Prologue

31.8K 536 56
                                    

                  

Kasing taas ng sikat ng araw ang mga puso nilang nagsusumigaw.  Ngunit kasing lakas din ang bagyo ang pagsubok na bumago sa kanilang mga mundo.

Everything was perfect.

The wedding.

And the baby on the way.

Akala ng lahat, sa happy ending na mauuwi ang kanilang pagsasama ngunit isang trahedya ang sumubok sa pag-iibigan nila.

Paano maibabalik ni Gab ang nakaraan kung nawala sa isipan ng taong mahal niya ang lahat ng mga alaala na pinagsamahan nila?

Buhat nang mawala ang anak nila, nawala na rin sa sarili si Andrea. Para sa kanya, lahat ay mamamatay tao at si Gab lang ang nag-iisang taong nakakalapit at nakakausap sa kanya.

Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Andrea ay humantong ito sa punto na handa niyang pakasalan ito kahit wala ito sa tamang pag-iisip. Ngunit pagmamahal din ang naging dahilan kung bakit nabago ang ikot ng kanilang mga mundo.

Sa kanilang muling pagkikita, matuloy na kaya ang happy ending na inaasam nila? Mahanap kaya nila ito sa isa't isa o sa mga taong nakasama nila sa mga panahong nakalimutan nila ang pag-ibig na iningatan nila?

-The One You Hate

The One You Hate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon