kevin upang kulitin ito. Pinipilit niya ang dalaga na sumama sa birthday ni Gab upang dahil kinulit siya ng kaibigan na isama ang dalaga.

"Ayoko nga. Anong gagawin ko 'don?"

"Fine. Just one hour. Or else, hindi ko gagawin yung project mo." pakiusap ni Kevin. Tinanggal niya ang kumot na nakapulupot kay Andrea at hinagis ang mga unan nito upang makausap niya ng matino ang kapatid.

"Sige na. Magbibihis na ako. Kung di lang dahil kay Dillan hindi ko pupuntahan 'yan." reklamo ni Andrea. Tumayo ito at dumiretso sa banyo upang maligo.

Nagsuot ng bulaklaking bistida na lagpas tuhod at isang puting sneakers ang dalaga. Nang makapagbihis ito ay agad siyang bumaba dahil kanina pa niya naririnig si Kevin na sinisigawan siya upang lumabas na.

"Kaya patay na patay sa'yo si Gab eh. Ang ganda naman ng utol ko." papuri ng kanyang kapatid. Inakbayan niya ito at sabay silang lumabas ng bahay.

"Baka gusto niyang iburol ko siya ng buhay." wika ng dalaga. Nag-aasaran silang magkapatid hanggang sa makarating sila sa bahay nila Gab.

Nagpa-iwan muna si Andrea sa loob ng sasakyan dahil tatawagan pa niya ang kaibigan na si Cheska upang kamustahin ito dahil panigurado ay lasing na naman ang kanyang kaibigan.

Habang kausap niya sa cellphone ang kaibigan ay natanaw niya si Gab na papunta sa kinaroroonan niya at pinagbuksan niya ito ng pintuan.

"Happy birthday to me?" bungad ni Gab.

"Sinabi ko bang sunduin mo ako?" pagmamaldita ni Andrea.

"Pwede bang maging mabait ka sa akin kahit ngayon lang?"

"Nadagdagan nga yung edad mo pero hindi nakisama yung height mo." pang-aasar ng dalaga.

"Is that  how you greet birthday celebrants?" agad na sabi ni Gab.

"Stop it Gab. Hindi ka mananalo sa utol ko. Let's go inside. Naglalaro sila ng spin the bottle." wika ni Kevin. Tanging mga malalapit na kaibigan lang ni Gab ang inimbitahan niya at karamihan sa kanila ay kakilala rin ng kuya ni Andrea.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob at kinantyawan ng mga barkada si Gab dahil for the first time ay may dinala itong babae.

Pinagitnaan ni Gab at ni Kevin si Andrea habang pinanonood ang mga barkada nila na nagkakasayahan dahil sa laro. Tulad ng normal na mga kabataan, hindi nawawala ang alak na kanina pa umiikot sa lahat.

Si Kevin ay kasalukuyang nasa tabi ng tropa nilang babae kaya walang nagawa si Andrea kaya kinausap niya si Gab dahil out of place siya.

"Wala bang mas masaya pa dito? Ang boring!" pang-aasar ni Andrea.

"Pwede ba huwag ka munang mang-asar, birthday ko to remember?" pakiusap ni Gab.

"Kung hindi lang dahil sa project ko hindi ako pupunta dito." bulong niyang muli.

"Kung ayaw mo talaga hindi ka pupunta." sabat naman ni Gab. Para na namang aso at pusa ang dalawa na hindi matigil sa sagutan.

Ang akala nila ay tapos na ang spin the bottle ngunit patuloy pa rin pala ito kahit lasing na ang ibang mga kasama. Saktong natapat kay Gab ang bote kaya agad na nagpresinta si Andrea upang tanungin si Gab.

"Bakit ang pandak mo?" tanong ni Andrea. Nagtawanan ang mga bisita at halos mapakamot na lang sa ulo si Gab.

"I was born this way Andrea."

"Siguro hindi ka tumatalon tuwing bagong taon!" natatawang sabi ng dalaga. Halatang lasing na ito dahil hindi siya matigil sa pagtawa.

"Next question please?" agad na sabi ni Gab.

"Siguro hindi ka pa tuli!" sigaw ni Andrea.

Nagtawanan silang lahat at maging si Gab ay hindi mapigilan ang sarili dahil natutuwa siya sa dalaga na kanina pa humahagalpak sa kakatawa.

Unti-unting lumapit si Gab sa dalaga at umupo sa tabi nito.

Dahil sa epekto ng alak ay walang pakialam si Andrea kung tumabi man sa kanya si Gab. Pareho nilang pinaghahatian ang barbecue na nasa harapan nila.

Agad na napatingin si Andrea sa phone niya nang tumunog ito. Ngayong gabi ang gig ni Dillan sa Spongebar na malapit sa tinitirhan ni Gab.

Tumayo si Andrea upang umalis na ngunit nakaramdam ito ng hilo ngunit hindi siya nagpapigil dahil ayaw niyang umabsent sa event na ito. Nagpasya si Gab na samahan na lang si Andrea dahil delikado rin na lumabas ito mag-isa.

"No I'm okay. Enjoy your party." bulong ng dalaga.

"Birthday gift mo na sa akin? Hindi ako papayag na umalis ka mag-isa." sagot ni Gab.

Halos hilahin na ni Andrea si Gab sa pagmamadali upang abutan ang concert. Habang hawak ni Andrea ang kamay niya ay napatingin siya sa dalaga. Paanong napunta sa lupa ang ganitong kagandang dalaga? Iyan ang mga bumabalot sa isipan niya.


The One You Hate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon