Epilogue v

4.7K 186 65
                                    

ANDREA POV

Unti-unti kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin ang isang bouquet of roses.

Walang katao-tao sa kwarto at puti ang lahat. Anong nangyari? Nasaan ang anak ko? Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin at tumayo. Bago pa man ako makalabas ng pintuan ay nagulat ako nang pumasok si Torta sa kwarto.

"Mommy I love you. Sorry for being naughty sometimes. I promise I will be a good boy" sabi niya. Inabutan niya ako ng roses at hinawakan ang kamay ko.

"I love you baby" sabi ko. Niyakap ko ang anak ko at hinalikan niya ako sa pisngi.

Hindi ko alam ang nangyayari. Huling naalala ko ay ang masamang balita na dumurog sa puso ko. Pati ang mga anak ko ay lumalayo na ang loob sa amin. Hindi naman kami nagkulang ni Gab sa pagmamahal sa kanila. Pero kakayanin namin ito.

"Where's Daddy?" tanong ko kay Torta.

He's just smiling at hinila niya ako palabas. "Where are we going baby?" I asked.

Hindi niya ako iniimik hanggang makarating kami sa rooftop.

Am I dreaming? Lord patay na ba ako?

(Play the Song Hawak-Kamay by Yeng Constantino.)

"Mom I know puro sakit lang ng ulo dala namin sa'yo. We just want to let you know na ipanganak man kami muli at mabago ang pangalan namin, ikaw pa rin ang pipiliin naming maging ina. We love you so much. sabi ni Pugo.

"Napunta man ako sa maling landas, hindi niyo ako pinabayaan ni Daddy. You're the best mom ever" wika naman ni Pugo. Jusko po bakit ganito yung mga anak ko. Pinapaiyak nanaman nila ako.

"Napaka-cool niyo ni Daddy. Sana nakinig ako sa mgapayo niyo dati. Masakit na iniwan niya ako Mommy. Pero on the brighter side, binigyan ako ni God ng sign na magpatuloy sa buhay dahil nandiyan kayo ni Daddy. Kahit minsan nag-aaway-away tayo dahil sa malilit na bagay."

I don't know what to feel. Bumitaw si Torta sa kamay ko at pumunta siya sa mga kapatid niya. Kumpleto silang lahat at pati ang triplets ay nandito.

"Hey Mom. Thank you for accepting me. Alam ko maganda ako kaya wala kang magagawa" natatawang sabi ni Sarsiado.

Lumapit sa akin si Pugo habang hawak ang gitara at inabutan ako ng rose. Nagmana nga sila kay Hubby. Puro kacornyhan.

"Minsan madarama mo kay bigat ng problema" kanta niya. Niyakap niya ako at sumunod naman ang barumbado kong anak na si Balut. Kahit pa sino sila, mahal ko ang mga anak ko at hindi ko sila ipagpapalit.

"Minsan mahihirapan ka at masasabing di mo na kaya" ngayon ko lang nakita si Balut na umiiyak.

"Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan" this time ay si Omelet naman ang lumapit sa akin. Siya ang pinakamahina sa kanila pero natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

She wiped my tears at binigyan ako ng isang yakap na namiss ko. "I'm sorry Mom" umiiyak niyang sabi.

"Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan" aba ang binabae ko umiiyak rin. Siya nga siguro ang nagmana kay Cheska. "Kasing ganda na kita Mommy" sabi niya.

"Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan" sabay-sabay na kanta ng triplets. Lumapit ako sa kanila at niyakap. "Huwag niyo nang uulitin 'yon ha" kako. Lahat sila ay nagsorry sa akin. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil may kasalanan din kami ni Gab. Ngayon ko lang narinig sa mga anak ko kung gaano nila ko kamahal at natouch ako sa ginawa nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One You Hate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon